Chapter 20

98.8K 1.2K 117
                                    

CHAPTER 20

BIANCA'S POV

Umaga na ng pawalan ako ni Allison at nilinaw nya sakin ang mga gusto nyang mangyari. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na nasa harap ko sya kanina at nakikipag-usap pa sa kanya. Di ko maiwasang pangilabutan pag naiisip ko yung inilibing namin 3 years ago ay nasa harap ko pa mismo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, bago ako pumasok sa bahay ay naupo muna ko sa patio at isinubob ang mukha ko sa mga palad ko. Makokontento na talaga ko sa status namin ni Lyndon ngayon pero sana naman magising na ko sa masamang panaginip na'to.

Tumayo na ko upang buksan ang pinto ng bahay, hindi ko alam pano magpapaliwanag kay Lyndon kung bakit di ako nakauwi kagabi. At ng bubuksan ko na ang seradura ay sya namang pagbukas nito, nagulat na lamang ako ng may mga bisig na bigla na lamang yumakap sa akin.

"God! Bianca san ka ba galing? Nag-alala ako alam mo ba yun?" saglit lamang ang pagkagulat ko ng maramdaman ang mahigpit nyang yakap, pakiramdam ko akin sya ng mga oras na yakap nya ako. Gumanti ako ng yakap at isinubsob ang mukha ko sa balikat ko. Pinigilan kong umiyak. Masyado na kong napapagod pisikal at emosyonal.

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sakin sa pagbabalik ni Allison.

Ano bang magiging reaksyon ni Lyndon? Iiwan na lang ba nya ko basta at kakalimutan lahat ng bagay na ginawa ko para sa kanila? Naiisip ko pa lang yun nasasaktan na ko ng husto.

Pano na ba ko nito? Mawawala ang asawa't mga anak ko sa akin ng isang iglap.

Hindi ko maiwasan ang mapaisip sa mga posibleng mangyari, hindi ko na alam kung ano ang iniisip ni Allison, hindi sya ang nakilala kong kapatid, hindi ko lubos maisip na magagawa nya ang ganong katinding bagay.

Niloko nya kaming lahat! Pinaglaruan!

Gusto ko syang saktan at sumbatan sa lahat ng paghihirap na nararanasan ko ngayon.

I don't deserved this effin' situation!!

Gusto ko syang sisihin sa lahat ng kabaliwang ginawa nya, kung hindi dahil sa kanya hindi naman ako mapupunta sa pesteng sitwasyon na'to. Hindi ko kinakailangan makihati sa atensyon at hindi ko mamahalin pa ng husto si Lyndon. Ang pagiging PANSAMANTALA ko lang naman ang nakapagpalapit pa ng puso ko kay Lyndon.

TVFN: The Substitute Wife 51

Bullshit naman tadhana oh! Bakit kailangan mo pang paglaruan ang mga landas namin?!! Bakit kailangan mo pa kong ilapit sa lalaking hindi naman para sakin!!! Bakit kailangang hiram lang hindi ba pwedeng AKIN na talaga?!!

---------

Ang weird ng mga bagay ngayon, tulad na lang ng inaya ako ni Lyndon na mag-lunch date at take note pina-cancel pa nya yung meeting nya para lang makapag-date kami.

Pinipilit kong umarte ng normal pero may miminsan na napapatulala na lang ako at halata ko naman na medyo naaasar na sya sa kinikilos ko. Anong magagawa ko? Sabihin ko ba na 'Hoy yung peste mong asawa at yung peste kong kapatid BUHAY pala!" shet.

Dinala nya ko sa isang chinese restaurat at nabalik lang ako sa sarili ko ng makita ang isang boquet ng white roses, bigla na lang ako napangiti sa pinapakita nyang sweetness.

Sabihin mo lang Lyndon na mahal mo ko ipaglalaban kita, bigyan mo naman ako ng dahilan para lumaban, kailangan ko ng assurance kahit yung tatlong salita man lang na yun mapawi ang lahat ng takot ko, mabigyan man lang ako kahit 1% na pipiliin mo ko.

"Bianca, nangako ako sayo diba na babawi ako sayo? I'm so sorry kung nasasaktan na pala kita pero maniwala ka mahalaga ka sakin at ayokong nasasaktan ka." nakikita ko ang sincerity sa mga mata nya lalo na ng hawakan nya ang mga kamay ko.

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon