Chapter II

4.1K 39 0
                                    

Pagkaupo na pagkaupo ni Gene sa upuan ay agad sya nagtawag ng waiter at umorder ng isang Bottomless Iced Tea at Blueberry Cheesecake. Masama ang tingin sa kanya ng dalawang kaibigan naghintay ng mahigit tatlong oras. Nginitian nya lang ang mga ito sabay kwento tungkol sa nakabangga sa parking lot. Buong detalye nyang binahagi sa dalawa kung paanong nagmamadali siya makapunta sa shop na kinauupan nila ngayon pagkababa ng kanyang sasakyan. Sinabi niya nang mapansing may katangkaran at mukhang di papayag na di makaganti ang nabangga sa kanya ay nagpanggap siya na bulag nun marinig nya na magtanong ito kung bulag ba siya.

“Gago ka talaga Gene!” malakas na pagsabi ni Leslie habang patuloy na tumatawa.

“Ang lakas ng boses mo”, saway ni Margaret sa kaibigan. “Gago ka Gene. Buti di ka sinapak nun”, nakangiting sabi niya.

“Eh kaya nga nagbulag-bulagan”, sabi ni Gene kasabay ng mahinang tawa at inulit nya ang mismong pagkakaarte niya ng bulag.

Lalong napatawa ang dalawang babae. Di na bago ang mapatawa ni Gene ang mga kaibigan. Lagi siyang puno ng mga kakatuwang pangyayari na di nya kinakahiyang ikwento sa dalawang matalik na kaibigan. High school friends ang tatlo. Laging magkasama kahit nun tumuntong na sila ng kolehiyo at magkakaibang unibersidad ang mga pinasukan. Ngayon pareho-parehong may mga trabaho na, di maaaring matapos ang isang lingo na di sila nagba-bonding. At dahil si Gene ang lalaki sa kanila, laging siya ang taya sa mga pagkain sa labas at minsan ay panonood ng sine. Laging sya rin ang driver sa tuwing mapagisipan nilang magroadtrip. Okay lang naman yun sa kanya basta sagot ng dalawa ang gasolina na bihirang-bihira mangyari sapagkat laging fulltank ang sasakyan niya tuwing magkikita sila.

Nang dumating ang order ni Gene ay agad itong kumain dahil kanina pa sya nagugutom.

“Dapat kanin inorder mo”, pag-aalala ni Leslie.

“May calories naman ito kaya okay na. Bawi na lang mamaya” sabi ni Gene sabay ngiti. “Gusto niyo?”

“Bilisan mo na dyan”, sabi naman ni Margaret. “Sakit na ng pwet naming kakaupo dito.”

Ganito silang tatlo, sasabihin nila sa isa’t-isa ang tunay nilang nararamdaman kahit pa magtunog silang makasarili. Pero kung magalala din naman sila sa bawat ay isa ay daig pa nila ang mga tunay magkakapatid. Sa tagal na din nilang magkakaibigan at magkakasama, marami na silang napagdaanan na mga tampuhan, asaran, at kulitan na naging dahilan para magturingan na silang magkakapatid, magkakaiba nga lang ng mga magulang. Ang bawat isa ang hingian nila ng suhestiyon sa bagay-bagay. Minsan pa nga ay naguutangan sila ng pera pero di nagbabayaran. Wala silang reklamo sa ganun sistema ng pagkakaibigan dahil pareho naman silang kumikita ng higit sa kailangan nila. Ang pinakamlaki nga lang ang kay Gene kaya lagi siya ang taya.

Habang kumakain si Gene at dinadama ang bawat subo sa kanyang pinakapaboritong dessert sa mundo, nagkwento si Margaret tungkol sa trabaho niya at ng mga nakakatawang iniinterview niyang mga aplikante. Isa siyang Assistang Manager sa kompanyang pinapasukan din ni Leslie na kasama naman sa Accounting Staff.

“Nakita mo yun mga tweets ni Cocoy?” biglang tanong ni Leslie kay Gene sa kalagitnaan ng pagkekwento ni Margaret tungkol sa isang aplikante na napakabingi.

“Hindi”, sagot ni Gene na matagal-tagal ng di nakakaharap ang social network life. “Bakit? Umamin na ba sya?”

Napatawa si Margaret sa sinabi niya, “Sana nga.”

“Oo”, sabi ni Leslie pero agad din niyang binawa ang biro, “Hindi, baka daw mapromote siya at ipadala sa London ng kompanya nila.”

“Oh”, pahangang sagot ni Gene na ngayon ay tapos na din kumain sa wakas. “Baka dun na siya magladlad”, at muli ay tumawa ang tatlo.

Ulan (boyxboy)Where stories live. Discover now