Chapter III

3K 38 2
                                    

Dalawang linggo na ang nakalilipas ngunit di pa rin si Jim tinitigilan ng dating nobya. Araw-araw at walang palya siyang tinitext, pinapadalhan ng email, at tinatawagan na di niya naman pinapansin. Makailang ulit na rin itong nagpunta sa opisina at mismong sa bahay niya pero di niya hinaharap ang dalaga.

Isang araw matapos ang ginagawa niyang pag-iwan kay Alison sa gilid ng kalsada ay tinawagan niya ito at pormal na nakipagkalas. Gusto ng dalaga na magkita sila pero di sya pumayag dahil alam na ni Jim ang mangyayari at hinding-hindi na sya makikipagbalikan rito. Sapat na ang halos limang buwan niya pagtitiis sa ugali ni Alison.

Sinabi niya sa sarili na ang susunod niyang hahanapin ay yun may malaking pinagkaiba kay Alison. Gusto niya na ng isang matinong relasyon. Sa dami ng naging karelasyon ni Jim ay hinding-hindi pa siya nagkaroon ng isang seryosohan. Kasi kahit hindi niya sinasadya at ginusto, halos puro sa sex lang umiikot ang mga ito. Kaya ngayon ay umaasa siyang maiba na sana ang susunod. Malayo pa sa isip niya ang pagpapakasal pero hanggang maaga ay dapat makahanap na siya ng taong makakasama niya habangbuhay. Isang taong makakasundo ng pamilya niya na laging kumokontra sa lahat ng babaeng dinala niya sa bahay nila. Ito ngang huli na si Alison, maski ang aso nilang si Lualhati Marie ay tila kontra. Gusto niya yun babaeng napapangiti siya sa simpleng bagay, napapasaya kahit wala itong ginagawa para sa kanya, at walang arte sa katawan. May ideal partner-in-life na siya, hinihintay na nya lang dumating ito sa buhay niya.

Sa opisina pa rin si Jim nang biglang tumunog ulit ang phone niya at nakita ang pangalan ni Alison sa screen sa ika-27 beses ng araw na yun.

“Sagutin mo na yan Brad”, sabi ng katrabaho niya na si Mon na ngayon ay nakatayo na at hinihintay na lang matapos ang natitira pang tatlumpung minuto bago sila makauwi.

Ngumiti lang si Jim at nag-unat ng konti bago isa-isang inayos ang sarili bago mag-uwian. Limang taon na siya sa Telecommunication company na kanyang pinapasukan bilang isang Engineer.

“Alam mo Brad, sagutin mo na yan at sabihin na lalaki talaga ang gusto mo. Titigilan ka na nyan”, si Jun yun sa katabing mesa. Empleyado na siya sa kompanya bago pa man dumating si Jim kaya alam nito lahat ng mga paghahabol sa kanya ng mga naging girlfriend.

Tumawa si Mon at sumang-ayon sa sinabi ng katrabaho.

“Yaan nyo na. Lilipas din yan”, sabi ni Jim na lagi din niya sinasabi sa tuwing nauulit ang ganitong eksena.

Nang dumating ang alas-singko ng hapon ay sabay-sabay na silang nag-out, nagmamadali na para bang ikakamatay na nila pag tumagal pa sila ng isang minuto sa kanilang opisina. Kahit Biyernes nun, di sila nagyayaan para gumimik muna bago umuwi kasi: 1) sa susunod na linggo pa ang swelduhan; 2) may kanya-kanya na silang pamilya na kanya-kanya din nila pinangakuan ilalabas sa araw na iyon maliban kay Jim na wala pang sariling pamilya at walang pinangakuan ilalabas; 3) buong araw na umuulan at di pa rin tumitigil. Pagkarating sa 2nd level ng elevator kung nasaan ang entrance ay naghiwalay-hiwalay na sila. Agad na lumabas ang kasamahan sa gusali samantalang siya naman ay umupo muna sa lounge area.

Nang makaupo siya sa couch na nakatalikod sa malaking salamin sa harapan ng building at nakaharap sa isang hall ng mga elevators ay siya din buhos ng malakas na ulan. Naging tama ang pasya niyang di muna lumabas. Pero sa totoo lang, ilang beses na niyang ginagawa itong di agad paglabas ng gusali tuwing uwian. Dahil alam niyang dito niya makikita ang taong may maliit na atraso sa kanya, dalawang linggo na niyang inaabangan ito tuwing uwian.

Isang oras na ang nakakalipas at tulad ng dati, di na naman niya ito nakita. Sa ikasampung pagkakataon, nakaramdam na naman siya ng di mapaliwanag na pagkadismaya para sa sarili dahil mission failed na naman. Matagal na niyang pinaplano ang mga sasabihin sa taong ito at di nito mapigilan laging ngumiti sa tuwing naiisip niya ang magiging reaksyon nito.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now