One

146 2 2
                                    

Chapter 1

Inilagay ko na sa bagpack ko ang huling damit ko at saka ito sinaraduhan. Yosh. Okay na ang gamit ko na dadalhin para mamaya.

"Xian! Ayos na ba ang gamit mo?" Sigaw ni Mama mula sa kusina.

"Opo!" Bumaba muna ako kasi alam kong nagluluto si Mama ng meryenda. Nasa may hagdan pa lang ako, may nalalanghap na akong kung ano mang niluluto niya. Pagpasok ko ng kusina, nakatayo si Mama sa harapan ng stove at nagluluto. Mas matangkad ako sa kanya kaya paglapit ko ay kita ko na agad niluluto niya. Pancakes.

"Andyan ka na pala. Oh, kumain ka muna." Inabutan niya ako ng plato na may pancakes na kinuha ko naman. Umupo ako sa dining table, nilagyan ng syrup at saka nagsimulang kumain.

Maya-maya pa'y umupo na rin si Mama sa tabi ko at nagsimulang kumain. "Nasa iyo na ba ang pera mo? Okay na ba yun? Di kulang para sa'yo?" Sunud-sunod ang tanong niya, feeling ko tuloy interrogation 'to.

"Mama naman, uuwi lang ako sa atin. Ang tagal ko ng ginagawa 'to. Alalang-ala kayo ah?"

"Kasi naman, magaling sana kung sa bahay ka uuwi. Eh sa bahay ka ng ate mo uuwi."

"Oh, kay ate nga pong bahay yun kaya nagtataka ako kung bakit kayo nagkakaganyan."

"Andun boyfriend niya."

"Si Mama talaga, close kami ni Kuya Jiggs. Walang mangyayaring masama okay?" Bakas sa mukha ni Mama na nag-aalala talaga siya pero nawala din yun ng medyo kumalma na siya. Nag-usap din kami ng konti hanggang sa oras na para umalis ako.

Inihatid niya ako sa bus station. Bumaba ako ng sasakyan at sumunod din siya. "Mama, aalis na po ako."

"Oh sya, mag-iingat ka ha? Ikamusta mo na lang ako sa ate at kuya mo. Pati na rin kay Rissa kapag nagkita kayo."

Napangiti naman ako nung binaggit niya ang pangalan ni Rissa. "Opo Mama. Sige po, una na ako." Sumakay na ako ng bus. Nakita ko namang kumaway si Mama bago umalis ang sasakyan namin.

Nakahinga ako ng maluwag nung makaupo na ako. Inilabas ko ang iPod ko pati earphones para mag-soundtrip. Kinuha ko din ang phone ko at nagtext sa kanya.

'Best, nasa bus na ako. ^_^'

Napangiti na naman ako habang iniisip ko magiging reaction niya. Pwedeng nagtatalon na yun sa kanila kasi matagal na niyang hinihintay ang oras na magbonding ulit kami. O kaya naman manghahampas ng katabi para sabihing paparating na best friend niya. Kawawa lang katabi nun, masyadong mabigat ang kamay nun eh.

Biglang tumunog yung phone ko. Nagreply na siya kaya binuksan ko ang message niya at binasa ito.

'Oh talaga best? Yehey! Text mo ako kapag nandito ka na ha? Ingat best! :*'

Yan si Rissa Fabella. Best friend ko since high school. Makulit yan na matampuhin pero malambing naman, lalo na kung may gustong makuha mula sa'yo. Pero yun ang mga asset niya na nakakapagpaganda lalo sa kanya. Ewan ko lang, sa iba kasi ang pangit tingnan ng matampuhin at malambing sa lalaki kahit best friend nila. Ang landi kasing tingnan. Pero sa kanya, cute tingnan.

In love ba kamo ako sa kanya? Tama. Mahal na mahal ko yang babaeng yan. Cliche na kung cliche pero wala akong magagawa. Siya minahal ko eh. At mahal na mahal niya din ako. Yun nga lang, bilang best friend. Hanggang dun lang daw eh.

Bakit hindi ako umamin? Ehem. Umamin na ako. Oo, busted ako. Okay lang yun kahit masakit. At least nasabi ko sa kanya. At sabi ko na lang, siya pa din mamahalin ko.

After hours of waiting, nakarating na din ako sa Batangas. Hindi ko na kailangang maghintay sa waiting area kasi pagbaba ko, andun na agad si Kuya Jiggs.

My Best Friend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon