Ten

33 0 0
                                    

"Huy, anong binubulong-bulong mo dyan?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko. Bumubulong siya habang nagbabasa pero nung tinanong ko siya, tumigil siya.

"..."

"Huy. Ano 'yang binabasa mo?" Hinila ko ang hawak niyang libro para masilip ko ang binabasa niya. Pero tulad nung una, wala siya ni katiting na reaksyong ipinakita sa akin.

"..."

"Denny..." Tinawag ko siya ng may panlalambing. Napangiti ako ng medyo gumalaw ang kilay niya.

"Nangangagat ako ng makulit, Xian." Sagot niya habang hindi inaalis ang tingin niya sa libro.

"Weh? Kaya mo akong kagatin?"

"Can't you see I'm busy, man?"

"Can't you see I'm bored, woman?"

Sa wakas, ibinaba niya rin ang librong kanina niya pang binabasa. Binigyan niya ako ng isang matalim na tingin pero di ako nagpatalo. Ginawaran ko lang siya ng pinakamatamis kong ngiti.

"Tang na tol, nakashabu ka?"

Napahagalpak na ako ng tawa sa kanya. Ang sarap niya talagang pagtripan. Ma-a-amaze ka sa maaari niyang maging reactions at hindi ka magsisisi. Tulad ngayon, daig pa niya ang nakainom ng ampalaya shake. Nakangiwi sa akin habang pinagmamasdan ako na tawa pa din ng tawa.

"Patay. Baliw na nga. Bakit nga pala ako naiwan sa'yo?"

Bakit nga ba kami lang ngayon ang magkasama sa field na tambayan ng barkada? Wala eh. Busy silang lahat. Si Ed, nagdo-DotA. Inaya naman ni Robi si Mitch sa mall. Nasa meeting si Crystal. Hindi pumasok si Dave. Si Kyla ay may date din kasama si Tristan. Si Rissa, ganun din. Kasama na naman niya si Eugene.

Exam week ngayon pero ayun sila, lakwatsa at date ang iniisip. Sabagay, ibinigay ng prof namin ang araw ngayon para daw magreview. Pero dun nila ginamit. Tss. Siguro okay na din 'yun. Masyadong madrama nung isang araw para sa amin at kelangan nilang mag-unwind. Pero 'yung tao na mas nangangailangan ng breather... Napatingin ako sa kaharap ko ngayon. Eto siya, nasa school grounds pa din.

"Wala ka bang balak na sumunod sa kanila sa SM?" Napatitig siya sa akin. Ang blangko niyang ekspresyon ay napalitan ng ngiti. Isang ngiti na mapait.

"And take the chance na makasalubong ko sila? No thank you. Kahit okay na kami, di pa ako ready." Naintindihan ko siya. Sa totoo lang, alam ko na naman ang sagot sa tanong ko. Hindi ko din alam kung bakit ko pa iyon itinanong sa kanya.

Nakatingin siya sa malayo. Malalim na naman ang iniisip niya. Tiningnan ko ang librong binabasa niya kanina: Humanities. Psh. Ang Humanities na puro arts. Wala ng ibang ginawa kundi ang magpadrawing. At wag kakalimutan ang reporting na hindi ka papayagan kung hindi lalampas sa 20 ang slides. Take note: dapat may 3 or more pictures pa!

Napaisip ako bigla. Heto kami, solo. Siya na may pinagdaanan at patuloy na may pinagdadaanan, at ako na may mga balak itanong sa kanya na bumabagabag sa akin nung isang araw pa. Dumaan ang Sabado at Linggo na may gusto akong itanong sa kanya pero alam kong hindi magandang pag-usapan iyon ng sa text lang. Dumaan ang Lunes pero masyado kaming madaming gawain kaya nawalan ako ng pagkakataon na itanong sa kanya. At ngayon, ito na siguro 'yung chance.

"Denny?" Mahina kong tawag sa kanya. Hindi man siya tumingin sa akin, tumango naman siya bilang sagot sa akin na nakikinig siya.

"Fighting for your love one is a choice." Pag-uulit ko sa isinagot niya sa akin. Oo, alam kong ako ang nagtanong nun kaya dapat lang na sagot para sa akin 'yun. Pero naisip ko na pwedeng in general 'yun. Na para sa amin lahat. But I can't deny the fact that there is a nagging voice inside me, trying to tell me na ako lang talaga ang sinabihan ni Denny nung mga oras na 'yun. Na para sa akin lang ang pangungusap na 'yun. Hindi para sa kanila. Hindi para sa kanya. Hindi. Akin lang.

My Best Friend's Best FriendWhere stories live. Discover now