Chapter 4

907K 17.6K 2.1K
                                    

~*~

"Is she okay?" 

"Sa tingin mo Pierce? Kita naman sa mukha niya diba na hindi?"

"What? Malay ko ba. So ano? Tutulungan natin?"

The f-ck bakit ang ingay? Alam kong ako ang pinaguusapan nila. Pero bakit nga ba? At bakit parang ang lamig ng hinihigaan ko? Bakit ang tigas?

Oh right. I was beaten to death by those coward cheerleders. Thanks to Jeko and Black Stones.

"Baka magalit si Tyler sa atin nito." 

Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at may nakita naman akong dalawang demonyo sa harapan ko. Very hot gorgeous demons. It’s Pierce and Nathan. Members of Black Horizon.

"Uy tol, gising na siya!" gulat na sinabi ni Pierre

"Yeah." sabi ni Nathan at tumingin lang sa akin.

"Hey miss pretty, you need help?" tanong ni Pierce at inalalayan akong umupo.

Napahawak naman ako sa labi ko. Ugh, dumudugo pa rin. Pero no one cares kasi sanay naman ako sa mga ganito eh. Yung nga lang pinagtulungan ako. Mas nanalo ako pag isa alng ang kalaban. Malamang mag-isa lang rin kasi ako.

Umiling naman ako at pinilit tumayo pero na-out of balance pa rin ako, buti na lang ay nasalo ako ni Chinito Hottie. And what's with nicknames? Ang weird.

"Thanks" sabi ko.

"Ihahatid ka na lang namin okay? Close na ang clinic eh" ani ni Pierce.

Tumango naman ako. Wala na rin kasi akong magagawa. I’m too wounded to get up on my own.

"Pierce, ako na ang bahala sa kanya magdala sa dorm niya. Bumalik ka na sa loob at baka hanapin ka pa ni Tyler." Nathan.

Tumango naman si Pierce at agad tumango pabalik sa hall. Nagulat naman ako nang bigla akong buhatin ni Nathan na parang newly weds kami.

"U-uy." sabi ko.

Ngumiti lang siya sa akin. Seriously, gangster ang isang to? Mas basagulero pa ako tignan kaysa sa kanya ngayon. Ang amo ng mukha niya. Wala din akong makitang galos sa mukha niya. Maybe magaling siyang makipagaway? I don't know.

"Hindi mo na kayang maglakad. Kaya let me just carry you." sabi niya at pumunta na kami ng dorm. 

Tinuro ko naman kung saan ang kwarto ko. Mabuti na lang at ang buong estudyante ay nasa convention hall at kung hindi kanina pa kami pinaguusapan dito.

“We’re here, thanks.” Ani ko.

Binaba niya naman ako at hinawakan ako sa may beywang para alalayang tumayo.  Napalingon ako sa kanya pero tumango lang sa na para bang nagsasabing siya na bahala sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at mabilis na pinindot ang passcode ng pintuan.

His Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon