#40: Pretend

590K 12.1K 869
                                    

~*~

"Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." panimula ni Jade nang umupo ako sa tabi niya.

"Sa garden, nagpahangin." Sabi ko at umiwas ng tingin kasi naman hanggang ngayon namamaga pa rin ang mata ko.

"Ahh? Si Nathan ba ang kasama mo? Kayo na ba?" pagiintriga sa akin ni Jade na may halong excitement.

Umiling naman ako at tumingin sa kanya. Nagulat naman siya sa pagharap ko. Oh sheesh, napansin niya siguro ang namamaga kong mga mata. Ano ang sasabihin ko nito? Ayaw ko naman sabihin ang totoo at baka kumalat pa. Lalo na ngayon na close si Pierce at Jade at baka bigla niya itong masabi.

"Umiyak ka ba, Rien?" pagaalala niyang tanong.

Mabilis naman akong umiling.

"Matagal lang akong nakatulog kahapon, don't worry I'm fine." Sabi ko.

Nakita ko naman siyang tumango. Phew, buti na lang at naniwala siya sa alibi ko.

"Sya nga pala, Sabi ng designer ko na hindi na niya makaya pang tahian kayong dalawa ni Char ng gown kaya pipili na lang tayo mamaya ng ready to wear." Sabi niya.

Tumango naman ako at tumingin sa mga Seniors na nagkukumpulan sa gitna ng gym. Sabi raw kasi ni Jade every Grand Masquerade Ball may cotillion presentation ang mga seniors. Like eww? Excited naman tong dalawa kong kaibigan kasi parang pre-debut raw kung tignan. Para atleast alam na nila kung paano sumayaw ng cotillion. Di ata uso ang prom dito sa academy. Ang uso party.

"Okay Seniors, group yourselves by section!" sabi ng isang bakla na sa tingin ko ay Dance Instructor namin.

Sinunod naman namin ang sinabi ng instructor namin. Hinanap ko pa si Nathan at sabay kaming pumunta sa mga kaklase namin.

Nagbigay naman ng instructions ang instructor namin. By section raw ang pagtuturo sa amin. At sa ngayon ay kami ang unang tuturuan. Wow, great.

"Form two lines, boys and girls and I will group you by 5 pairs." Sabi ni baklang instructor.

Sinumulan naman niya ang paggrupo sa amin. Bale by height ang kanyang basihan sa paggrupo sa amin. Napatingin naman ako sa linya ng mga lalaki at biglang kinabahan. Oh shit, Nathan si definitely taller than Tyler ng mga ½ inch so meaning mas una si Tyler kaysa kay Nathan. Tapos ang sa nakikita ko ngayon ang partner ko ay si---

"You *sabay turo sa akin* partner mo sa fafa *sabay turo kay Tyler*." Sabi ng bakla at tinulak tulak na kaming dalawa papunta sa aming grupo.

Napaawang ang aking bibig habang tulalang nakatingin sa kawalan. K-kami ni T-tyler? Magsasayaw? Parang di ko ata kaya sa ngayon yun.

"Teacher, pwede bang ako na lang ang magiging partner ni Xyra?" pagmakawa niya sa aming instructor.

Napapikit naman ako at nagdasal na sana payagan niya si Nathan. Baka kasi hindi ko makasayaw ng maigi pag si Tyler ang magiging partner ko.

"Huh? Naku, wag na tutal bagay naman sila eh!" sigaw ni ateng bakla.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Kami? Bagay? Kailan pa ba naging legal ang sabihin na bagay kami. Napabuntong hininga naman ako dahil wala na talaga akong choice. Malungkot akong tumingin kay Nathan at nakita ko naman siyang humihingi ng sorry. Tumango naman ako at pilit na ngumiti para di na siya magalala.

"Okay guys, let's try to practice! I'll play a song at subukan niyong sumayaw kasama ang mga partners niyo, aryt?" maarteng sabi ng bakla.

Nagsitanguan naman lahat ng mga kaklase ko maliban sa akin. Napalunok ako at napatingin sa kanya. Napataas naman ang aking kilay ng makita ko siyang titig na titig sa akin. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso habang nagkatitigan kaming dalawa. Shit, stop beating for the wrong man Mr. heart! Bakit ba gustong gusto mong masaktan ha?!

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon