Chapter Four

24.8K 828 24
                                    

""Twenty thousand!!!!bulalas niya ng mabasa ang hangang nakasulat na sa band paper na hawak niya.""Sang kamay ng diyos ko kukunin ang ganito kalaking halaga,lalo ngayon hindi ako nakapag tinda sa palengke""",

""May naitabi pa akong pera bigay ko muna sayo""",alok ni Ronnie

""Hindi Ronnie itago mo nalang ang pera mo baka naman magagawan ko pa ito ng paraan,"

"Kilan ka gagawa ng paraan ngayon pano kung wala kang mahanap na pera di hindi pa makalabas ng ospital nsi aling Lenny lalong lalaki ang bill nyo"",mahaba nitong litanya nito.

"Basta hindi ko tatanggapin ang perang inaalok mo baka pag dating ng araw isumbat mo sakin ang lahat ng yaan alam mo namang wala kung maiibigay na kapalit""",pabiro pero seryosong turan niya.

"Hindi naman ako nahingi ng kapalit ah""",

"Basta ayoko "

"Bahala ka nga ang taas ng pride mo ,ganito nalang kung gusto mong makalabas ng ospital ang mama mo ngayong araw sumama ka sakin""

Napatingin siya dito"",saan tayo pupunta???nakamaang na tanong niya.

"Raraket yung mabilis na kita tutal ayaw mo namang tanggapin ang inaalok kong pera.

"Anong ibig mong sabihin?? Tanong niya kahit parang alam na niya ang ibig nitong sabihin"

"Alam mo na ang tinutukoy ko"""

"Nako Ronnie kasalanan yang iniisip mo at hindi ko yan kayang gawin",,umiiling na sagot niya.

"Ngayon lang naman mailabas mo lang dito sa ospital ang mama mo at tiyak may mga bagong resitang gamot ang kanyang doctor pano mu un mabibili???

Hindi siya umimik totoo naman ang sinasabi nito pero kaya ba niyang gawin ang bagay nayon" siguradong pag nahuli sila kulong sila.

Bakit may alam kapa bang ibang paraan??? Tanong ng munting tinig sa isip niya.

"Pag isipan mo alang alang sa mama mo"",ani Ronnie.

Nanatili ang kanyang pananahimik.Hanggang muli niyang marinig na magsalita si Ronnie.

"Sige Allison uuwi muba ako at pag napagisipan munang mabuti puntahan mo lang ako",,,anito

Tango lamang ang naitugon niya dito.

********

DRake

Ipinarada niya ang kanyang magarang sasakyan sa labas ng isang magarang restaurant"Meron siyang date ngayon with Leslie nakilala niya ito ng minsan dumalo siya dispedida party ng kaibigan niyang si Christian,maganda ito at sexy idagdag pa ang maputi nitong kulay,Nagtatrabaho din ito bilang modelo sa isang modelling company.Nagpakita agad ito ng motibo sa kanya kaya naman siya bilang lalaki hindi niya ito tatanggihan.Ilang beses narin niya itong nadala sa condo niya at ilang beses narin na may nangyayari sa kanila.Pero simulat'sapol sinabi na niya dito na wala ng maslalalim pa sa relasyon nila ngayon at pumayag naman ito so walang naging problema.Wala pa sa isip niya ang magseryoso sa pag-ibig lalo na ang makita ang sarili niya na ikakasal."never "aniya sa isip.

Lumabas siya sa kanyang sasakyan ng mai-park na ito ng maayos,Pumasok siya sa loob ng restaurant at agad naman niyang nakita si Leslie kumalat ito sa kanya,,gumanti naman siya ng kaway dito.

Nakasuot ito ng green dress na lalong nagpatingkad ng maputi nitong kulay nakalugay rin ang tuwid na tuwid nitong buhok.Kahit saan talagang anggulo napakaganda nito.Para tuloy gusto na niya itong hilahin at dalhin sa kanyang condo.Ipinilig niya ang ulo at ngumiti dito..

"Hi"bati niya.

"Hi"nakangiting bati nito sabay tayo at mabilis na humalik sa kanyang labi.

"So order na tayo kanina pa ko gutom""aniya na umupo sa katapat na silya nito.

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon