Chapter 16: The Date

9K 116 1
                                    


Chapter 16: The Date


Nicole's POV


**Sunday**


(^.^)


Date namin ngayon ni Vince. Excited na ako. Ano kaya mangyayari ngayong araw na ito? Kanina pa ako hindi mapakali, yung mga damit ko nakakalat kasi hindi ko alam yung susuotin ko. Nagkalkal pa ako ng damit na pang date nanag nakakita ako ng puting palda. OMG! Pwede na ito! Nagkalkal pa ako ng damit sa pang itaas at nakakita ako ng denim cropped top. Ok na siguro ito lalagyan ko na lang siguro ng accessorices. Nang nakahanap na ako niligpit ko na yung nakakalat ko na damit, pumunta na ako sa abanyo pagkatapos kong maglinis. Naligo na ako at sinuot yung damit na pinili ko, habang nagaayos ako ng sarili ko. Gusto kong alalahanin yung magandang nangyari sa mga nagdaang araw at hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naalala ko yun. Ikwekwento ko kung anong nangyari sa araw na iyon.


^////^


*Flashback*


Naglalakad kami ni Claire sa parking lot papunta sa gate nang bigla akong binangga ni Camille. Napaupo ako sa sahig sa ginawa niyang pagbangga, pinagtatawana ako ng mga estudyanteng nakakita nito, nilingon ko si Camille na tumatawa rin kasama yung mga alipores niya. Hindi ko na sila pinansin at napabuntong hininga na lang ako. Nagulat ako  ng may kamay na nasa harap ko, tumingala ako at nakita ko si Vince 0_0


Nag-aalalang nakatingin sa akin si Vince habang nakalahad yung kamay niya, hinawakan ko ito at bigla akong hinila ng malakas, nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa sumalubong sa akin dahil bigla akong hinalikan sa labi ni Vince


>//////<


Nagsinghapan ang lahat ng estudyante sa ginawa ni Vince. Agad kong hinawalay ang sarili ko sa kanya, nakangiti lang siya sa akin na parang aliw na aliw sa nangyayari ngayon. Napalingon ako kay Camille, napatawa ako ng mahina nang makita ko siyang nakanganga, literally na nakanganga. Nagpaalam na ako kay Claire na mauna na kami umalis at umuwi kami ni Vince ng magkahawak kamay


^////^


*End Of Flashback*


Nang natapos ako sa pagaayos, bumaba na ako sa hagdan. Nakita ko si Vince na nakaupo sa sofa ay nanunuod ng TV. Nakasuot siya ng wig na kulay brown tapos may nerd glass para pang-disguise niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Tumayo na siya sa sofa at nilahad yung kamay niya sa akin, inilapat ko na yung kamay ko sa kanya. Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat tapos umikot siya hanggang makaupo sa driver seat.


**after 30 minutes**


Pinark na ni Vince sa parking lot sa taas ng mall yung kotse, inayos niya muna yung disguise niya bago kami lumabas. Magkahawak kamay kaming pumasok sa mall. Pinagtitinginan kami ng tao especially him, paano ba naman kasi! Gwapo pa rin kahit naka-disguise siya. Halos sinusundan kami ng tingin, mukhang wala naman siyang paki sa mga tao sa paligid niya kasi tuloy-tuloy yung lakad niya.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon