Nine

32 1 0
                                    

Spell awkward. K-A-M-I. Magsisimula na ang prelims next week kaya naisipan naming mag-group study. May field dito sa campus na puro puno at iba't ibang halaman na pwedeng tambayan ng mga estudyante during their vacant periods. Malamig ang simoy ng hangin dito kahit katirikan ng araw dahil ng mga puno kaya masarap talagang tambayan ito.

"Oh Robi, buti naman at naisipan mo ng pumasok ngayon." Sabi ko para basag tensyon na din.

"Syempre naman. Namiss ko kayo eh." Sagot niya naman sa akin. Kahit pa sinabi niyang kayo, kay Mitch lang siya nakatingin. Psh. Idinamay pa kami. Okay lang naman kahit sabihin niya na si Mitch lang ang namiss niya. Haha.

"Ang sabihin mo lang, naghahanap ka na ng makakakuntsaba mo sa exam!" Napatingin ako kay Dave. Natawa kami sa kanya kasi kahit galit ang boses niya, halata naman sa mukha niya na hindi ganun ang iniisip niya. "Well, nag-aral naman ako ngayon kaya pwedeng-pwede ako."

Halatang-halata naman ang pangingilabot ni Robi. Tinawanan namin siya kasi halatang double meaning 'yun. Maliban sa dalawa. Si Rissa at si Kyla.

Si Denny, masaya na siya. Hindi katulad nung inihatid namin siya kahapon sa bahay nila. Ngayon, walang bakas ng kahit anong lungkot sa kanya maliban na lang kung titingnan mo ang mata niya oras na walang nakatingin sa kanya. Sa pagpapanggap niya na masaya siya, napapasobra na, na masakit para sa amin. Dahil alam namin na hindi totoo ang mga ngiti at tawa na pinapakita niya sa amin.

Samantalang si Kyla, kanina pa siyang tahimik. Simula nung nagkasama-sama kami, hindi siya umiimik. Pero kita mo na palagi niyang sinusulyapan si Denny na tila ba ay may balak sabihin. Alam ko na kita 'yun ni Denny pero hindi niya masyadong pinapansin. Nginingitian niya lang ito na parang walang nangyaring nakapanakit sa kanya.

Si Rissa. Okay naman siya. Nakikipag-usap siya sa amin kanina bago dumating si Kyla. Simula nung nakasama na namin si Kyla, hindi na siya umibo. Ni tingin o pakita man lang na alam niyang dumating na si Kyla, wala siyang pinaramdam.

At lahat ng 'yun, alam kong nahalata na ng tropa. Wala man silang alam sa nangyari pero halata sa kanila na ramdam nila ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Pinipilit lang nila na huwag maungkat ang kung anong pinag-awayan nila dahil alam nilang kapag may kung sinong bumanggit sa hindi nila pagpapansinan, magsisimula ang World War III.

"Oh, siguro review-hin muna natin ang subject na napatay sa ating lahat: Taxation." Lahat ay napaumis sa pagkakabanggit ni Crystal sa nasabing subject.

"Ay, grabe naman ang reaction n'yo." Natatawang sambit ni Denny. Napakamot sa ulo si Ed bago nagsalita.

"Buti ikaw, may naiintindihan ka sa tax tax na 'yan. Eh kaming iba, wala talaga!"

Tiningnan ko si Ed. "Eh kaya nga tayo may group study, para ishare ang nalalaman ng bawat isa at para magkaintindihan." Nagulat ako ng biglang magsalita si Rissa.

"Hindi tayo magkakaintindihan dito kung may itinatago ang isa sa atin."

Napatingin ako agad kay Denny at mabilis pa sa alas kwatro ang pamumutla niya.

"A-Ano ba, Rissa. H-Haha. Kaya nga tayo n-nandito para magreview, h-hindi sa open forum."

Malakas na inihampas ni Rissa ang dalawang kamay niya sa lamesang pinalilibutan naming lahat at nagdulot iyon ng nakakagulat na tunog na nagpatalon sa aming lahat, lalo na kay Denny na katabi niya lang.

"Kung kaya mong magpanggap na wala lang 'yung nangyari kahapon Denny, pwes ibahin mo ako. Kung di mo kayang ipakita sa tropa na nasasaktan ka, pwes hayaan mong ako ang maglahad ng nararamdaman mo sa kanilang lahat." Madiin niyang sambit kay Denny.

"H-Hindi kita maintindihan." Nagkukunwaring walang alam na sagot ni Denny.

"Teka, anong meron?" Nagtatakang tanong ni Mitch.

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now