Chapter 23: The Best night Ever!!!

9.2K 131 1
                                    


Chapter 23: The Best night Ever!!!


Nicole's POV


(*O*)

( *0*)

(*0* )


Ang ganda! (*O*)


"Paano mo nakita yung lugar na ito?" tanong ko sa kanya habang tinitignan yung magandang view sa harapan ko.


"Matagal ko na ito nakita, madalas akong tumabay dito kapag gusto kong ma-relax." sabi niya habang nakatingin din doon.


"Ah. Ang ganda ^_^" hindi ko napigilang masabi iyo dahil sobrang ganda talaga. Tumingin ako kay Vince, nakangiti siyang nakatingin.


Nasa mataas na lugar kami na kita yung buong syudad ng Maynila. Walang harang yung bangin na kinatatayuan namin pero may lumang bench na nakatayo doon sa gitna ng dalawang puno. Mukhang meron ng nauna dito kasi halata naman sa uri ng bench nandoon. Naglatag ng blanket si Vince sa lapag nang harapan ng bench. 


Hindi ko alam na may dalang picnic basket si Vince nang nakarating kami dito. Nakaupo kami sa blanket habang nakasandal kami sa upuan ng bench, yung basket naman ay nakalagay lang bench. Maliwanag ang buwan at masarap ang simoy nang hangin. Nakalagay ang ulo ko sa balikat ni Vince habang nasa bewang ko ang kamay niya. Tama nga si Vince, nakakarelax talaga yung tanawin dito.


"Magsho-shooting ka pa ba?" basag ko sa katahimikan namin.


"Oo, medyo matatagalan pa. Bakit mo naman naitanong?" sabi niya na hindi tumitingin sa akin.


"Wala lang. Mahirap ba maging artista?" curious na tanong ko sa kanya. Bigla siyang napatingin sa akin sa tinanong ko.


"Hindi naman masyado, minsan nakakapagpahinga ka naman pero madalas nakakapagpuyat ka kasi kailangan namin matapos yung shooting namin."


"Ahhh..." tanging sinagot ko sa kanya. Naintindihan ko na si Vince kung bakit palagi siyang puyat. Namayani yung katahimkan pagkatapos ng pag-uusap namin yun. Bigla na lang kumalam yung tyan ko, mukhang gutom ulit ako ah. Napatingin ako kay Vince kasi narinig ko siyang tumawa, binigyan ko siya ng masamang tingin sa ginawa niya.


"Nagugutom ka na ba?" asar na tanong niya sa akin. Pulang-pulayung mukha ko sa kahihiyan ko ngayon.


"Hmmm... medyo?" sabi ko na lang sa kanya. Alam kong pinipigilan ni Vince yung tawa niya.


"Kain ka ng sandwich?" marahan niyang tanong sa akin.


"Sige" sang-ayon ko sa kanya. Kinuha ni Vince ang basket at binuksan, nilabas niya ng isang sandwich na nakabalot sa tissue, binigay niya sa akin ang isa at kumuha rin siya ng isa para sa kanya. Tahimik lang kami kumakain habang nakatingin sa tanawin namin, bigla na lang napadaan ang isang shooting star. Pinagpapalo ko si Vince dahil nae-excite ako., First time ko lang kasing nakakita ng shooting star sa tanang buhay ko.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon