Chapter 18

87.9K 1.1K 122
                                    

CHAPTER 18

BIANCA'S POV

Nagising ako sa liwanag ng sinag ng araw na sumisilaw sa aking mga mata. Sa pagbangon ko naramdaman ko agad ang pagsakit ng ulo ko.

Napasandal ako sa headboard at napapikit ng mariin.

Wala akong maalala pwera dun sa hinatid ako pauwi ni Louie. Aw! Naka 7 shots lang ata ako ng Margarita pero tinamaan agad ako?! Napansin ko na yung suot ko kagabi yung suot ko pa din ngayon., tignan mo yung magaling kong asawa hindi man lang ako pinalitan ng damit. I sighed.

Malamang di man lang nag-alala sakin yun. Asa na lang talaga! Bumangon na ko sa kama na salo ang ulo ko na parang pinupukpok ng martilyo. Grabeng hangover naman 'to parang Margarita lang eh. Agad na kong dumiretso sa banyo upang mag shower ng kahit papano ay mahimasmasan naman ako.

After mag shower ay nagpalit ako ng isang simpleng summer dress, nagmadali akong bumaba sa kusina dahil tinanghali na ko ng gising. Ano kayang kinain ng mga bata kanina bago pumasok sa school? Pano naman yung mga baon nila?! Hindi ako dapat uminom at nalasing eh. Napahilot ako sa batok ko. Napaka iresponsable ko naman!

Nagulat ako ng sumalubong sa akin si Aling Delia na nasa kusina at nagtitimpla ng kape.

"Kelan pa ho kayo nakabalik Aling Delia?" tanong ko sa kanya habang umuupo sa komedor upang magtimpla ng sarili kong kape.

"Kanina lang madaling araw. Pasensya ka na kung natagalan ako."

"Okay lang yun. Magrereport na ko sa trabaho ko mamaya kung ganun. Kamusta na pala yung anak mo?"

"Nako Ma'am kambal ho ang apo ko! Parang sina Elaine at Ivan po! Fraternal twins." ngumiti lang ako at itinuon ang pansin ko sa paghahalo ng kape ko, ayokong makita ni Aling Delia ang pagpalis ng mga ngiti ko.

"Sya nga pala maagang umalis si Sir at pinahatid ko na lang kay Dariz yung mga bata. Mukang balisa si Sir. May problema ba kayo?" I frowned. Nagalit siguro sya dahil hindi ko naalagaan ang mga anak nya. Tsk.

"Wala yun. Sige na maglinis ka na ng bahay, gagayak na ko para pumasok sa opisina." bahagya lang akong humigop sa kape ko at nagpunta na ko sa silid namin para magpalit ng damit. Isang simpleng white sleeveless lang at black slacks ang suot ko at nagsuot ng sandals na may talong pulgada ang takong. Bahagya akong naglagay ng make up at hindi ko inabala pang ayusin ang kulay honey kong buhok.

TVFN: The Substitute Wife 47

Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong nagpunta sa garahe at sumakay sa kotse. Pagkaupo ko sa driver's seat ay napagmasdan ko ang picture naming tatlo nina Elaine at Ivan na nakalagay sa dashboard, nagkalamat pala yung frame dahil sa pagkakabagsak niyon. Napailing na lang ako at binuhay na ang makina ng kotse.

Dahil rush hour na ay inabot na ko ng tanghali bago marating ang Crisostomo Real State Firm kung saan nagtatrabaho ko bilang interior designer. Nagpunta agad ako sa opisina ni Sheila na isa sa mga architect.

"Hey Sheila!" nakangiti kong sabi sa kanya pagpasok pa lang sa Architect Department.

"Oh? Nadalaw ka? Wala ka ng hangover?" hindi man lang nya ko nagawang tignan dahil as usual puro trabaho na naman sya! Workaholic talaga oo.

"Babalik na ko dito no. Yeah medyo masakit lang ulo ko. Ikaw?" tanong ko habang kinakalikot yung mga nagkalat na scratch papers sa desk. Adik lang sa trabaho 'tong babaeng ito buti hindi sya nalolosyang.

"Jusko! Ni hindi nga ako naka isang baso eh! Kung wala kang kailangan lumabas ka na at kanina pa ko nakulit ni Jackie." weird. Ang sungit nya talaga! Tutal wala naman talaga kong gagawin ay lumabas na ko ng opisina nya.

Nakakatamad naman pag walang trabaho! May dalawa kong kliyente pero hindi pa masyadong tapos ang bahay nila kaya naman hindi ako makapagsimula at dahil nga nag-leave ako ay sa ibang designer nitong firm napunta na ang ibang kliyente.

Ayoko naman mag-mall or mag-aya na naman ng kung sino dahil wala ako sa mood na mamasyal or mag shopping. Dahil may tama pa din ako ng hangover ay nagpasya na lang ako na umuwi at matulog mag-hapon sa bahay.

Bumaba na ko sa basement kung saan nakaparada ang kotse ko, madilim at walang katao-tao man lang sa car park kaya parang ang creepy lang ng pakiramdam.

Mga ilang hakbang akong napapahinto para lang lumingon sa likuran ko, napaparanoid na ata ako para isipin na may mga matang nakatingin sakin mula sa malayo. Nagsitayuan ang mga balahibo ko ng malapit na ko sa kotse dahil pakramdam ko ba'y habang palapit ako ng palapit sa kotse ko ay palapit din ng palapit ang mga titig na nanunuot sa pagkatao ko.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ko ng bigla na lang may nagtakip sa ilong ko at nakaamoy ako ng isang nakakahilong amoy at pagkatapos ay tuluyan ng nagdilim ang paligid ko...........

****

Nagising ako na mabigat ang ulo ko, at nagtaka ako ng sa pagmulat ng mga mata ko ay tumambad ang hindi pamilyar na lugar. Nasa isa akong kwarto na hindi ko alam kung saan. Pilit kong inalala ang nangyari pero ang natatandaan ko lang ay yung sa basement. Bigla akong pinalibutan ng kaba dahil hindi ko alam kung nakidnap ba ako o ano? Nasan ba ko at sino ang kumuha sa akin?

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala ito gayundin ang bag.

Kasalukuyan akong naghahanap ng mga gamit ko upang makahingi ng tulong ng bigla na lang may nagbukas ng pinto at ganun na lang ang sindak ko sa babaeng iniluwa nito.

Imposible!

Panaginip ba ito?

Paano?

"Hello Bianca. Do you miss me?"

The Virgin's First Night 2: The Substitute Wife (PUBLISHED under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon