Chatpter XI

2.1K 43 55
                                    

Ito na ang pinakamatagal na sampung minuto ng buhay nya. Nakalimang missed calls sya bago sagutin ng kaibigan ang kanyang tawag.

"Musta ka na? Buksan mo gate may dala ako arroz caldo gawa ni mama. Kain tayo", sunod-sunod nyang sabi pagkahello ng nasa kabilang linya.

"Huh?", medyo mahinang tugon sa kaniya.

"Buksan mo gate. Kaya mo ba tumayo?"

"Ah... wait lang."

Naramdaman nyang nakangiti ang kaibigan habang nagsasalita na nagpasaya sa kanya. Ang kaninang pagaalala nya ay napalitan ng ngiti at excitement.

Inabot ng mga 3minuto bago bumaba si Gene ang pagbuksan sya ng gate. Bakas dito ang sobrang panghihina. Sobrang pula din nito. At muling nakaramdaman ng pagalala si Jim dahil sa nakita.

"Kamusta ka na?", puno ng pagaalala nyang tanong. "Kumakain ka na? Ano na ininom mong gamot?"

Sabay kapa nito sa noo at leeg ni Gene.

"Ang init mo sobra."

"Paracetamol saka nag-Diatabs ako. Sakit g tyan ko eh", matamlay na tugon sa kanya habang kapa-kapa pa din nya ang leeg ng kaibigan.

"Osya, handa ko tong dala ko. Nagluto si Mommy ng arroz caldo."

Agad silang naupo sa mesa.

Napansin nya ang lungkot at tamlay ni Gene habang kumakain sila. At dahil di sya sanay na ganun ang kaibigan, sinubukan nyang pagaanin ang loob nito.

"Wawa naman ang Baby Gene oh", pacute nyang sabi habang nagkakamay at nagbabalat ng hipon na pinadala din ng kanyang mommy.

Tanging ngiti lang ang sagot ni Gene at patuloy na pilit sumubo.

Sa di nya malaman na kadahilanan, parang nakaramdam sya ng pangangailangan na tumayo, lumapit at yakapin ang kaibigan. Pakiramdam nya na kailangan ito ngayon ni Gene. Alam nya malungkog magkasakit. Pero magkasakit at magisa ka lang, mas malungkot yun.

Habang pilit na ilayo ang mga kamay na ginamit sa pagkain ng hipon, niyakap nya si Gene at dahil nakaupo ang kaibigan, sa tyan nya napatapat ang ulo nito.

At mahigpit na yakap ang ganti nito sa kanya. Ramdam nya ang buong init ng katawan nito.

"Sige na, ubusin mo na yan para makainom ka na ng gamot", puno ng pagaalala nyang sabi. "Nagkasakit ka tuloy dahil sa akin. Sorry."

Siguro kung may ibang tao ng mga panahon na iyon, iisipin na isa syang nagaalalang jowa ni Gene. Kung paano nya kausapin ang kaibigan at kumilos, para syang boyfriend na sobrang nagaalala.

Nagtatakang napatingin sa kanya si Gene habang yakap-yakap pa din sya.

"Kasi kung di tayo nagtatakbo at naglaro habang umuulan, di ka sana nagkaganyan", bilang pagsagot nya sa pagtataka ng kaibigan.

Napatawa lang si Gene sa sagot nya, "Ano ka ba, ayos lang. Minsan lang naman eh."

"Pagaling ka agad ah."

"Opo."

At tahimik silang bumalik sa pagkain.

Muling nahiga si Gene sa sofa pagtapos kumain at uminom ng gamot. Nakabalot sa kumot at yakap-yakap ang mahabang unan habang nakaupo naman sa paanan si Jim at tila minamasahe ang mga paa at binti ng kaibigan.

"Gusto ko yun ganito", biglang pagbasag nya sa katahimikan.

"Huh? Yun may sakit ako?"

"Hindi. Gago. Yun ganito. Relax lang. Walang pressure. Walang pagpapanggap. Basta", maski sya di nya alam kung ipapaliawanag itong nararamdaman nya.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now