Chapter IX

2.3K 51 28
                                    

Nang marealize na bilang kaibigan lang siguro ang ibig sabihin ni Jim, at nang marealize din na masyadong OA ang reaksyon niya, at nang marealize na naka-boxer brief lang sya at sandong record-holder sa kaluwagan, nagpasya si Gene na bumalik sa loob makalipas ang ilang minuto. Sa tingin naman nya walang pakialam si Jim kung malaman nito na may gusto siya dito.

“Gininaw ka nu?” natatawang bati sa kanya ng kaibigan pagkabalik niya sa higaan.

Di siya sumagot. Naramdaman niya ang muling pagyakap nito sa kanyang likod.

“Ang sarap mo talaga yakapin. Parang stuffed toy. Napakacute pa”, sabay kurot nito sa kanyang pisngi.

“Aray”, reklamo niya.

“Ang hina lang naman nun ah.”

“Matulog ka na nga”, iritado niyang utos sa kaibigan. Matulog na ang pinakagusto niyang gawin ng mga oras na iyon.

“Di ako makatulog eh”, at lalong humigpit muli ang pagyakap nito sa kanya.

“Bahala ka. Gustong-gusto ko na matulog. Ang daming nangyari ngayon araw. Gusto ko na magpahinga.”

“Di ako makatulog. Kwentuhan mo na lang ako”, paglalambing nito.

“Tumahimik ka na lang. Baka makatulog ka na. Saka yun yakap, ang higpit.”

“Ang sungit mo naman”, sabay alis ni Jim sa pagyakap.

Di na niya ito nilingon para tingnan ang kaibigan. Baka kasi kung saan naman mapunta kung papatulan pa niya ito. Baka mabigyan na naman niya ng ibang kahulugan ang pinapakita sa kanya ni Jim. Baka umasa lang siya.

Ilang minuto ng katahimikan ang pinalipas ni Gene bago niya tuluyan pinikit ang mga mata. Nang sandaling hinihila na siya ng tulog ay bigla naman siyang tinawag ng isa.

“Gene.”

“Oh?” naiinis niyang tugon.

“May joke ako”, ramdam niyang nangingiti si Jim habang nagsasalita.

“God, Jim. Matulog ka na”, lalong naiinis niyang sagot.

“Dali na. Narinig ko kasi ito nun isang araw. Gusto ko i-share. Natatawa kasi ako dito.”

Di na siya sumagot. Hahayaan niya na lang magsalita ang kasama. Basta matutulog na siya.

“Ang title nito ay: Bukol sa pwet”, pagsisimula ni Jim. “May mag-asawa. Sabi ni Mister, Hon, kapain mo itong pwet ko, may bukol. Kinapa ni Misis. Sabi ni Misis, oo nga, baka tumor na yan Hon, baka may cancer ka…gising ka pa ba?”

Ginalaw niya ang kanyang ulo bilang sagot kaya naman nagpatuloy muli ang kaibigan sa pagkikwento.

“Eh biglang nalaglag yun bukol”, natatawa nitong pagpapatuloy. “Tapos sabi ni Misis…Hahaha…ay bakit nahulog…Hahahaha…”

“Tumawa ka muna”, mahina niyang wika.

At tumawa nga muna si Jim. Matagal.

“Sige, tumawa ka na lang. Alam ko na naman iyon joke mo”, bigla niyang wika.

Napatigil si Jim sa kakatawa.

“Huh? Alam mo na?”

“Nalaglag iyon bukol. Tapos sabi ni Misis, bakit nahulog? Tapos sabi ni Mister, joke lang Hon, tae pala iyon”, mabilis niyang sagot.

“Ay?”

“Ang tagal na iyan joke na iyan.”

Wala siyang narinig na sagot mula kay Jim kaya naman humarap siya dito. Gusto niya makita ang mukha nitong sawi sa pagbibigay ng inakalang bago at nakakatawang joke.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now