35. Ayos

18.8K 315 133
                                    

Sabado pa dapat ng gabi uuwi si Mason sa kanilang tahanan subalit nakatanggap siya ng mensahe sa kapatid na si Mark. Biyernes ng hapon iyon at katatapos lamang niyang magpa-enroll para sa summer classes nang sabihan siya ng kuya na mahalagang umuwi siya sa gabing iyon dahil may mahalagang pag-uusapan ang magkakapatid.

Tinanong na rin niya si Chino tungkol dito subalit wala rin itong alam sa dapat na pag-usapan kaya naman napagpasyahan na rin nilang sabay na umuwi.

Magdadapit-hapon na nang makarating sila sa tahanan ng mga Pelaez. Ang panganay na si Marcus lamang ang hindi pa nakakarating. Wala kasi noon ang mga magulang sapagkat ipinadala ng kumpanya ang amang si Charles sa Davao na isinama naman ang kabiyak na si Matilda upang makapagsarili muna.

“’Tagal niyo naman,” nababagot na bungad ni Chad sa kanilang dalawa matapos silang pagbuksan ng pinto.

 

Siya ring pagsilip ni Mark mula sa kusina. “Ayon! Dumating din! ‘Kala ko mamaya pa kayo eh, baka di mo na siya maabutan.”

Siya? Pag-ulit ni Mason sa kanyang isipan at nagpalinga-linga.

“Prinsesaaaa!!! Kakain naaaa!!!” sigaw naman ni Chad.

Saka niya nakita ang kapatid na nakasuot na nang pantulog. “Hello!” masiglang bati nito sa kanilang dalawa bago tumuloy sa hapag-kainan kaya sinundan na nila ito sa kusina.

Pagkatapos magdasal nang sabay-sabay, isa-isa nang kumuha ng makakain ang mag-anak.

Matamang pinagmamasdan ni Mason si Charlie na tila hindi mabura ang maluwag na ngiti sa mukha. At hindi lamang siya ang nakapansin nito.

“Bago ‘to ah. Excited kang matulog ng maaga?” puna ni Chino.

Mas lalong lumuwag ang ngiti ni Charlie kasunod ang pagtikhim at ang makahulugang pagtitinginan nina Chad at Mark. “Hindi, may islamber party daw kami sabi ni bespren eh, hehe.”

“Slumber party?” pag-uulit ni Chino bago nila narinig ang pagbusina sa labas ng tahanan.

Tumango ang bunso matapos magkasunod na isubo ang tig-isang kutsarang kanin at kalderetang baka. Kaya si Mark na lamang ang tumugon. “Oo, slumber party…sa bahay nila Basti…”

“…Kasama si Louie…” dagdag ni Chad at kapwa sila tumingin kay Mason na biglang tumuwid ang upo nang makarinig ng boses galing sa labas ng pintuan.

“Tao po!!! Charlie!!!”

Humigpit ang kapit ni Mase sa kubyertos na hawak kaya naman si Chino na ang nagpasyang papasukin ang dalaga. At habang damang-dama niya ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso, mas lalo pang lumawak ang ngiti ng mga kuya niya.

“Buspruuun!!! Kuen muna!” Nakuha pang bumati ng bunso datapwat punong-puno ng pagkain ang bibig nito.

Agad namang kinuha ni Chad ang plato ni Charlie at inilipat sa kabisera. “Prinsesa, dito ka muna. Mas abot mo ‘yung mga ulam dito o,” mungkahi nito at walang pasubaling sumunod naman ang kapatid.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon