7. Lakad-Takbo

24.3K 315 22
                                    

Matagal bago nakalimutan ng mga kapatid ni Mason ang di-sinasadyang pagkakayapos ni Louie sa kanya sanhi ng mga lumilipad na ipis. Pagkauwi kasi ng bisita nila, hindi na siya tinigilan ng mga ito.

  

“Ooyyy, si Mason, nayakap na ng babae. Ayiee,” pang-aasar ni Mark. “Hindi na siya virgin, hahaha.”

Agad naman niya itong pinanlisikan ng mata kaya tumahimik na lamang ang mga ito bago humagikgik.

“Boto naman kami kay Louie. Aba, napakatalino at napakagandang bata,” biro pa ng Tatay nila at napailing na lamang si Mason. Mabuti na lamang at walang nakakaalam nang pagkakalaglag ni Louie sa foam na kinahihigaan niya, kundi mas malala ang panunuksong aabutin niya sa pamilya.

Narinig naman nilang umubo ang bunso dahil nabilaukan. “May Aidan na ‘yon!”

“So?” sabat naman ni Chuck. “Sila na ba?”

Sumimangot naman si Charlie. “H-hindi—“

“O di may pag-asa pa si Mase!” dagdag pa ng mga nakatatandang kuya nila. Ang hirap talaga sa tuwing wala doon sina Marcus at Chino na nagpapatahimik sa mga ito. “Ligawan mo na, Mase! Siya na ‘yung nag-first move o!”

“Eeeehhh!” angal ulit ni Charlie. “Hindi ba parang panget ‘yon? Bespren ko, tapos liligawan ng kapatid ko. Parang… parang mali?” pag-aalangan nito.

“Ano namang mali don?” singhal ni Mark bago nagsalita ang Ina nila.

“O, sige, mag-away pa kayo. Mahuhuli na kayo sa klase. Hala, sige na’t baka abutin kayo ng siyam-siyam!” utos nito sa mga anak na isa-isang humalik sa pisngi nilang mag-asawa bago humayo.

Tulad ng inaasahan, naroon na rin sa paaralan ang mga kabarkada ni Mason. At nagsimula na rin ang interrogation ni Ray.

“O, pre, kamusta naman ang sleepover ni Kwok sa inyo? Ayos ba?” sabik na tanong nito sa kanya. Hindi pa rin kasi lubos na makapaniwala si Ray na matalik na kaibigan ng kapatid ni Mason ang crush nito.

Nagkibit-balikat na lamang si Mason. Mas maganda nang hindi nila malaman ang mga detalye ng pagtulog ni Louie sa tahanan nila. “Ayos lang.”

“Parang boys’ night out lang ba?” pang-aalaska pa ni Aaron. “Magkaka-best friend na nga lang ‘yung kapatid mo, ‘yung parehas pa niyang tibo! Hahaha!”

“Hindi yon tibo! Babae yon! Babae!” pagtatanggol naman ni Ray bago binatukan ang kaibigan.

Sumang-ayon naman si Nile. “Oo nga. Grabe ka talaga, Aaron. Parang hindi kapatid ni Charlie ang kaharap mo kung magsalita ka ah. Baka nakakalimutan mong may apat pang kuya sila Mase. Kung marinig ka nung mga ‘yon, bugbog-sarado ka,” pagbabanta pa nito.

“Alam ko na pre,” halos pasigaw na sabi ni Ray. “Ilakad mo nalang ako kay Louie, tutal naman, mas kilala ka na niya kesa sa’kin. I-build up mo ako sa kanya para kapag ready na akong magpakilala kay Kwok, alam na niya kung gaano ako kabuting tao, hehehe.”

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon