Chapter Eight

20.5K 690 23
                                    


"Miss Andrada?

Itinaas niya ang kanyang paningin at nakita niya ang isang seryosong mukha
Ng isang gwapong lalaki.

"Ako nga" sagot niya

"Follow me" anas nito na nagpatiuna nang naglakad patungo sa elevator.

Mabilis naman siyang sumunod dito,Hindi ito umiimik nanAtili lamang itong tahimik at seryoso ang mukha,Kaya naman nailang siya sa lalaki hanggang bumukas ang elevator wala silang imikan.Sabay silang lumabas sumunod parin siya dito tumigil sila sa isang nakapinid na pinto na may nakasulat na capital letter na "C.E.O"

Knock knock knock

Tatlong katok ang ginawa ng lalaki bago narinig niya ang isang pamilyar na tinig na hinding hindi niya makakalimutan.

"Come-in" anang baritonong boses sa loob.

Agad binundol ng kaba ang kanyang dibdib,Kahit talaga boses lang  ni Drake malaki ang epekto sa kanya.Parang hindi niya yata kayang humarap dito,natatakot siya sa maaring maging reaksyon nito.Baka ipakaladkad siya nito sa gwardya palabas ng kompanya nito,pag sinabi niya ang kanyang totoong pakay.

Hindi ko kaya ayoko natatakot ako.sorry baby hindi ko yata kayang harapin ang papa mo",Anya sa isip bumilang siya ng hangAng tatlo bago akmang tatalikuran na ang lalaki pra umalis,Kaso huli na ang lahat nabuksan na nito ang pinto at nakita na siya ni Drake na ngayon ay titig na titig sa kanya.

Kiming nginitian niya ito,pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya.Pumasok ang lalaking kasama niya sa loob kaya naman sumunod na rin siya dito.

Hay nako naman napasubo na baby,bahala na nga nakaktakot pa namang tumingin si papa mo oh para kung lalamunin ng buhay eh",anya sa isip.

"Sige na Jayson iwanan muna kami", seryosong turan ni blake sa lalaking sumundo sa kanya.

"Yes chairman" maikling sagot nito na aktong tutungo na sa pinto ng tawagin niya ito.

"Salamat Jayson",nakangiting turan niya.

Gumanti naman ito ng ngiti "welcome miss Andrada"

"At sinong may sabi sayong ngitian mo siya! Galit na bulyaw dito ni Drake.

Nagitla siya sa malakas nitong boses kaya naman namimilog ang matang tumingin siya dito.

"I'm sorry chairman",hinging paumanhin ni Jayson na iniyuko pa ang ulo.isang sulyap ang binigay nito sa kanya bago tuluyang lumabas.

"Hoy ikaw! Tukoy nito sa kanya.

"Ba-bakit? Nauutal niyang sabi kinakabahan siya,Mukhang pag sinabi niya dito ang pakay niya'y ihagis nalang siya nito sa malaking salaming bintana tiyak durog ang katawan niya pag bumasag siya sa lupa.

"Anong ginagawa mo dito sa opisina ko? Medyo kalma na nitong tanong sa kanya.

"Ha ano kasi- kasi---"nauutal na sabi niya hindi siya makapag salita ng maayos dahil na iilang siya sa mga tingin nito.

"Pwedeng magsalita ka maayos.Sinasayang mo ang oras ko,hindi mo ba alam na bawat minuto at oras ko ay importante sakin kaya kung ano man yang sasabihin mo sabihin muna",

Pano ba ako makakapagsalita ng ayos eh naiilang ako sa tingin mo,"turan niya sa isip

"5 minutes  bibigyan kita ng limang minuto para magsalita,

"Ha napakaikli naman non pwede bang kahit 10minutes kaya",hirit pa niya.

"No! Your time start now"anito.

"Tumalikod ka muna",aniya.

"What? Bakit ako tatalikod?? Kunot noong tanung nito.

"Naiilang ako sa tingin mo kaya tumalikod kana para masabi kona ung gusto kong Sabihin."

MY SNATCHER GIRL [The Montillano Saga BOOK 4]✔Where stories live. Discover now