Chapter 3: Coincidence

297 6 9
                                    

[Vincent’s POV]

“You froze.” Pang-aasar niya sakin at nag-smirk. Hindi ako nakakilos nang hinalikan niya ako. Hindi ko siya tinulak, hindi ko pinigilan, instead hinayaan ko lang na halikan niya ko. Siya mismo ang huminto after ng ilang seconds nun. I can’t believe myself!

Sa sobrang pagiisip ko tungkol dun, ngayon ko lang napansin na LITERAL na nakahinto ang mga tao. Kaya ba pakiramdam ko huminto yung paligid ko nung hinawakan niya kamay ko? Tiningnan ko ang paligid ko at hindi ako nagkakamali. Nakahinto silang lahat. Delikado ako dito. Kung siya may gawa nun baka mahirapan ako sa kanya lalo na pag mataas class niya.

“So .. Napansin mo na pala? Medyo delayed yung reaction mo.” Sabi niya at tinawanan lang ako ng marahan. “Mukhang nagustuhan mo yung paghalik ko sayo ah. Nanigas ka na nga, nawala ka pa sa sarili mo.” Pang-aasar niya pa.

“Anong nangyari? Bat’ mo pinahinto yung oras?” Pagiwas ko sa sinabi niya. “So iniiba mo yung topic?” Sabi niya at tumawa ng marahan. “Gusto mo bang makita ng ibang tao na hinahalikan kita? Diba model slash singer ka? Dapat nga thankful ka eh.” Sabi niya at kininditan ako.

“Ano bang gusto mo?” tanong ko sa kanya. “Straight to the point ah. Well .. Ikaw ang gusto ko.” Straight to the point din na sagot niya. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ‘to? “What do you mean?” tanong ko. “Exactly what I said.” Sagot naman niya. “I like you and I want you to be with me. Forever.” Oh sh*t. Baliw na yata ‘tong babaeng ‘to. “What nonsense. You’ve gotta be kidding me.” Sagot ko naman. “Gusto talaga kita. And gusto ko rin na kasama kita sa pamamahala ng family ko.” Sabi niya sakin.

Anong pamamahala ng family sinasabi niya? “Anong family?” Sabi ko naman. “Summers. You probably heard that. Wala na sila mom and dad kaya ako na ang namamahala sa pagpapatakbo ng family namin and yung school. Ako na ang head sa family namin and since I like you, I want you to be my partner.” Ah .. Galing pala siya sa pamilya ng Summers. Isa sila sa mga kilalang pamilya ng vampires dito sa Pilipinas pero syempre, sikat sila sa mga vampires lang. Ngayon ko lang nalaman na patay na pala yung head ng Summers.

“You can do that by yourself. If you need help you can hire someone and if you desperately want my help I’ll help you but I will NOT be your partner.” Sagot ko naman sa kanya. “I’ll give you time to think. Sigurado akong alam mong sikat ang family namin among vampires kaya hindi mo man ako magustuhan, yung magiging position mo pag naging tayo magiging magandang deal sayo.” Sagot niya naman sakin.

“I’ll go ahead. Until we meet again.” Sabi niya at kinindatan ako. Pagtalikod niya bago pa siya umalis, nagsalita na agad ako. “Are you serious about what you’ve said?” tanong ko sa kanya. “Serious about what?” Sagot naman niya. Kakasabi lang nakalimutan agad.

“About dun sa you like me.” Sabi ko sa kanya. “Of course. Kaya nga gusto kitang makasama diba? Mukhang nagiging interested ka na ah.” Sabi niya at nag-smirk. “Magkita nalang tayo sa court bukas. Bye.” Pahabol niya at kinindatan ulit ako. Naglakad na siya papalayo pero bago pa siya mawala sa paningin ko nag-flying kiss pa siya. Oh come on! I can’t believe she’s serious. To pick a partner just because you like him?! Hindi niya pa nga alam kung kaya ko bang mamahala eh. Mukhang ammature pa siya pagdating sa ganitong bagay. Well .. Bata pa naman talaga siya para mamahala. Just like me.

Sa pag-alis niya nawala na rin ang pagkakahinto ng oras at tinawag na ko nila Via. Syempre, ano pa bang magagawa ko kundi sumunod sa pinwestohan nila sa Jollibee? Sa dami ng pwedeng kainan jollibee pa ..

Secret IdentityWhere stories live. Discover now