Chapter 15

95.6K 1.1K 84
                                    

CHAPTER 15

Inaya ko si Sheila na pumunta sa bar para uminom ng kaunti. Nagpaalam naman ako kay Lyndon at pumayag sya, kailangan ko naman daw magliwaliw at nakakagulat na sya pa ang nag-prisinta na mag-asikaso sa mga bata. Talagang napapalapit na sya sa sarili nyang mga anak at natutuwa ako doon.

Nagyakag ako na kami na lang ni Sheila ang magsama ngayong gabi at huwag ng ayain pa si Jackie dahil gusto ko ng seryosong makakausap.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ni Sheila sakin pagka-upo namin sa may counter. Nagbuntong-hininga lang ako bilang sagot at hinarap yung bartender. Infairness napaka gwapo naman ng bartender dito! Nakakalaglag ng upuan.

"Hi handsome." sabi ko sa kanya at binigyan sya ng malanding ngiti. I miss this!!

"May I have your drink Ms. Gorgeous" at sinuklian din nya ko ng mapanuksong ngiti.

"Silly." rinig kong bulong ni Sheila habang pumapalatak ito.

"Margarita sakin and don't mind her." sabi ko na lang at inirapan ko si Sheila.

"She's crazy. Tequila sakin. Thanks! Hoy Bianca wag mong titigan ng ganyan si kuya may asawa kang tao!" Sheila hissed.

"Gaga. Tinitignan ko lang kung kaya ko pa lumandi." at humagalpak ako ng tawa.

"Don't worry ladies. I'm married." at tinalikuran na kami ni Hot-Bartender na may naglalarong ngiti sa mga labi nito habang kami naman ni Sheila ay napamaang na lang.

"What a lucky girl!" at nagtawanan ulit kami ni Sheila.

"Sobrang hot nung bartender 'te di kinaya ng powers ko. Lumelevel ng Yvo at Lyndon." sabi ni Sheila habang pinipigilan pa din ang pagtawa. Kahit na medyo strong ang personality ni Sheila ay malandi pa din talaga ito pagdating sa mga ganitong bagay.

"Kaya ka bumibigay agad eh. Hahaha. Kahinaan mo talaga mga smoking hot ano?" okay. Maaga kasing bumigay 'tong si Sheila sa first boyfriend nya which naging asawa naman nya.

TVFN: The Substitute Wife 40

"Oo eh. Nagwawala hormones ko dun 'te. Hahaha."

"Married na nga daw diba? Atsaka may asawa ka na huy!"

"FYI. Ex-husband!" tinawanan ko na lang si Sheila at hinarap yung kararating na hot bartender.

"Baka gusto nyong i-try ang 13 Hell Shots." tanong ni bartender.

"No thanks." agad na pagtanggi ni Sheila.

"13 Hell Shots? What's that?" tinanong ko sya na nagtataka. Never heard pa ata yun? Uso ba dito yun? Pangalan pa lang ayoko ng i-try ah.

"Huy Biancx gusto mo bang gerahin ako ng asawa mo ha? Nako kuya next time na lang namin itatry baka matulad pa sakin 'tong kasama ko maging SMP pa." narinig kong tumawa si Mr. Bartender

"Sige. Dahil din naman sa 13 Hell Shots na'to kaya naghiwalay kami ng asawa ko." wow naman! Idadamay pa pala ko ni kuya eh. Wag na nga lang talaga no'.

"Wag na pala kuya. Di mo naman sinabi agad kung maka-offer ka naman." bira ni Sheila

"Solve na pala ko sa Margarita ko. K.Thanks." ngumiti lang si kuya at tumalikod na ulit para harapin ang ibang customers. Sira naman pala yun mag-aalok ng drink yun naman pala maghihiwalay yung couple pagkayari. Napailing na lang ako at inisang lagok yung alak ko.

"Nakakamiss 'to." sabi ko na lang sa sarili ko at napalingon sakin si Sheila na parang nagtataka kung sya ba ang kinakausap ko o sadyang nababaliw lang ako para kausapin ang sarili ko.

"Alam mo nung una talaga nagsisisi at nakokonsensya pa ko nung medyo matagal na kaming kasal ni Lyndon kasi naman ginive-up ko yung kalayaan ko para sa kanya at sa mga batang hindi naman sakin. Naisip ko kasi bakit ko ikukulong yung sarili ko sa pesteng pagsasama na yon' eh ni hindi nga ako mahal nung asawa ko." huminga muna ko ng malalim bago ininom ang isa pang baso ng alak.

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon