11. Ulan at Luha

22K 298 23
                                    

Mas naging madalas ang pagbagsak ng malakas na ulan. Pahinto-hinto man iyon ay basang-basa pa rin ang sinumang abutan nito. May paparating sigurong bagyo.

Kaya naman araw-araw na may dalang payong si Mason. Mahirap nang maulanan lalo pa’t nagko-commute lamang sila nila Charlie at Chan-Chan papasok at pauwi galing sa paaralan.

Tulad ng inaasahan, madilim na naman ang kalangitan kahit alas kwatro pa lamang ng hapon. Nagmamadali na ring umuwi ang mga mag-aaral dahil maagang natapos ang klase. Kumpirmado kasing noong araw na iyon babagsak ang bagyo at tatamaan ang Metro Manila.

Nang magsimula nang pumatak ang ulan, nagpasya nang umuwi si Mason at sa bahay nalang gawin ang iba pang mga proyektong kailangan niyang pag-aralan bago idulog sa mga guro. Pinuntahan na rin niya sa classroom ang kapatid subalit wala ito doon.

“Kuya Mase, sabay na kayo sa’min ni Mommy,” anyaya ni Chan-Chan na sinundo pala ng magulang.

Umiling na lamang si Mason. “Hihintayin ko pa si Charlie. Alam mo ba kung nasan ‘yun?”

“Nakita kong kasama ni Louie kanina eh. Sige, mauna na ako ha. May pupuntahan pa kasi kami. Ingat kayo Kuya,” paalam nito sa kanya.

Siya namang pag-vibrate ng telepono ni Mason.

From: Princess_Charlotte

My nanyari ky Louie. Hndi ko xa mhanap. Kuya, pa2long nmn akng hnapin xa. Bka kng ano ng nanyari sa knya T___T

 

Napahigpit ang kapit ni Mason sa payong na bitbit at nagsimula na siyang maglakad-lakad sa buong gusali upang tulungan ang kapatid na mahanap ang nawawalang kaibigan. Ano kaya ang nangyari kay Louie? Nag-away kaya sila ni Charlie? Subalit sa pagkakaalam ni Mason, madalang mapikon ang dalaga. Kadalasan ngang si Charlie at Chan-Chan ang napipikon sa mga pang-aasar nito.

Nagpalakad-lakad si Mason sa kung saan man siya mapadpad na tanging ang mga tanong tungkol kay Louie lamang ang tumatakbo sa isipan. Dinadalangin din niyang sana’y hindi napahamak ang dalaga. Matagal-tagal din niyang sinuyod ang buong campus ng UST makita lamang ito subalit nabigo siya.

Susuko na sana sa paghahanap ang binata nang mapadaan siya sa football field at namataan ang isang babaeng nakatingala sa langit sa ilalim ng malakas ulan. Hindi alam ni Mason kung ano ang nagtulak sa kanyang lapitan ang babae.

Laking gulat niya nang mapag-alamang si Louie pala ang naturang dilag.

“L-Louie,” nauutal na tawag niya subalit sa lakas ng ulan, tila hindi siya narinig nito. Kaya lumapit na lamang siya sa dalaga at inabot dito ang hawak na payong kung kaya naman siya ang naulanan.

“K-Kuya Mason?” tila gulat na bati ni Louie. Doon napansin ni Mason na sa kabila ng pagbuhos ng ulan, nababanaag ang namumugtong mga mata ng dalaga.

“Dali na,” halos pautos pa niyang sabi dito. Hinablot pa ni Mason ang isang kamay ni Louie at tuluyan nang ipinahawak dito ang payong. Magpayong ka na dahil magkakasakit ka kung magpapaulan ka pa.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon