Chapter 1: Meet Everybody

33.6K 296 9
                                    



Chapter 1: Meet Everybody


Nicole's POV


Hi, My name is Nicole Marie Lanting-Gonzales. And I'm married to Arthur Vince Gonzales. One of the in demand Artist and model both international and local entertainment industry.


Arrange Marriage ang tanging solusyon para ma-merge ang company ng papa ko at ang best friend niya - which is yung father ni Vince. Coincidence din na parehas kaming nag-iisang anak.


Simple and matalino akong tao, kaya I took up business management and computer engineer courses kasi related siya sa company namin. Naging scholar din ako kahit na dala-dalawa na yung course na kinuha ko.


I have shoulder length black hair and chocolate brown eyes na minana ko pa kay mama at ang tanging namana ko kay papa ay ang attitude at tangkad. Kaya lagi akong pinagsasabihan ni mama na magkasing ugali kami ni papa.


Nandito ako ngayon sa corridor kasama ko yung best friend kong si Claire De Guzman. Computer Engineer din ang course kaya nakakapagbonding kami kahit papano. Naging mag bestfriend kami nung tinulungan niya akong mag-alaga ng dalawang pusa na napulot ko sa gilid ng kalsada.


"Best tignan mo yung asawa mo oh" sabi ni Claire. Lumingon ako sa likod kung saan si Vince kasama yung fling niya. Nadurog ang puso ko sa nakita ko ngayon.


Yes, I'm actually secretly in love to him, simula nang una ko siyang makita. I know, its very cliche pero yun agad ang una kong naramdaman.  Kaya kinaibigan ko siya para lang mapalapit siya sa akin. Ginawa ko ang lahat para mapansin at mapasaya ko siya. Masaya ako sa mga panahon na iyon kasi nakilala ko siya ng lubusan at lalong nahulog ang puso ko sa kanya.


Nagbago na lang ang pakikitungo niya akin nung malaman niya na ikakasal kami. Sa akin niya sinisi ang lahat kung bakit kami ikinasal.


Bumuntong hininga ako bago tumingin ako kay Claire. "Hayaan mo siya, masaya naman siya sa ginagawa niya eh" sabi ko saka ngumiti ng pilit.


"Eh ang tanong, masaya ka ba?" napangiwi naman ako sa tanong niya.


"Masaya na ako kapag masaya na rin siya." Ngumiti lang siya ng pilit.


Alam ni Claire ang nararamdaman ko kay Vince, sinusuportahan niya pa rin ako kahit pumupunta ako sa kanya na umiiyak dahil sa mga babae na nakakasama ni Vince.


Sabay kaming pumasok ng classroom kasi parehas kami ng subject ngayon. Umupo agad kami sa designated seat para sa amin, which is magkatabi.


"Hanggang kailan ka susuko sa nararamdaman mo kay Vince?" tanong ni Claire. Nagkibit-balikat na lang ako, maski naman ako hindi ko rin alam kung hanggang kailan ako susuko.


"Kung may darating na lalaking iibig sa iyo, anong gagawin mo?" Napaisip naman ako sa tanong niya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung ano yung gagawin kapag nangyari sa akin yun.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon