Chapter 21

102K 984 168
                                    

Unedited 


CHAPTER 21

LYNDON'S POV

Napasuntok na lang ako sa lamesa ng tuluyan ng lumabas si Bianca sa restaurant.

Pinaghandaan ko pa naman ang araw na'to tapos sisirain lang nya, hindi na nga ako nagtanong kung san sya nanggaling kagabi kahit mamatay matay ako sa pag-aalala pero pinalampas ko pa din dahil alam kong galit sya at ako ang dapat na bumawi. Damn! Akala ba nya madali 'tong gagawin ko?!! It took time para mapatunayan ko sa sarili ko na mahal ko talaga sya.

Muka nga lang akong gago eh dahil pakiramdam ko para kong isang teenager na natotorpe. Gustong gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko sya at patawarin nya ko sa lahat ng nagawa ko sa kanya pero pag nasa harap ko na sya bigla bigla na lang akong pinaghihinaan ng loob. Nakakagago lang! Hindi naman ako ganito sa babae eh lalo na dati kay Allison pero bakit pagdating kay Bianca natatameme ako.

Tinawagan ko na lang si Yvo yung asawa ni Brooke. Hindi ako malapit sa mga kaibigan ni Bianca dahil hindi naman ako nakikisama sa kanila, pag andon sila sa bahay namin dun lang ako sa mini bar at kami yung nag-uusap ni Yvo dahil alangan naman makisama kami dun sa mga babae.

"Hello pre."

(Oh? Napatawag ka ata pre?)

"Shot nga tayo." aya ko sa kanya. Ang tagal na din namin pa lang hindi nag-inuman, naging hands on kasi sya sa pag-aalaga sa asawa nito lalo na't nasa last trimester na si Brooke. Napangiti na lang ako at naimagine kung dadalin ni Bianca ang anak ko. Ang ganda nya sigurong magbuntis.

(Ngayon ka lang naaya ah. Sige papaalam lang ako kay misis.) napailing na lang ako at napatawa. Hindi mo aakalaing under ang mokong eh. Kung nag-iba lang sana ang sitwasyon at sana maparamdam ko din kay Bianca kung ano yung nararamdaman ko para mawala na yung barrier na humaharang samin. Malapit nga kami sa isa't-isa pero pakiramdam ko ang layo pa din nya at ang lamig lamig. Bakit ba ngayon ko lang 'to naramdaman?!!

Umalis na ko para magpunta sa bahay nila Brooke, ayaw daw kasi nyang iwan si Brooke mag-isa dahil baka kailanganin sya nito anytime.

Matino kasi ko nung buhay pa si Allison at never ko syang iniwan, ang alam ko dating bodyguard ni Brooke si Yvo eh. Nang makarating ay sinalubong ako ni Brooke sa pinto ng nakangiti. She's very pregnant pero maganda pa din sya. Humalik ako sa pisngi nya at nakipag kamay kay Yvo na may bitbit ng isang case ng beer.

"Grabe naman honey itutumba nyong dalawa yan ni Lyndon?" tanong ni Brooke habang pabirong tinatampal ang braso ng asawa nito.

"Kayang kaya 'to hon." sagot naman ni Yvo at hinalikan si Brooke. Napangiti na lang ako habang pinapanood ko sila pero agad din 'tong nawala. Naalala ko lang bigla si Allison. Ganun kasi kami dati nung nagbubuntis sya.

"Sige na Lyndon, enjoy ka lang dito ha. Punta muna ko sa kusina paghahanda ko kayo ng pulutan." tumango lang ako sa kanya. Hindi pa man nakakalayo si Brooke ay agad itong lumingon.

"Teka si Biancx nga pala? Ilang araw ko na syang di nakikita."

"Kasama nya si Sheila ngayon eh. May urgent meeting daw sila." nagtaka ko ng biglang nangunot ang noo ni Brooke pero agad din itong bumawi ng ngiti.

"Napapadalas naman sila. Nakakatampo. Hahaha. Sige enjoy na muna kayo ni Yvo."

Dun kami pumwesto ni Yvo sa balkonahe at nagsimula ng mag-inuman.

"Ano nga pala anak nyo ni Brooke?" tanong ko sa kanya.

"Kambal pre. Haha. Akalain mo yun!" halatang galak na galak ang pota ah.

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon