Chapter 9

110K 1.5K 175
                                    

CHAPTER 9

BIANCA'S POV

Kasalukuyan ako ngayong naagdadabog este naghahain pala ng almusal. Tignan mo yung magaling kong asawa mukang sarap na sarap pa sa pagkakatulog. Arghh!! Last night he passed out! Kaya naman pala libre yung massage oil kasi walang kwenta! Pinagloloko lang ata ako ni lola may 'subok' thingy pa syang nalalaman.

Napailing na lang ako, bakit ba kasi naisipan ko pang akitin ang asawa ko. Nakakainis lang kasi na kapatid ko na nga mismo yung karibal ko at ang mahirap pa don' sa patay pa ko nakikipagkompetensya. Ayokong magmakaawa kay Lyndon, hinding-hindi ko gagawin yon'. Alam ko namang kahit hanggang ngayon pangalawa pa din ako kay ate and sobrang unfair lang! Damn it! Nagsasawa na din naman ako sa ganito. Ayoko na! Hindi ko na gagawin yung Plan C! Hinding-hindi na ko susunod pa kay Jackie tama na siguro yung nakadalawang attempt ako.

"Good Morning" bati sakin ni Lyndon habang pababa ng hagdan. Eh bakit ang hot nya kahit bagong gising?! Dapat talaga half naked pag kakain ng almusal?! Dapat talaga ilantad ang abs sa akin?! Ganito na ba talaga ang panahon ngayon at babae na ang nagpipigil? Hay. Napalunok ako kasi parang nanuyo yung lalamunan ko.

LYNDON'S POV

Ito na ata ang pinakamasarap na gising ko sa loob ng tatlong taon, may asawa ka ba naman ba na magaling magmasahe. Paglapat pa lang ng mainit at malalambot nyang mga palad sa pagod kong katawan ay gumaan na agad ang pakiramdam ko. Kung hindi lang siguro ako pagod kagabi malamang mag-react ang katawan ko sa mainit at banayad nyang haplos pero wala eh pagbagsak ko pa lang sa kama nakaramdam na ko ng panlalambot. Tsk.

Hindi na ko nag-abala pang magsuot ng damit total mainit naman pag umaga. Nung pababa na ko ng hagdan nakita ko syang abala sa paghahanda ng almusal. What a perfect housewife pero naalala ko bigla hindi ganitong Bianca ang nakilala ko 3 years ago. Ibang-iba na si Bianca, naging mature na sya. Dati rati nakwekwento na sya sa akin ni Allison na si Bianca daw ay isang flirt, party girl at ang rebelde ng pamilya nila, 4th year high school daw si Bianca when she lost hert virginity. Mataas ang tingin ko sa mga babae lalo na sa mga kinasal na birhen pa, ang bata pa pala ni Bianca ng maangkin ng iba. Sino kaya yung gago na yun na nagsamantala sa kabataan nya! Hayop!

TVFN: The Substitute Wife 23

Binati ko si Bianca ng makababa ako pero hindi nya ko pinansin, nangunot ang noo ko. Galit ba sya o masama lang ang gising nya? Sayang ang ganda pa naman ng gising ko ngayon, ayoko ngang pumasok ngayon sa opisina tutal naman kayang-kaya na yon' ng mga managers ko, parang gusto ko lang humilata ngayon maghapon.

"Hindi pa ba gising ang mga bata?" tanong ko sa kanya ng makaupo na ko.

"Sabado kaya ngayon." tipid nyang sagot at umupo na din sa pwesto nya.

"At pwede magdamit ka nga mamaya makita ka ng mga anak mo." aba't ano bang problema nya?! Meron ba sya o ano? Nagdadabog pa habang kumukuha ng pagkain. Pasalamat sya at maganda talaga gising ko. Nang susubo na ako ng kutsara bigla namang nag-ring yung cellphone ko.

"Bianca paki-abot naman yung cellphone ko." turo ko sa kanya sa side table ng sala kung san ko naiwan kagabi yung cellphone ko.

"Ikaw na kita mong kumakain na ko eh." talaga naman oh! Tsk. Tumayo na ko at kinuha ang cellphone ko. Unregistered number? Sino naman kaya 'to?

"Hello?"

BIANCA'S POV

Akala ata ng Lyndon na 'to sya lang may karapatang magsungit ah, ano sya ngayon? Sino kaya yung natawag at ang tagal naman atang makipag-usap ni Lyndon dun sa sala? Ang alam ko hindi sya tumatanggap ng business calls sa personal number nya pero bakit parang ang seryoso nya makipag-usap? Oh well ganon naman sya palagi bakit nga ba nagtataka pa ko.

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon