Chapter 13: Friends

14.1K 211 18
                                    

Chapter 13: Friends

Sa sumunod na Biyernes muling napadalaw si Enan sa dressing room ni Cristine. Hindi niya nadatnan yung artista pagkat meron siyang shooting. Si Arlene naman may meeting at si Jelly kinailangan samahan yung artista sa shoot kaya naiwan mag isa ang binata.

Sa sofa si Enan naupo at nagpasya na gawin ang kanilang assignment. Ilang minuto ang lumipas biglang bumukas yung pintuan, pumasok si Cristine at nakita niya yung binata nahihirapan magsulat sa sofa. Si Enan tumigil sa hiya, sinara ang kanyang notebook sabay inantay makaalis ang dalaga.

Nilayo ng binata tingin niya sabay tinapik tapik ang ballpen niya sa nerbyos. “Enan” narinig niya bigkas nung artista, mala slow motion paglingon niya kaya natawa konti si Cristine. “Me?” bulong ni Enan, ang dalaga hinaplos yung make up counter kaya tumayo agad si Enan at napalingon sa paligid.

“Teka lang hanap ako punas” sabi ng binata. “For what?” tanong ni Cristine. “Ah eh pinapapunas mo ata yan” sabi ng binata. “No, dito ka magsulat” sabi ng dalaga. Nagulat si Enan at lalong nahiya, “Ah eh..dito nalang ako. Okay lang ako dito” sabi niya.

“Dito ka” sabi ni Cristine at sa takot niyuko ng binata ulo niya at nagtungo sa counter. “Its okay I will be out anyway” sabi ni Cristine. “Thank you” bulong ni Enan sabay naupo. Umalis si Cristine, si Enan tinuloy ang assignment niya ngunit nadidistract pagkat may mga chocolate sa kanyang harapan.

Mga regalo yon kay Cristine mula sa kanyang suitors, biglang natatakam si Enan, talagang di niya matuloy trabaho niya pagkat mga mata niya di niya maalis sa mga chocolate. Muling pumasok sa kwarto si Cristine kasama ngayon si Jelly. Nahuli nila si Enan nakatitig sa mga regalo pero mabilis siyang humarap sa kanyang notebook.

Dumiretso sa sofa si Cristine, tumabi sa kanya si Jelly sabay pinagmasdan nila yung binata. “Thirty minutes daw bago maayos yung set” sabi ni Jelly. Biglang tumayo si Cristine, si Enan nanigas sa kanyang upuan pagkat alam niya nakatayo sa tabi niya ang dalaga.

Hinaplos ni Cristine yung isang box ng chocolate sabay dahan dahan nilapit sa binata. Napatingala si Enan at tinitigan yung magandang artista, “If you  want just eat” sabi ng dalaga. “Hindi, ah nadistract lang kasi ako konti” sabi ng binata. “Eat” sabi ni Cristine tapos biglang tumayo  si Jelly.

“Rocher…buksan mo na at penge” sabi ng bading. Tumingala si Enan at tinignan si Jelly. “Buksan mo na, kain tayo” lambing ng bading. Nilapit ni Enan yung box sa katawan niya sabay niyakap ito at hinarap ang mukha sa notebook. Nagtakip ng bibig si Cristine, natatawa siya pagkat muling napatingala si Enan sabay inusli konti ang dila niya.

Tumaas ang kilay ni Jelly, “Wag ka nang madamot at buksan mo na” sabi niya. Niyuko ni Enan ulo niya, akala nung bading bubuksan na nung binata yung box ng chocolate. Nakarinig siya ng zipper, “Oh” bigkas ni Enan sabay nagtwist konti para ipakita bukas niyang zipper.

Tumaas ang dalawang kilay ni Jelly, si Cristine naman tumalikod at tinakpan na talaga ang kanyang bibig. “Bastos ka! Hindi yan! Yung chocolates” sigaw ni Jelly. “Aaaahhh linawin mo kasi” bigkas ni Enan sabay hinarap yung box. “Bastos ka talaga, di kita inaano ha, ikaw nauna today” sabi ni Jelly.

Kinuha ni Cristine yung isang box sabay inabot kay Jelly. “Mas gusto ko yon e” sabi ng bading kaya muling humarap si Enan at pinasikat yung nakabukas niyang zipper. “Gago! Hindi yan” sigaw ni Jelly, kinuha niya yung inaabot ni Cristine sabay pinukpok sa noo ng binata.

Tumaas kilay ni Cristine kaya agad nagsorry si Jelly kay Enan. Nagring phone ni Cristine, bago niya sagutin yung tawag tinignan niya yung binata. “Sige na eat” sabi niya. Sinagot ng dalaga yung tawag, si Jelly napansin si Enan na nakatitig sa artista ng matagal.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon