Chapter 1: Crow

567 15 5
                                    

[Someone’s POV]

“So what are we going to talk about?” Sabi samin ni Mr.Falcon, bagong dating na mataas ang rank sa Black Knights.

“It’s about the Stray Vampire sir.” Saad ko kay Mr.Falcon.

“Is it important that you will inquire me about it and not your head in this country?” Tugon naman samin ni Mr.Falcon ng biglang narinig namin ang pagpitik ng lock sa pintuan. Nilock namin ito pagpasok kaya napatingin kaming tatlo ng napansin namin na may nag-unlock ng pintuan.

Unti-unting nagbukas ang pintuan ng biglang may inihagis na tao papunta sa direksyon ni Mr. Falcon. Sinalo lang ito ni Mr.Falcon at inihawi sa gilid ng biglang may bumulagang *wakizashi sa kanya at tumama ito sa kanyang dibdib. Sa aking tantsa mukhang hindi pa naman tinamaan ang puso niya. Tatanggalin niya na sana ito ng biglang may sumugod papalapit sa kanya at idiniin lalo ang wakizashi.

[*A/N: Wakizashi -  Nangangahulugang “side inserted sword”. Ito ay ang mas maliit na version ng katana. Isa itong uri ng japanese sword na ginagamit ng mga samurai noong feudal japan. Tingnan nalang sa gilid ang ginamit niyang wakizashi ~~>]

“Don’t retaliate, just answer my questions.” Saad ng lalaking nakamask. Hindi maskara na literal kundi yung katulad sa mga taong nakatakip lang yung half face at mata lang ang nakikita. Parang katulad sa mga assassins or ninja kung idedescribe ko. May straight scar siya sa kanang mata at sa kanang mata na ‘yon ay pula ang kanyang mata pero itim naman sa kaliwa niyang mata. Itim ang kanyang buhok na parang aabot hanggang leeg.

[A/N: Kung ‘di niyo maimagine yung mask, katulad yun kay Hatake Kakashi ng naruto o Rajak or Ragar Kertia ng Noblesse.]

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa ni Rosaria at umatras ng kaunti para maghanda sa pag-atake. Nilabas ko na ang aking dagger na gawa sa aking kapangyarihan na “Shadow or Darkness”. Naghanda na rin si Rosaria at siya ang unang umatake. Naghagis na siya ng tatlong fireball sa lalaking nakamask ng bigla niyang hinila papalapit si Mr.Falcon at ginamit niya itong pangharang. Nang makita namin si Mr.Falcon nasira na ang kanyang damit dahil nasunog na ito ng bahagya. Hinagis ito ng lalaki sa gilid nang makita niya akong lumulusob pero bago ko pa ito magawa, sumenyas ang kamay niya na parang tinutulak ako at nagulat nalang ako ng tumalsik ako kasabay ng pagsenyas niya.

Anong klaseng kapangyarihan ‘yon?! Ni hindi niya pa ako nahahawakan tumalsik na ako.

Lumusob papalapit sa kanya si Rosaria para makipaglaban ng hand-to-hand combat. Inilagan lang ng lalaki ang unang sapak ni Rosaria at ang pangalawa naman ay hinawakan niya lang ang kamay nito at pinilipit na naging dahilan para tumunog at mabalian si Rosaria ng kamay. Sinikmuraan ng lalaki ito at inihagis sa kabilang sulok ng silid na ito. Sinubukan kong basahin kung ano ang nasa isip niya pero wala akong mabasa. Hindi siya isang ordinaryong tao, isa rin siyang bampira katulad namin pero bakit hindi ko siya kakilala?! Sa lakas niya dapat kilala na siya ng mga Black Knights katulad namin. Para mapanghina niya si Mr.Falcon ng walang kahirap-hirap ay patunay na na isa siyang malakas na bampira. Nakakapagtaka bakit hindi ko siya kilala sa lakas niya. Pati si Mr.Falcon hindi rin siya kilala. Kasali kaya siya sa mga Stray Vampires?

Nakita ko na tumayo na si Mr.Falcon at balak isaksak ang Wakizashi sa likod ng lalaking nakamask. Tumingin sakin sa mata ang lalaki kaya napatingin din ako sa kanya. Pagkatapos niya akong tingnan ay tumalikod na siya, sinalag at hinawakan ang kamay ni Mr.Falcon. Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya na naging dahilan para madurog ang kamay na hinahawakan ng lalaki. Nagulat nalamang ako ng makita kong may lumabas na mga uwak doon at unti-unti, pati na rin ang ibang parte ng katawan ni Mr.Falcon ay nagiging uwak na rin hanggang maglaho na siya. Meron talaga kaming kapangyarihan na ganon at tinatawag namin ‘tong “scattering” pero paniki at hindi uwak. Mukhang hindi rin naman ginamit ni Mr.Falcon ang kapangyarihang iyon at mukhang ang lalakeng nakamask ang may gawa noon sa kanya.

Secret IdentityWhere stories live. Discover now