#10 : Dylan's Past love

778K 15.6K 1.1K
                                    

~*~

Days has passed and I'm still here in school. Himala nga eh, at kahit gaano pa ako kabasagulerong babae ay hindi pa rin ako na k-kick out sa Academy. This is one different school. It's like this school is meant for me. I rule the school now somehow dahil ang iba ay natatakot na sa akin. Pati nga si Amethyst ay parang takot na pero hindi pa rin paawat sa kalandian yan kay Tyler eh.

Speaking of him, balik sa normal na ulit kami. Galit siya sa akin at ako rin ay galit sa kanya. Away lang kami ng away kung nagkikita kami. Nakakabwisit na nga kasi parang routine na namin yung dalawa. Sa everyday naman kasi kami talaga nagkikita.

*flashback*

"Hoy, tumabi ka nga dyan!" galit na sabi ni Tyler at sinipa ang upuan ko.

Tinaasan ko naman siya ng kilay at sinamaan ng tingin.

"Are you blind? O sadyang bobo ka lang? This is my chair." Ako

He suddenly grinned at bigla akong tinulak sa aking upuan. Some people gasped. Iba naman ay parang natakot sa namunuong tensyon.

"Pag sinabi kong dito ako uupo, dito." sabi niya at umupo na sa upuan ko.

Ano bang gusto ng lalakeng ito at parang gusto niya ako bwisitin palagi?!

*end of flashback*

May isa ring gumugulo ngayon sa buhay ko, si Dylan. Oo, simula nung nagkakilala kami ay dikit na siya ng dikit sa akin. He is really annoying! Kahit tinataboy ko siya ay lapit pa rin siya ng lapit. So ano pa ba ang magagawa ko?

"Can you please stop staring at me? Will you?" sabi ko at sinamaan siya ng tingin. Sino pa ba? Edi si Dylan.

Andito kami ngayong dalawa sa cafeteria having our lunch. And fyi, this is not a lunch date. Hinihintay ko sina Jade at Char pero siya naman ay kusang umupo sa table namin.

"What? Bawal na ba ang tumingin sa mga magaganda ngayon?" sabi niya at ngumiti na parang abot hanggang tainga.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Seriously, palagi siyang ganyan sa akin. Ewan ko sa kanya. He always compliment me on everything. My looks, actions and my f*cking words.

"Back off! Don't stare." sabi ko.

Nagkibit balikat naman siya at tumawa. Argh. This guy is really annoying! I want to strangle him now! Ugh. I just rolled my eyes at tumayo na. Magw-walk out na nga lang ako, sorry Jade and Char at hindi ko na kayo mahihintay.

"Annoyed?"

Napalingon naman ako sa likod at nakita ko si Nathan na nakaupo sa isang bench. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Super." sabi ko.

Bigla naman siyang nagyaya sa akin na umupo katabi niya kaya lumapit ako at umupo. Hindi sa close kaming dalawa. Magaan lang ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro ganun din siya sa akin.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon