Chapter 42 ♥ Harsh

601K 9.3K 1K
                                    

Chelsea POV

Sunday na. Waaa. Pabalik na nga pala ng Manila ang barkada. Sana naman okay silang lahat and I'm sure naman na nag-enjoy sila. May mga nabuong pagmamahalan pa nga. Haha.

Aga nga pala namin nagising ni Kyle kasi may special breakfast kami with our fathers. Naks. Happy family. Ayii.

"Baby ko tara na sa baba." Si Kyle kakatapos lang magbihis. Kasi naligo pa kami. Naka-blue dress ako pero yung maikli lang. Hanggang sa may tuhod.

"Sige." Sagot ko tapos lumabas na kami ng kwarto. Andun na kasi sa baba sina Papa. Ewan ko nga bakit ang aga-aga. Pwede namang mamayang gabi, kumabaga special dinner. Oha.

Pagbaba namin, dumiretso na kami sa kusina. At ayun nga, sina Papa at Papa ni Kyle nagtatawanan. Wow lang. Nakakatuwa din talaga tingnan si Mr. Shin-Woo na tumatawa.

"Mga anak.." Si Papa.

Lumapit ako kay Papa tapos nag-kiss ako sa cheeks. Tapos sa Papa naman ni Kyle, nagbeso. "Goodmorning po." Bati ko.

"Goodmorning din iha. Lalong gumaganda ang anak ko ah." Sabi ni Papa. Napapangiti nalang ako habang naglalakad palapit kay Kyle.

Maganda naman talaga ako. Enebeyen! Haha.

"Baby ko." Tawag sakin ni Kyle. Upo na daw kami. Bale ganito arrangement.

Papa ko - Papa ni Kyle

Ako - Kyle

Tapatan ano? Haha.

"Siguro nagtataka kayo kung bakit ang aga aga, pinatawag namin kayo." Panimula ng Papa ni Kyle.

Tahimik lang kami ni Kyle sa tapat nila.

MPMMN 2: Still In LoveWhere stories live. Discover now