Chapter Three

23K 751 15
                                    


"Magandang umaga Mang Bert"

"Mas maganda kapa sa umaga Allison." nakangiting sagot nito kanya.

3:00 na ng madaling araw at heto siya sa bagsakan ng isda para umangkat ng kanyang ititinda sa palengke iniwan niya muna ang kanyang kapatid at mama sa ospital kilangan muna niyang maghanap buhay para may pangbili gamot na inireresita ng doctor at at poproblemahin nalang niya ay ang pambayad ospital.

Inilapag niya ang kanyang dalang banyera.

"Ilang kilo ang kukunin mo? tanong ni Mang Bert na isinasalin ang mga dalang isda nito sa malaking banyera sa harap nito.

"Ganun po ulet at sana maubos ang lahat ng tinda ko para may pang bili ng gamot ng mama ko",malungkot na turan niya

Kunot ang noong tumingin ito sa kanya."Bakit ano nangyari sa mama mo.?

Bumuntong hininga siya bago sumagot."inatake po sa puso at ngayon ay nasa ospital.

"Ah ganun ba wag kang magalala gagaling din ang mama mo"

"Alam ko naman po iyon at alam ko hindi kami papabayaan ng diyos "

"Abay oo naman sa bait mong yan hanga nga ako sayo dahil sa edad mong 18 years old ikaw na ang pumapasan lahat ng tungkulin ng isang ama."simpatya nito sa kanya.

Nginitian niya ito."Salamat po Mang Bert"

"At dahil diyan sa labing limang kilong iaangkat mo ang limang kilo libre na para malaki ang tubuin mo."anito na inilagay sa banyera niya ang mga isda.

Namilog ang mata niya sa sinabi nito hindi siya makapaniwala na gagawin nito iyon.

"Talaga po."bulalas niya.

"Oo pero ngayon lang ito ha."

"Opo Mang Bert maraming maraming salamat po malaking tulong po ito sakin."masayang turan niya.

"Walang anuman o siya lumakad kana at ng makabenta kana." taboy nito sa kanya.

"Opo sige po maraming salamat po,tutuloy napo ako."paalam niya.

"Sige at ikumusta mo ako sa mama mo."sagot nito.

"Opo Mang Bert." maikling tugon niya binuhat niya ang banyera at pagkatapos ay pumara siya ng tricycle at nagpahatid sa palengke.

At hindi naman siya nabigo sa maghapong pagtitinda nakaubos siya.Umuwi muna siya sa kanilang bahay para maligo.Bago siya tutuloy sa ospital.

"Apat na libo"bigkas niya kinuwenta niya ang kinita niya ngayong araw at sa tingin niya hindi parin iyon sasapat.

"Hay buhay."bulalas niya na nangalumbaba.

Wag kang magalala Allison pasasaan bat malalampasan mo rin ang lahat ng ito makakatikim karin ng maginhawang buhay pati narin ang mama at kapatid mo",bulong niya."bastat ngiti lang.

Inihilamos niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha"Kaya ko ito ako pa.! Naisatinig niya.

Pagkatapos ng pag mumuni-muni gumayak na siya para pumunta sa ospital bumili muna siya ng lutong pagkain para sa kanyang mama at kapatid.Pagkarating niya dumiretso siya sa cashier para mag pa partial bill.

Gusto niyang malula sa halagang nakasulat sa maliit na papel.

'15 thousand sa loob lamang ng dalawang araw pano pa bukas.Sa makalawa pa makakalabas ng ospital ang kanyang mama dahil iyon ang bilin ng doctor kilangan pang obserbahan ang puso nito.

Nasa public hospital na ito naka confine pero sobrang mahal parin bill.I nilagay niya ang papel sa kanyang bagpack.at tumuloy na sa kwarto ng kanyang ina.

Naabutan niya s Melvin na natutulog naaawa siya sa kapatid dahil hindi na ito nakapasok sa school dahil sa pagbabantay sa mama nila.Pero wala naman siyang magagawa.

"Kumusta na kayo mama.? Tanong niya ipinatong niya ang dalang pagkain sa maliit na table sa gilid ng kama nito.

"Mabuti na anak gusto ko na ngang lumabas sa bahay mas gusto kung doon magpahinga."

"Wag po kayong magalala Nay kakausapin ko ang doctor ninyo bukas."

Tumango ito."Sige anak."

"Ate ano yang pagkaing dala mo gutom nako eh."sabat ni Melvin na inusisa ang dala niyang pagkain.

"Kanin at adobong manok kumain kana."aniya kinuha niya ang malinis na plato at naglagay ng kanin at ulam.Para pakainin ang kanyang mama.

"Ayoko na anak busog na ako."anang kanyang mama nakaka apat na subo palang ito.

"Sigurado po kayo kumain po kayo ng marami para mas lumakas kayo."

"Busog na talaga ako anak, bigyan mo nalang ako ng tubig."

Inabot niya ang bote ng mineral water at ipinainom dito.Mukhang uhaw ito dahil naubos agad nito ang tubig.



"Matulog ka muna anak alam kung pagod na pagod ka."

"Oo nga po nay iidlip lang po ako saglit."aniya na umupo sa bakanteng silya sa tabi ng hospital bed nito.

"Sige anak."

Tumango siya at ini-ubub ang ulo sa kama,,at dahil sa pagod sa loob ng maghapon kahit hindi maganda ang pwesto sa pagtulo,iginupo siya ng antok namalayan nalng niyang nakatulog na siya.






Please please comment ,vote and share I really need your comments about dis chap I want to know wat u feel for dis chap I'd love to hear from u....

Follow me po.

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Where stories live. Discover now