Avah Maldita (AARTE PA?) [BOOK 1] (ORIGINAL VERSION)

spinner.gif

Taas noo akong naglalakad sa loob ng isang mall. Syempre naman ang ganda ko ata para yumuko. Suot ang isang cheap and simple dress from Forever 21.

 

 

Kagagaling ko lang sa Starbucks dahil nauhaw ako sa pagshoshoping. Umorder lang ako ng mocha frappuccino. Yeah i know ito lang ang inorder ko, ang poor ko na. Tinake-out ko lang dahil wala ako sa mood tumambay doon, ang dami kasing highschool girls na nandoon, first time lang ata makapunta ng Starbucks. How pathetic!

 

 

So here I am, still walking palabas ng mall. God, my leg hurts na.

Sa left hand ko dala ko ang ilang shopping bags at sa right hand ko naman yung tinake-out kong frapp. -- na halos hindi ko pa nababawasan.

 

 
"Ouch! Oh my God...my dress!" biglang sigaw nung babae.

 

 

Napahinto ako sa pag-lalakad. Nabangga ko pala sya.

 

"Are you blind? Hindi mo ba nakikita na may tao? Tignan mo yung ginawa mo sa dress ko." 

Naghe-hysterical na sabi nung babae. Nakatingin lang samin yung lalaking kasama nya. Boyfriend nya ata. Wow, akalain mo yun may pumatol. Hahaha.

 

 

Tinignan ko naman yung damit nya. CHEAP. And yeah, natapunan ko nga at may konti din tapon sa kamay ko. 

Tsk, sayang yung mocha frapp ko.

 

Tinignan ko muna sya mula ulo mukang paa, bago ako nagsalita.

 

"So sa tingin mo tao ka?" 

At saka humakbang papalayo sa kanila pero napahinto ulit ako dahil sumagot sya.

 

 

"ANONG SABI MO?ANG KAPAL NG MUKA MO AHH"

Nanggagalaiting sabi nung nagpapanggap na tao.

 

Tinignan ko lang sya.

 

"Miss magsorry ka na lang kasi sa kanya. Tignan mo nadumihan mo yung damit nya." sagot nung lalaking kasama nya.

 

Ako inutusan nya? HAH.

 

Dumadami na yung mga usisero sa paligid namin.

COOL, gusto ko yan. ATTENTION.

 

"Ohh, look what we got here, a knight in shinning armor ready to save his damsel in distress, how romantic. 

 

 

Seriously, ngayon ko lang nalaman na marunong palang mag-mall ang mga HIPON at SHOKOY."

I said and smirked at them. 

 

HAHAHA. look at their faces. NGANGA. 

 

"MISS NAPAKAYABANG MO NAMAN, SINO KA BA SA AKALA MO? SIMPLENG SORRY LANG HINDI MO PA MAGAWA. IKAW NA NGA TONG NAKABUNGGO OH" sabi nung babae

 

"Kasalanan ko bang tanga ka? At hindi ka tumabi nung nakita mong mabubunggo na kita? Ako magsosorry? Dapat ka pa ngang magthank you sakin."  I said casually.

 

"AT BAKIT NAMAN AKO MAGTHATHANK YOU SAYO?" pasigaw na tanong nya na halatang isang pitik ko na lang iiyak na sya. 

 

"Magpasalamat ka sakin dahil atleast kahit papano nakatikim ka ng mamahaling kape, yun nga lang sa damit mo dumiretso at dapat nga ikaw pa tong magsorry sakin, mas mahal pa nga yung kape ko kesa dyan sa damit mo, pero ok lang. Hindi na kita sisingilin."

 

Sabi ko sa kanya. Namumula na sa galit yung babae.

HAH. TAKE THAT.  

And for my FINAL WAVE.

 

 

"Oh"  

 

Iniabot ko sa kanya yung bawas na mocha frapp. tumingin sya sa hawak ko ng nagtataka at nag-aalangan pa syang kunin yung nasa kamay ko. 

 

"Nangangalay na ko. Kukunin mo ba o ibubuhos ko nang tuluyan sayo?" sabi ko sa kanya

 

Natakot ata at bigla nyang kinuha. Tama lang yun. MATAKOT SYA.

 

"Anong gagawin ko dito?" nag-aalangang tanong nya.

 

Ok this is it. MY FINAL WAVE

 

 

"Muka kasing 3-in-1 coffee lang sa tindahan ang kaya mong bilhin. Dahil mabait ako, ayan sayo na yan. Para naman makatikim ka ng mamahaling kape, tutal wala na kong ganang inumin yan." Sabi ko sa kanya.

 

Inunahan ko na syang magsalita nung nakita ko na sasagot pa sya.

 

"OH? AARTE PA?"

 

Mataray kong tanong sa kanya at inirapan ko silang dalawa.

Tuluyan na kong umalis sa mall ng may ngiti sa mga labi ko. 

 

 

I'm AVAH.

 

I'm good to no one.

 

Half-Chinese,

 

PURE MALDITA

 

 

 ************

*chummy <3

Comments & Reviews (1086)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Who's Reading

Recommended