Chapter Twelve

19.8K 554 23
                                    


"Anong ginawa mo! Bulalas niya.

Nakakuha narin sila ng atensyon lahat ng mga nagtitinda at namamalengke sa kanila nakatutok ang paningin.Pero wala siyang pakialam sa mga ito.Sa kanyang mga isda na nagkalat sa basang sahig ng palengke siya nakatingin.Madudumi na ang mga ito pano pa ito mabibili sa kanya.Nanlilisik ang mga matang tumingin siya kay Drake na ngayon e nakangising nakatingin sa kanya ang tingin niya dito ay may mahahabang sungay sa ulo at may mahabang buntot.



Galit na pumulot siya ng limang perasong isda at sunod-sunod na ibinato dito.



"Gago ka talaga"aniya habang binabato ito.



"Stop-ah ouch''daing ilag nito sa bago niya.




"Anong stop-hindi pano ko pa mabebenta ang lahat ng ito wala nakong kinita! bulyaw niya dito habang binabato ito ng isda tinatamaan ito sa ibat -ibang bahagi ng katawan nito.At wala siyang pakialam kahit masaktan ito.Napapa O lahat ng nanunuod sa kanila pati si Eda nakatakip ang kamay sa bibig.


"Tama na nasasaktan nako!anito na iniharang ang dalawang braso sa mukha nito.




"Sadyang masasaktan ka!

Pumulot muli siya ng isda at dahil doon nakakuha ng pagkakataon si Drake na lapitan siya at wala itong inaksayang oras mabilis siya nitong kinarga.



'Ibaba mo ako!aniya na pinagbabayo ito sa dibdib.Pero parang wala Lang dito ang kaniyang ginawa mabilis ang ginawa nitong paglalakad na animo ay wala itong karga.Sabagay sa laki ng katawan nito at sa tangkad para lang siyang papel na dala-dala nito.



"Buksan mo ang pinto ng kotse Jayson" utos nito Kay Jayson na nakatayo sa labas ng isang magarang sasakyan.Agad namang tumalima ang lalaki at binuksan ang pinto ng passenger sit.Agad pumasok sa loob si Drake na karga parin siya.


"Bitiwan mo na nga ako hindi nako makakaalis"aniya dito hindi siya kumportable sa posisyon nila.





Hindi manlang ito na ingli sa sinabi niya,Karga parin siya nito at parang mas humigpit pa ang pagkakayakap nito sa kanya.


"Let's go"anito.



Tumango naman agad si Jayson at pinatakbo na ang sasakyan.




Hindi na muling nagsalita si Drake habang nasa byahe sila kaya naman tutok na tutok ang paniging nito sa kalsada.Kita niya ang mga namumuong pasa sa mukha nito dahil sa pagkakabato niya.At gusto niyang makonsenya sa ginawa.



Bumalik ang isip niya sa mga nasayang niyang paninda luging lugi siya ngayong araw wala siyang kinita.Tumingin siya sa labas ng bintana.Saan ba siya dadalhin ng mokong na ito.

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Where stories live. Discover now