#38: I'll help

552K 12.3K 1.6K
                                    

~*~

Mabilis akong tumakbo papalabas ng gym papuntang greenfields. I can’t stand watching them flirting with each other or maybe liking each other. I don’t know. Gusto ba ni Tyler si Paula? Sumuko na ba siya sa akin?

Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa aking dibdib. Shet, this is painful, really painful. Alam niyo yung parang pinipiga ang buong sistema mo at hindi mo to mapigilan. Na para bang pinupulupot ka sa sakit hanggang sa masakal ka na. Yung patago kang sinasaksak sa likod ng napakatalim na kutsilyo. Ang sakit talaga. Ang sakit sakit.

Masyadong malalim na ba ang pagkahulog ko sa kanya at ganito na lang ako ka OA kung makareact sa nararamdaman ko? Masyado ba akong nagtiwala na hindi niya ako susukuan hanggang sa mapasakanya na ako? Masyado ba akong assuming na ako lang talaga ang mamahalin niya ng matagal? Masyado ba akong umasa?

Hindi ko alam at panay na lang ang tulo ng aking mga luha. Kinagat ko ang aking labi at napapikit para iwasang humikbi. I don’t know if I’m exaggerating things or what but I am really hurt. Masakit makita ang taong mahal mong may kahalikang ibang bababae. Masakit makita na ang saya nilang tignan. Na parang mas bagay sila kaysa kayong dalawa.

Shit, Rien in the first place walang KAYO kaya don’t be such a stupid fool and compose your shit.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam na masyado malalim na pala ang pagkahulog ko sa bitag. Masyadong malalim na ngayon ay nasasaktan ako at nagdudurusa. And I hate this feeling so much. I hate it. I hate that my heart is breaking into small pieces because of that asshole.

Napaluhod ako sa greenfields habang tinatakpan ang aking mukha na puno puno ng luha. This is my first time to cry this bad for him. Hindi ko inexpect na iiyak ako ng dahil sa kanya. Hindi ko inexpect na kahit walang kami ay masasaktan niya ako ng ganito.

“Xyra...”

Napatigil naman ako sa pagiyak ng may bigla akong naramdamang kamay sa balikat ko. Inangat ko ang aking tingin at nakita ko ang pawis na pawis na si Nathan na nagaalala sa akin na lumuhod rin. Bakit siya andito? Bakit niya ako sinundan? Nakita niya ba ang pagiyak ko sa loob ng gym?

“N-nathan...” nauutal kong sabi habang humihikbi pa rin.

Unti unti namang nilagay ni Nathan ang aking ulo sa kanyang dibdib habang hinimas himas ang aking likod. Hindi ko na napigilan at mas lalo pa akong umiyak.

“Shhh, just let it all out. Cry all you want Xyra. I’m here for you.” Sabi niya at hinigpitan ang pagakbay sa akin.

Binaon ko na ang aking mukha sa kanyang dibdib. Wala akong pake kung pawis na pawis siya, I just need someone to lean on. Gusto kong may taong makinig sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil hindi ko ata kayang itago to sa aking sarili.

“Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang magmahal, Nathan.” Sabi ko.

Hinayaan lang ako ni Nathan na magsalita. He’s here to listen to me and I appreciate that.

“Ang sakit Nathan. Parang pinipiga ang aking puso. H-hindi ko kaya to...” sabi ko at mas humagulgol pa sa iyak.

I want to forget. Ayaw ko ng balikan ang nangyari kanina. Ayaw ko ng umiyak ulit. This is enough.

“I love him but this is wrong. It’s poisonous... it’s killing me from the inside.” Sabi ko.

Tumigil ako sa pagiyak at kumalas sa yakap ni Nathan.

This is enough. Hindi ko na kayang umiyak dahil pagod na pagod na ako. Pagod na ang aking puso. Revenge, yan ang biglang pumasok sa isip ko ng mga oras na ito. Everything was just a game. Everything was just planned out to hurt me. Everything is a lie.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon