Seven

29 1 0
                                    

"Nasaan si Denny?"

Bago pa man ako nakasagot ay inunahan na ako ni Rissa.

"At bakit naman namin sasabihin sa'yo?"

"Gusto ko siyang kausapin. Pinuntahan ko yung apartment n'yo pero matagal na pala kayong nakalipat."

Ngumisi naman si Rissa. "Maybe the fact that she didn't mention it to you was because she doesn't want you there?" Bakas na bakas sa boses niya ang pagiging sarkastiko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo ni Tristan, patunay na hindi niya nagustuhan ang narinig niya.

"Please Rissa. Alam kong mali ako. And I need to talk to her. Please." Mahina lang ang pagkakasabi niya nun at kahit papaano ay ramdam ko ang sinseridad niya. Bahagya pang nagulat si Rissa pero nakabawi naman siya agad. Bumuntong-hininga siya bago dahan-dahang umiling.

"Fine. Pero magsosorry ka sa kanya. And the next time na paiyakin mo ulit siya, ako na susuntok sa'yo."

Ngumiti naman si Tristan bago tumango. Bahagya pa siyang napatingin sa akin bago tumabi hudyat para paunahin kami sa paglalakad.

Maya-maya pa, nakarating kami sa apartment ni Rissa. Pinagbuksan ko ng pinto si Rissa at pinapasok siya. Sumunod naman ako ng hindi natingin sa kasama namin. Ramdam ko naman na sumunod na siya sa amin matapos niyang tingnan ang kabuuan ng bahay. Nabangga ko si Rissa kasi bigla siyang tumigil sa pagpasok. Nagtaka naman ako kaya napatingin ako sa unahan namin. Nakita ko si Denny na nakaupo sa sofa habang nainom ng moo at may katabi siya. Halatang madami siyang nainom kasi madaming nagkalat sa lamesa.

"Eugene!" Malakas na tili ni Rissa at mabilis na tumakbo sa boyfriend niya. Napahinga naman ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Pagmulat ko, nakita kong nakatingin sa akin si Denny at bahagyang ngumiti sa akin. Naintindihan ko naman ang ngiti niya at ngumiti din pabalik sa kanya.

Nagulat kaming lahat sa biglaang pagtayo ni Eugene at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan ding tumayo si Denny at bakas sa mukha niya ang gulat at takot. Doon ko lang napagtanto na hindi sila sa akin nakatingin kundi sa likod ko. Kahit hindi ako tumalikod, kilala ko na kung sino yun.

Tumabi ako kay Denny bago humarap sa pinto. Nakatayo dun si Tristan at isa-isa kaming tiningnan. Ibinalik niya ang kanyang mga mata kay Denny na halos nagmamakaawa na mag-usap sila.

"Denz." Mahinahon niyang tawag. Napapikit pa ako ng may mabilis na katawang lumampas sa amin. Nagulat na lang kaming lahat ng malakas na nagsara ang pinto. Nakita naming nakasandal dito si Tristan habang kinuwelyuhan siya ni Eugene. Kahit nakatalikod ito sa amin, ramdam na ramdam namin ang galit na nagmumula sa kanya

"Ang lakas naman ng loob mong pumunta dito." Madiing sambit ni Eugene. Pero hindi nawawala ang tingin ni Tristan kay Denny.

*Denny's POV*

Nagising ako kasi sobrang tahimik ng kapaligiran ko. Pagmulat ko ng mata ko, nakita kong nasa living room ako ng apartment ni Rissa. Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa at tumingin sa paligid.

'Wala ng tao.'

Napabuntong-hinga pa ako bago ko kinuha ang phone ko mula sa ibabaw ng lamesa. Binuksan ko yun at tiningnan ang oras.

'May isang oras pa bago ang next subject.'

Kaso tinatamad talaga akong pumasok. Siguro hindi na lang muna ako papasok. Tumayo ako at naghanap sa phone ko. Nung makita ko na, agad ko itong tinawagan.

Nakakadalawang ring pa lang ng sagutin niya ang tawag ko.

'Yo.'

My Best Friend's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon