Eleven

26 0 0
                                    

"EHEM!!!"

Napatigil ako sa pangingiliti ko kay Denny ng may umubo sa likod namin. Napatingin ako sa unahan namin at nakita ko ang BUONG barkada. And all of them are smirking. Maliban kay Tristan. Tsk. Nasa tabi mo girlfriend mo. Huwag ka na magselos! Ulul.

Napatingin naman ako sa biktima ko. Hingal na hingal pa din siya at pilit na pinapakalma ang pagtawa niya. Nang mapagtanto ko ang nangyayari, mabilis pa sa alas kwatro ang inilayo ko kay Denny. Dinaig pa niya ang may epidemya.

"Uh... I-It's not what it l-looks like!" Sira. Bakit ka nauutas!? Lalo ka nilang paghihinalaan!

"Wala pa naman kaming sinasabi ah?" Pang-aasar ni Best. Ngumuso ako. "Huwag kang defensive Best."

"Nay si tol, napapaghalata!" Sigaw ni Ed at nag-high five sila ni Robi.

"Those look said otherwise." Pagturo ko pa sa mukha nila, isa-isa. Inisa-isa ko talaga para may emphasis! "At saka, kailan pa kayo dyan!? Sana tinawag n'yo kami!" Kunwari galit ako para hindi halata na kinakabahan ako.

"Tang na. Dude, namumula ka!" Natatawang sambit ni Robi.

"Pakshet! Ang bading mo Xian!" Sunod naman ni Ed na ikinatawa nilang lahat. Grr!

"Papa Xian," panimula ni Dave pero meron din siyang mapanuksong tingin at ngiti. "Kanina pa kaming nandito. Malayo pa lang kami, tanaw na namin kayo na mukhang masayang naglalampungan dyan!"

"Tawag kami ng tawag. Kaso mukhang nasa sarili n'yong mundo kayong dalawa!" Banat pa ni Mitch.

"AYIIIIIEEEE!" Sigaw nilang lahat. Pakshet.

"Oh, tama na 'yan. Konting push pa at sasabog na si Xian." Sabi ni Denny na inaawat ang mga kabarkada namin. Tsk. Tamo 'tong babaeng 'to, mukhang hindi affected. Teka? Bakit nga pala magiging affected!? Tang na Xian. "Eh muntanga 'yan kanina eh kaya napagtripan ko. Bumawi lang 'yan."

"Asus. Babae, huwag mo na indeny na naglalambingan kayo!" Aray. Sa Best ko pa talaga nanggaling. Dapat alam niya na walang meaning 'yun. Dapat alam niya na siya lang naman ang gusto kong lambingin ng ganun. Tsk.

"Oh sya, tama na 'yan. Tara na sa room at may announcement ako." Sabi ni Crystal kaya nakahinga naman ako ng malalim. "Masyado pang mabilis para mainlove ulit si Denny." Napatingin naman silang lahat kay Tristan na magkibit-balikat lang.

Niligpit lang namin ni Denny ang mga gamit namin at saka kami naglakad papuntang room. At dahil announcement lang naman, sumama na din si Tristan.

Kita ko namang tatakbo si Denny kay Rissa at inakbayan 'to.

"Asan si Eugene?"

"Umuwi na. May project daw sila eh."

Tumango naman si Denny. "Ah, oo nga pala. Overnight sa kanila ang mga kaklase niya ngayon."

"Overnight!? May girls ba!?"

"Chill! Kung meron man, hindi naman 'yun papansinin ni Eugene. Magtiwala ka sa pinsan ko." Nakangiting paninigurado ni Denny kay Rissa. Napasimangot ako.

Best, gusto ko magselos ka din kapag may babaeng nadikit sa akin. Gusto ko mag-alala ka kapag malayo tayo sa isa't-isa. Gusto ko ako lang ang lalambing sa'yo at ganun ka din sa akin. Hindi ba pwedeng tayo na lang?

Bumuntong-hininga ako at inilagay ang kamay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko. Ano pang saysay ng pangangarap ko ng ganun kung nandyan naman si Eugene na siya mo laging tinitingnan? Ano pang laban ko na best friend mo lang naman sa mga mata mo?

Nakarating kami ng room ng nagkukulitan. Sila lang. Ako, tahimik lang ako. Napansin ko na pasulyap-sulyap sa akin si Tristan na katabi ko na pala. Hindi ko na lang siya pinansin. Wala kong oras sa kanya.

My Best Friend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon