Chapter 9: Something is Wrong

12.3K 165 2
                                    



Chapter 9: Something is Wrong


Vince's POV


Maaga ako nagising ngayong araw, nakangiti akong nakatingin sa ceiling ng aking kwarto. Mukhang mahihirapan akong pa-amuhin si Marie. Ang sama ng tingin sa akin eh. Kailangan kong magisip ng paraan para magkabati kami. Syempre, uunahin ko munang mag-sorry kay Troy kahit ayaw ko. Tumayo na ako sa kama ko at dumeretso sa banyo.


Pagkatapos kong maligo at nag-ayos, bumaba na ako. Hindi ko nakita si manang para sana magpaalam. Nagiwan na lang ako ng note na may shooting ako ngayon at dumeretso sa garahe. Dumeretso agad ako sa school para hanapin na si Troy.


Nagsimula na akong maghanap mula sa room namin hanggang nakarating ako sa garden, nakita ko siya sa bench na may hawak na gitara. Lumapit ako sa kanya at tumayo sa harapan niya. Tumingala siya pero agad nanlisik yung mga mata niya.


Masama din ang tingin ko sa kanya. Walang umiiwas ng tingin sa isa't isa.


"Bakit ka nandito?" galit na tanong niya sa kin. Napasinghal ako sa sinabi niya.


"Bakit? Masama?" galit na sabi ko sa kanya.


Magsorry ka.


Narinig ko yung boses ni Marie sa utak ko. Paano ba ako mag-sosorry kay Troy? Kung masyado siyang mayabang. Bumuntong hininga ako.


"Hindi naman masama, pero bigla kasing sumama yung ihip ng hangin eh." uyam niyang sabi sa akin. Napataas yung kilay ko sa sinabi niya.


"Sorry ha? Masamang hangin din kasi yung nalalanghap ko eh." uyam kong sabi rin sa kanya.


"Ano bang kailangan mo?" tanong niya sa akin.


"Kailangan ko? Gusto ko sana magsorry sa'yo kaya lang nagbago na yung isip ko." sabi ko sa kanya.


"Bakit ka ba magso-sorry? Dahil dun sa pagsuntok mo sa akin? Don't worry pinatawad na kita."


"Thank you sa pagpatawad sa akin sige alis na ako." nauuyam kong sabi sa kanya. Tumalikod na ako at ihahakbang ko na sana yung paa ko nang napatigil ako sa sinabi niya.


"Liligawan ko si Marie" biglang sabi niya sa kin. Napaharap ako kay Troy at tinaasan siya ng kilay.


"Ano?"


"Sinasaktan mo lang siya at saka alam ko ang lahat ng ginagawa mo." bintang niya sa akin. Napatawa ako nang konti sa sinabi niya.


"Hindi mo alam ang totoo." Singhal ko sa kanya. Napatawa din siya sa sinabi ko.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon