Sex for your Payment

22.3K 64 3
                                    

Prologue

"Ayoko sayo . Mahirap ka lang kaya hindi tayo bagay !" -sigaw nya sakin.

"Pag ba yumaman ako pwede na tayo ?" -tanong ko habang nakatungo. Ang sakit lang. Ang sakit sakit . Yung malaman mong kaya lang hindi ka kayang mahalin ng mahal mo , kasi , MAHIRAP KA ! 

"Pano kung sabihin kong oo ? Tingin mo yayaman ka nyang lagay nyo ? Eh mas mahirap ka pa nga kayo sa daga eh"

"Insultuhin mo nang lahat , wag mo lang idamay ang mga magulang ko" -lumapit ako sa kanya tsaka hinawakan yung kamay nya ng sobrang higpit. Galit ako ! Galit ako sa mga taong minamaliit ang magulang ko. Oo mahirap lang kami. Nagtitinda lang sila Nanay sa palenke , pero hindi ibig sabihin non , pwede na nila kaming maliitin . 

"Tandaan mo 'to. Balang araw , luluhod ka din sakin para lang mahalin ulit kita. At pag nangya---"

"HINDING HINDI MANGYAYARI YUN ! DAHIL KAHIT KELAN , HINDING HINDI KITA MAMAHALIN ! PWE !" 

"Tingnan lang natin. Mag hihirap din kayo ng pamilya mo. Tandaan mo yan !" -tsaka ko sya iniwang nakatulala dun. 

Pangako ko , mag sisikap ako ! I-aahon ko sila nanay sa hirap ! Mamahalin din ako ni Bhetina balang araw. 

-------------

Natatanaw ko na yung bahay namin pero bakit may magandang kotse sa harapan namin ? Napatakbo ako bigla sa bahay. Baka kinidnap na nila sila Nanay at Tatay.

"Maraming salamat sa pag-aaruga nyo sa anak namin *sniff* tatanawin naming panghabang buhay na utang na loob ito sa inyo *sniff*" 

Bago pa lang ako pumasok , narinig ko na yan dun sa babaeng yumayakap kay Nanay .

"Anak " -sabi ni Nanay . Niyakap nya ako ng mahigpit tsaka umiyak sa balikat ko. 

"Nay , ano pong nangyayari ?" 

Lumuhod si Nanay sa harap ko. tiningnan ko si Tatay pero umiwas lang sya ng tingin sakin .

"Anak ito tatandaan mo ha ? Mahal na mahal ka namin ng tatay at mga kapatid mo"

"Nay , ano po bang nangyayari ? Tsaka sino po sila ?"

Lumuhod naman yung babaeng umiiyak sakin , nakaupo na kasi ako sa upuan namin. Sinundan naman sya nung isang lalaki na umiiyak din.

"Anak , ang laki-laki mo na . Sorry anak , sorry. Hindi namin sinasadya , Sorry anak. Patawarin mo kami " -nag-iiyak na yung babae sa balikat ko habang yakap ako. Hinagod naman sya nung lalaking nasa likod nya. Siguro asawa nya.

Bakit meron sa loob kong nagsasabing yakapin sila ? Bakit naiiyak ako ? Bakit feeling ko , excited ako ? At bakit nila ako tinawag na ANAK ?!

"Bakit nyo po akong tinatawag na anak ? Magulang ko po ba kayo ?"

Tiningnan ako nung babae tsaka tumango. Tumingin naman ako kay Nanay na naging dahilan ng pagbagsak ng luha ko. 

"Anak , sumama ka na sa kanila. Sila ang totoo mong magulang *sniff*. Sila na yung magpapaliwanag sayo kung pano nangyari. Anak , tatandaan mo ha ? Mahal na mahal ka namin. Kahit anong mangyari , anak ka pa rin namin. Sige na , lakad ka na. Mapapag-aral ka nila *sniff* Ayokong matulad ka samin ng tatay mong walang pinag-aralan" 

Napatayo ako bigla tsaka nagtago sa likod ni Nanay.

"Nay , wag po. *sniff* ayaw nyo na po ba sakin ? Wag nyo naman po ako ipamigay *sniff* Kahit hindi na po ako mag-aral , kahit pagtindahin nyo nalang ako sa palengke habang buhay , wag nyo lang po akong ibigay sa kanila. Nay !  "

Lumapit na sakin si Tatay. Niyakap ako ng mahigpit. 

"Anak , hindi ka namin pinamimigay. Sila ang totoo mong magulang. Sige na sumama ka na sa kanila. Mamahalin ka din nila ng higit pa sa pagmamahal namin sayo."

Hinawakan na ako nung isang lalaki sa kamay.

"Nay ! Tay ! Ayoko po ! Dito lang po ako ! Nay ! Tay ! " 

Isinakay nila ako sa kotse nila hanggang sila nanay , paliit ng paliit sa paningin ko. 

Ano bang nangyayari sa buhay ko ? Sino ba 'tong mga taong 'to ? Tinanaw ko sila Nanay na umiiyak at lalong lumiliit sa paningin ko. 

'Nay , Tay , babalikan ko kayo. Pangako yan. Simula ngayon , mag sisikap ako para sa inyo. Iaalis ko kayo dito , at gagawin ko ang lahat para makaganti sa pananakit mo sa nararamdaman ko sayo Bhetina. Pinapangako ko , hindi dito natatapos ang lahat'

----------

(A/n: Wooo. Di ko alam kung may feelings ba yan . Hhahah. Wala lang ako magawa. Pero ako naeexcite ^_^ Support nyo po sana ^____^)

Follow me on twitter @LAC_Arianne

SFP ♥Where stories live. Discover now