Chapter 7: Clash

221 6 2
                                    

Sinira ko na yung kisame at nagtangkang tumakas dahil namatay na rin naman niya yung informant. Tss. Nagkamali ako. Hindi ko inaasahang makakaabot agad siya dito.

Tumalon na ko papunta sa taas para makalabas na sa lugar na ito ngunit pagdating ko sa taas nasa harap ko na agad siya.

“Still trying to escape?” Pagkasabi niya noon dapat sisipain niya na ako pababa nang bigla siyang naipit ng magkabilang pader na gumalaw ng kusa. Pagtingin ko sa nandito nap ala si Vincent. Sakto lang yung dating niya.

“Dalian mo na.” Sabi niya sa akin ng seryoso kaya wala na rin akong magagawa kundi tumakas nalang kami. Wala na yung informant.

Tumakbo na ko papalabas dahil alam kong hindi namin ang isang pureblood at baka makahabol pa yung dalawa. Pagnagkataon talagang wala na kaming pag-asa.

----------------

Hinayaan ko muna siyang mauna sa sasakyan at susubukan kong pigilan itong pureblood. Gusto ko rin kasi matantsa kung gaano talaga sila kalakas.

Nung inalis ko yung pader na inihampas ko sa kanya wala na siya doon kaya nagtaka ako. Hinanap ko siya sa paligid at paglingon ko sa likod ay nandoon na siya at umakmang sasapakin ako ngunit mas ikinagulat niya ang nangyari. Maski ako nagulat dahil hindi ko inaasahang magaan lang pala yung sapak niya kung ikukumpara sa lakas ng Telekinesis ko. Gumawa ako ng barrier para hindi ako matamaan ng sapak niya at gumanti naman ako ng sapak at binalutan ko ito ng barrier para mas lalong lumakas at tumalsik siya sa may pinto papalabas.

“Tss.” Tanging nasabi niya lang at lumusob ulit papalapit sa akin nang bigla siyang nawala. Teleportation yung isa niyang kapangyarihan panigurado iyon. Isang kapangyarihan nalang ang hindi niya pa nagagamit. Nagulat na lamang ako ng may marinig akong wasiwas ng espada sa bandang likod ko kaya napayuko ako. Ginamitan ko nang telekinesis ang kisame para ibagsak ito sa kanya pero nagawa niya ulit magteleport. Tsk. Ito ang mahirap pag mabilis kumilos ang kalaban eh.

Lumusob  ulit siya sa akin ngunit alam ko nang magteteleport lang ulit siya sa likod ko kaya nang bigla siyang nawala ay lumingon ako agad sa likod ko at sinakal ko siya gamit ang isa kong kamay. Tiningnan ko lang siya nang matalim sa mga mata at ginamit ko ang advance telepathy ko para mapasailalim ko siya sa isang ilusyon. Umaasa na sana mas malakas ang telepathy ko kesa sa kanya. Nang mapasailalim na siya nang telepathy ko, iniwan ko na siyang kalabanin ang mga ilusyon at pumunta na kila Stein para tulungan sila. Bago pa ako makarating doon ay kinausap na nila ako through telepathy na nakatakas na daw sila. Buti nalang. Kaya umalis na rin ako sa lugar na iyon bago pa ako mahuli.

----------------

“We failed.” Tanging nasabi ni Rosaria ngayon at magkakasama na kami dito sa bahay nila.

“Don’t feel bad. Purebloods ang kalaban natin nang mga oras na iyon kaya may tsansa talagang hindi tayo magtagumpay.” Sabi ko naman pampagaan loob sa kanila.

“Sorry. I didn’t expect that he’ll be able to follow us.” Sabi naman ni Gabriel. Hindi ko inaasahang may ganyang side din pala siya. Ang pagkakaalam ko kasi isa siya sa mga successful Knights at bihira magkamali. Well, purebloods din kasi ang pinaguusapan kaya mahihirapan talaga kami. Kaya ko lang naman agad naisahan yung pureblood dahil naging careless siya at sa paulit-ulit na moves na ginagawa niya. He underestimated me just because he’s a pureblood.

“It’s okay. We did our best. They’re just out of our league. For now. So, can I expect more from you Gabriel? Tutulungan mo ba kami at magiging isa sa amin?” Tanong ko sa kanya.

“We have the same goal so why would I say no?” Sabay ngiti naman niya.

“I’ll take that as a yes. Can I ask all of you something?” Saad ko naman.

“Ano iyon?” Pagtataka naman ni Stein.

“Gusto ko sanang malaman yung pasikot-sikot sa society ng vampires. Yung rankings, paano nadedetermine, something like that.” Sabi ko naman.

“Class S. Sila yung mga pureblood vampires. As of now wala pang nakakaabot ng Class S na hindi pureblood.Class A is a vampire that has only a little bit of human blood. Pero minsan may nakakaabot dito na half-human and half-vampire. Class B naman ay yung mga half-vampire lang. Although yung iba kahit hindi half-vampire at mas lamang yung pagiging human ay nakakaabot dito. Class C naman ay yung mga common vampires. May Unique Ability sila pero hindi sila kalakasan. Class D are vampires that doesn’t have a Unique Ability even they’re already a ‘True Vampire’. Magiging True Vampire ka pag nakainom ka ng dugo ng tao directly from them which is now banned. Class E are the lowest which doesn’t have a full strength of a vampire. Sila yung may weakness sa garlic at holy water.” Mahabang paliwanag sa akin ni Athena.

“Paano iyon nadedetermine? Hindi naman siguro by blood lang naka-class ang mga vampire diba?” Sabi ko naman sa kanila.

“Yeah. Sa tournament nalalaman kung anong class ka. Meron din dito noon para malaman mo kung hanggang anong class ang lakas mo.” Sagot ulit ni Athena sa akin.

“Kung ganoon alam ko na kung anong plano natin.” Sabi ko naman. “We will enter that tournament to gain publicity. Papakita natin sa kanila kung gaano tayo kalakas at panigurado ko magpapanic kahit papaano ang mga Strays. Once we get their attention panigurado ko lalabanan nila tayo. We will expose them or we can defeat them. But to defeat them we should be stronger and should gain more ‘friends’. We can achieve these two along the way in the tournament kaya it is the best way for us.” Sabi ko naman.

“Alam mo naman sigurong hindi ako pwedeng sumali doon dahil hindi ako vampire diba Vincent?” Sabi naman ni Gabriel.

“Oo. Ikaw ang magiging spy sa atin. Ikaw ang kukuha ng mga information dahil nasa White Knights ka naman. Hindi ka rin naman magagalaw ng purebloods dahil oras na gumawa sila ng aksyon mahahalata sila. So it’s safe. Although iba yung method ng magiging training mo siguraduhin mong lalakas ka. We need more power to defeat the Strays. Remember that.” Paliwanag ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon