Chapter Nine

20.9K 560 11
                                    


Hi po sa aking mga readers pasensya na at napatagal ang pag a-update masyadong busy po si utor sana po pahabain nyo pa pasensya nyo sakin,Kung nagandahan po kayo sa love story ni Zach at arrabella dito po sa kwento ng kanilang triplets mas magagandahan kayo ,tatawa iiyak at maiinis,,heheheh kaya paki-abangan nalng po ang pag a-update ko,Wag nyo rin pong kalimutang basahin ang Story ni Blake na sinusulat ko rin,,Salamat po sa inyong lahat.

❤Albenia26









Drake

"She's crazy kala niya maniniwala ako na buntis siya"



Nagpupuyos ang dibdib na turan niya kay Jayson na ngayon ay tikom ang bibig na nakatingin sa kanya.




"Hindi impossible kung may nangyari sa inyo Chairman at kung kayo ang nauna sa buhay niya", turan ni Jayson na natili ang seryoso ng mukha.





Oo nga naman Drake May nangyari sa inyo at hindi mo maiitanggi na ikaw ang unang lalaki sa buhay niya,"anang munting tinig sa isip niya.



"Hinihingi ko ba ang opinion mo?bulyaw niya dito.




"I'm sorry chairman"hinging paumanhin nito na iniyuko ang ulo.



"Pero may punto ka,Sige Puntahan mo ang babaeng yun at dalhin mo sa ospital",


"Bakit ko po dadalhin sa ospital?kunot noong tanung nito.





" Ipa-check up mo Sa OB para masiguro ko kung buntis talaga siya at pag buntis nga dalhin mo siya dito at kailangan naming magusap.



"Ngayon na chairman?




"Yes now na karakaraka wag ka ng magpatumpik-tumpik pa go!





"Yes chairman",anito na mabilis na tinungo ang pinto pero bago pa nito mahawakan ang seradura bumukas na iyon at bumungad si Cassandra.



"Good morning Miss Cassandra" ,bati ni Jayson dito.



"Good morning",ganting bati nito.




"Maiwan ko na kayo",paalam ni Jayson na tuluyan ng lumabas ng pinto.


"What are you doing here akala ko ba next week pa ang dating mo from States."salubong na tanung niya dito.




"Hmp hindi mo manlang ba ako yayakapin? Nakalabing sabi nito.



"Come here"aniya na ibinuka ang dalawang braso agad naman itong lumapit sa kanya at pumaloob sa naka bukas niyang mga braso.




"Na miss kita"anya na hinalikan ito sa buhok.



"I missed you too Drake"anito ilang saglit sila sa ganung posisyon ng kumawala ito sa pagkakayakap niya.


"How's mom and dad? Tanung niya.Simula ng mag turn-over siya  bilang CEO, sa America na nanatili ang kanyang  mga magulang  kasama si Cassandra na ka triplets niya.Na isang Modelo.Nasa America din ang isa pa nilang ka triplets na si Theo na siya namang namamahala ng iba pa nilang negosyo.Siya lamang ang naiwan dito sa pilipinas.





"Ok naman sila at Mahal n mahal parin nila ang isat -isa para silang mga teenager kung mag labingan,"ani Cassandra na umupo sa ibabaw ng kanyang wooden desk.






"Ikaw kilan mo sila bibisitahin? Tanung nito.





"I don't know ",kibit balikat na sagot niya.







"Hmp miss kana ni mama"



Ngitian niya ito"kaya kaba umuwi ng maaga para kumbinsihin akong bisitahin sina mama?



Gumanti ito ng ngiti,"parang ganun na nga"




"Don't worry pag lumuwag ang schedule ko bibisitahin ko sila,Si Theo musta na?




Nagkibit ito ng balikat"hindi narin kami halos nagkikita masyado ring busy ang isang iyon ewan ko ba kasi sa inyong dalawa masyado kayong seryoso sa trabaho nyo",

"

"Lalaki kasi kami e ikaw puro pag liliwaliw ginagawa mo"


"Hindi naman,sya nga pala pinapatanung ni mommy kung kilan ka daw mag-aasawa kasi daw gusto na nilang magka apo hehehehe "




Biglang pumasok sa isip niya  ang babae na kanina lang ay sinabi sa kanya na buntis ito at siya ang ama,So pag nagkataon na totoong buntis ito my instant apo na ang kanyang mga magulang.


Kibit balikat lang ang isinagot niya dito "San ka nga pala tutuloy ?kung gusto sa condo ko nalang.


"No pupunta ako sa bicol bibisitahin ko sina Lola doon,at gusto ko pati ng hanging probinsya,

"Ah ganun ba ikaw ang bahala",maikling sagot niya tanging ang magulang nalang ng kanilang ina ang buhay samantalang ang Lola nila sa kanyang ama ay matagal ng pumanaw dahil sa sakit sa puso ang lolo naman nila eh matagal na ring wala.

"Gutom nako kain muna tayo",aya nito na tumayo sa pagkakaupo.

Kahit triplets sila medyo iba ang mukha nito sa kanilang dalawa ni Theo  kasi sila ni Theo halos iisa ang mukha mas kamukha nila ang kanilang daddy samantalang ito nakuha ang features sa kanilang mommy,siguro dahil sa babae ito.


"Ok let's go"sagot niya  hinawakan niya ito sa siko at iginiya palabas ng kanyang opisina.

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Where stories live. Discover now