Chapter 21: The Chase

8.3K 116 0
                                    


Chapter 21: The Chase


Nicole's POV


Takbo lang ako ng takbo. Basta mapalayo lang kay Vince at ang kanyang mahiwagang plano sa akin ngayon. Humingi ako ng pasensya sa lahat ng nasasagi ko.


>.<


Tumatakbo pa rin ako ngayon sa mall, hinahabol na kasi ako ni Vince eh. Alam ko yun kasi ramdam ko yung presensya niya sa likod ko, kailangan kong umalis sa mall >.< ayoko kasi pinapasuot sa akin yung ganung dress eh. Takbo pa rin ako ng takbo, lumingon ako sa likod ko at wala akong nakitang Vince kaya medyo binagalan ko, lingon takbo ang ginagawa ako kasi gusto kong masigurado na wala pa si Vince. Alerto pa rin ako kung sakaling bigla siyang sumulpot. Lumingon ako ulit pero laking gulat ko nang 2 hakbang na lang malapit na si Vince sa akin kaya binilisan kong tumakbo.


*sigh*


Mahaba habang takbuhan ito. Kailangan kong tumakbo palabas ng mall, makahanap ng taxi at magpakalayo muna dahil hindi ako uuwi sa amin kasi papagalitan ako ni Vince. Yan muna ang plano ko sa ngayon. Nakita kong malapit na ako sa escalator, sinundan ko ng tingin yung escalator at katapat lang ang  exit doors, napangiti ako dahil malapit na ako kumabas ng mall. Huminto ako sa tapat ng escalator at napanganga ako kasi andaming tao>.<


Pano na ako makakalabas sa sobrang daming taong nakasakay sa escalator? Lumingon ako sa likod at nakita ko si Vince na malapit na sa akin >.< tinignan ko ulit ang escalator. KAilangan kong mag isip ng paraan para makababa na ako.


*ting*


Aha! Magpaslide ako sa hawakan ng escalator, first time ko ito gagawin sa umaandar na railing. Ginagawa ko ito minsa kapag tinatamad akong ihakbang ang mga paa ko sa bawat baitang ng hagdan, syempre wala si Vince kasi magagalit yun sa akin. Umupo na ako sa hawakan at tinulak yung sarili ko.


\(*0*)/

\(^_^)/


Weeeee~


Nakalapag na ako sa baba, ang saya gawin iyon, Lumingon ako sa escalator at nakita kong nakanganga silang lahat na nakasakay. Tumingin ako sa taas, wala na si Vince ^_^ siguro sumuko na iyon. Naglakad na ako papuntang exit na parang walang nangyari.


(^_^)

(O_O)


"Kyaaa! Baba mo ako" tili ko. May bigla kasing humawak sa bewang ko kaya hindi ako natuloy lumabas ng mall.


"No!" sigaw ni Vince. Binuhat ako niya na parang sako ng bigas, nahihilo ako sa ginawa niya pagbuhat sa akin kasi biglaan itong nangyari. Pinagpapalo ko yung likod niya pero kasing tigas na metal ito kaya sumakit yung kamay ko sa pagpapalo ko sa kanya.


Nasisilip ko yung dinaanan namin sa gilid ng mata ko at mukhang pabalik kami sa boutique na pinasukan namin kanina. Pagdating namin dun binaba niya ako sa couch at tinabihan, nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko na parang ayaw niya ulit akong patakasin.

My Famous Husband (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon