Chapter IV

2.4K 33 4
                                    

 Wala naman talagang balak si Jim na pumasok sa restaurant na iyon kung di lang niya nakita sa may parking lot nito ang isang pamilyar na sasakyan.

“Good evening, Sir”, bati ng babaeng nakatayo sa pinto pagkapasok niya ng restaurant.

Tumango lang siya bilang pagtugon.

“Do you have any reservation, Sir?”

“Hm, Miss,” sagot niya sa waitress sabay pag-ikot ng tingin sa mga kumakain sa loob.

“Yes, Sir?” nagtatakang tanong ng babae sa kinikilos niya.

Mga labing-limang segundo ng paghahanap bago siya muling tumingin sa babae.

“May lalaki bang pumasok dito na ganito katangkad?”, sabay taas ng kanyang kamay sa tapat ng kanyang baba.

“Sir?” lalong pagtataka ng babae.

Nag-iisip pa siya ng panibagong pantukoy kay Gene ng biglang makita niya ito palabas ng washroom na nasa kaliwa niya.

“Ayun”, may pagkaeksaherado niyang pagturo sa gawi ni Gene. Di na niya hinintay magsalita ang empleyado ng restaurant at tinungo ang direksyon ng mga mesa.

Paupo na si Gene ng mapansin siya nito kaya naman bigla itong tumayo ng diretso ulit.

“Jim, Oh. Hi!” bati sa kanya.

“Hello”, sabay tingin sa dalawang babaeng nakaupo sa mesa din ni Gene.

“Si Leslie. Si Margaret”, nang mapansing nakatingin siya sa dalawang babae na may pagtataka sa mga mukha. “Si Jim, yun…”

“Yun nakabangga mo?” medyo malakas na pag-alala ni Leslie.

“Ang lakas ng boses mo”, pagsaway ni Margaret habang nakatingin kay Jim.

“Hi”, bati niya sa dalawang babae at aktong makikipagkamay.

“Ikaw lang mag-isa?”, tanong ni Gene.

“Oo. Nakita ko yun sasakyan mo sa labas kaya in-assume ko na nandito ka ngayon”, nakangiting sagot niya. Napansin niyang nagtinginan si Leslie at Margaret na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Napansin din niyang tumingin si Gene sa dalawa kaya napaisip siya kung ano pa kaya ang kinwento nito sa mga kaibigan tungkol sa kanya.

Di niya hinintay na yayain siya nito. Umupo siya sa couch na nakaharap sa mga babae. Napatingin sa kanya ang tatlo.

“Okay lang ba?” pagtatanong niya.

“Ahh, ehh”, pag-aalinlangan ni Gene.

“Oo naman. Kaming tatlo lang naman”, sagot ni Margaret na ngayon ay nakangiti na rin sa kanya.

Tumango si Leslie bilang pag-sangayon.

“Kumain ka na ba?” pagtatanong ni Gene nang makaupo ito katabi niya.

“Hindi pa. Nakaorder na kayo?”

Tumango ito sa kanya sabay sabing, “Good for 4 na naman yun naorder namin. Pero ikaw kung gusto mo umorder nun sayo. Baka kasi nahihiya ka.” May narinig siyang kasarkastikuhan sa bandang huli pero di niya iyon pinansin.

Nang aktong itataas niya ang kamay para tumawag ng waiter ay dumating naman ang mga pagkain.

“Wag ka na umorder. Madami naman ito”, alok sa kanya ni Gene.

“Oo nga”, halos sabay na pagkasasabi nila Leslie at Margaret.

“Hm, okay. Hati na lang ako sa bayad”, tugon niya sa kabaitan ng tatlo.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now