Chapter 6: Purebloods

146 2 1
                                    

Shit! Hindi ko inaasahang magkakaroon ng maagang engangement! Mukhang mapapalaban ako dito ng wala sa oras.

Umatras agad ako pagkabulong niya sa’kin at pumorma na ko para makipaglaban sa kanya. “So where are the other two?” Pagtatanong ko sa kanya dahil sinubukan kong gamitin yung telepathy ko pero hindi tumatalab sa kanya. Patunay na isa nga talaga siyang magaling na pureblood.

“The other two? I’m the only one here. I just thought of dropping by and say hello to you. And why are you in your fighting stance? Is that how you greet someone that saved you and haven’t met for a long time?” Sagot niya sakin na kalmadong-kalmado. Tss. I have to keep my cool.

Ibinaba ko ang fighting stance ko at huminga ng malalim para makausap siya ng matino. “Don’t you have something to do? You’re just wasting your time here.” Sinabi ko sa kanya at umupo sa upuan sa abandonadong kwartong pinagtataguan ko.

“How ‘bout you? Care to explain why are you hiding here? Looks like you’re planning something.” Balik na tanong niya.

“I’m hiding here in case your job fails. I can’t risk to lose the information the informant has.” Pagsagot ko naman sa kanya at tumayo na para naman maramdaman niyang may tsansang pumalpak siya dahil maaaring isa sa dalawang pureblood ang papatay dito.

“So you’re after the info too. Looks like you’re really enganged with it. So what do you think?” Tanong niya ulit sa’kin at umupo sa kaninang inupuan ko.

“I think you should go there now before your informant vanishes into thin air.” Sagot ko sa kanya ng diretso at tiningnan siya sa mata. I know I’ve been waiting for us to meet but I also can’t risk to lose the information. She can wait. She’s not going anywhere until after some weeks.

“You’re dodging me. Why?” Tumayo siya at lumapit sa’kin nang nagtataka kaya umatras ako ng kaunti pero lumapit parin siya hanggang sa magkalapit na talaga kami.

“I’m not dodging you. I’m saying you should go there now and get the information. Or if you don’t want it I can go there for you.” Pagsagot ko sa kanya ng kalmado.

“I’ll talk to you again later. Don’t you dare hide from me. I’ll hunt you down if you try. I still have something to say to you.”  Pagsabi niya ay umalis na agad siya pero.. Dodging? I can’t believe she thought of that! Pero.. Iniiwasan ko nga ba talaga siya? Tss. Ba’t ko siya iiwasan? May kailangan din naman akong sabihin sa kanya pero kailangan lang namin muna ‘tong gawin dahil pagpumalpak ‘to mahihirapan na kaming maghanap ng impormasyon.

-----------------

“Sino.. ang namamahala.. sa Stray Vampires?” Sabay bagsak ng dalawang kamay ko sa may table sa harap ko habang kinakausap ang informant. Kanina ko pa siya tinatanong pero hanggang ngayon hindi parin siya sumasagot. Ang gusto niya daw sa isang family member ng Van Helsing ito sabihin. Kung wala siyang balak sabihin wala na kong magagawa kundi itakas siya dito katulad ng sinabi ni Vincent.

Sila Stein at Athena nagaabang lang sa labas ng kwarto nakatago para malaman namin kung papalapit na ba ang mga purebloods. Kaya ako ang kumausap sa informant dahil disadvantage para sa kanila ang pumunta sa kwarto na ‘to na hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan. Kung saka-sakaling magkaroon ng laban kayang-kaya kong makipagsabayan.

“H-hindi ko sasabihin sayo. Dapat diretso sa isang Van Helsing ang impormasyon na ito at hindi sa isang White Knights.” Pagmamatigas niya habang nakaupo at nakatali lang sa upuan upang hindi makatakas.

Tumayo lang ako ng maayos, inayos ang damit ko at umupo sa isang upuan sa tapat niya. Huminga lang ako ng malalim dahil hindi naman ako yung tipo ng tao na mawawala yung pagiging kalmado sa mga simpleng bagay.

“Rosaria, naayos mo na yung CCTV sa kwarto na ‘to diba? Hindi na ‘to recorded?” Tanong ko through telepathy na inayos ni Vincent para sa’min.

“Oo. Bilisan mo na dahil mukhang papunta na ang mga purebloods diyan. Tapos na ata sila makipagusap sa ambassador.” Sagot naman niya sakin.

Nangalumbaba lang ako sa mesa matapos nun at tinanong ulit siya. “Isa ba sa mga purebloods ang namamahala sa Stray Vampires?” Nagulat siya pagtanong ko nun na mukhang I hit the jackpot na. Tama nga ata kami ng hinala ni Vincent.

“Pa-pa’no mo nalaman?!” Gulat na gulat na tanong niya sa’kin at nanlaki ang mga mata niya.

“Nagulat siya nung tinanong ko kung isa ba sa purebloods at sinabi niyang ‘Pa’no mo nalaman?!’. Mukhang tama nga hinala natin. Itatakas ko na ‘to. Mahihirapan tayo kung saka-sakaling patagalin pa natin ‘to.” Sabi ko kay Vincent para malaman niya yung plano ko.

“Sige. Ikaw na bahala diyan. Stein at Athena, Try to hold them back pag nagkaroon ng laban. Give Gabriel enough time para matakas niya. Bantayan niyo lang siya. Rosaria, make sure na walang maiiwang records diyan at tulungan mo na rin sila Stein. Ihahanda ko na yung getaway car Gabriel. Magkita nalang tao sa likod ng lugar na ‘yan.” Sagot naman niya.

“Itatakas kita dito. Pero mas maganda kung habang tumatakas tayo sabihin mo na kung sino yung namamahala ng Strays dahil hindi naming malalaman kung sino talaga ang dapat labanan lalo na’t papunta na yung tatlong purebloods dito.” Saad ko sa kanya habang tinatanggal yung pagkakatali sa kanya.

“P-pa’no mo nalaman na isa sa purebloods?!” Ulit na tanong niya nanaman sakin.

“Saka na ‘yan. Dapat makatakas muna tayo dito.” Sabay hila ko sa kanya at binuksan ko na yung pinto para tumakas. Nagulat sakin yung dalawang nagbabantay dahil dala-dala ko yung informant kaya pinabagsak ko agad habang hindi pa sila nakahanda.

“Stein at Athena, dito ko sa likod dadaan. Salubungin niyo yung purebloods at pigilan sila kahit sandali lang. Mag-ingat kayo. ‘Wag kayong makikipagsabayan at magfocus lang kayo sa pagubos ng oras sa kanila. Rosaria, malapit na ba sila?” Saad ko through telepathy para walang makaalam ng plano namin.

“Papalapit na sila, pupunta na rin ako para tulungan sila kaya hindi na kita matutulungan kung sa’n maganda dumaan para tumakas.”  Sagot naman sakin ni Rosaria.

“Ayos lang. Mag-iingat kayo.”

“Godspeed.” Sabi nilang tatlo ng sabay-sabay.

Tumakbo na kami nang mabilis nun papunta sa likod ng lugar na ‘to para tumakas. Yeah, alam kong basement ‘to at walang pintuan palabas maliban sa hagdan paakyat nito pero hindi na kami pwedeng dumaan dun. Doon dadaan ang purebloods kaya naisip ko na pupunta kami sa direksyon kung sa’n yung likod ng lugar na ‘to at sirain yung kisame at doon dumaan. Wala na kaming ibang paraan para tumakas kundi yun nalang. Sana mapigilan nila Stein ang mga purebloods.

Nakarating na ko sa dulo at wala pa naman akong nakakasalubong at nababalitaang problema. Sisirain ko na sana yung kisame nito nang biglang nagsalita through telepathy si Stein.

“Gabriel! Mag-iingat ka.. Kanina pa wala yung isang pureblood dito at mukhang hindi na namin kayang pigilan yung dalawa. Nag-stay lang si Rosaria sa may room for CCTVs para hanapin yung isa pero hindi niya makita. Bilisan niyong tumakas.”

Nagulat ako sa sinabi niyang ‘yon at lumingon sa likod ko para malaman kung may nakasunod pero wala akong nakita. Sa pagharap ko nawala na yung informant sa tabi ko at hawak-hawak na ng isang pureblood sa tapat ko.

“Planning to run away? You don’t know who are you dealing with.” Saad niya sa’kin at tiningnan lang ako ng matalim ng kanyang mga mata habang pinutol niya ang ulo ng informant na takot na takot at dinukot ang puso nito at kusa na itong umapoy.

Secret IdentityHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin