Chapter 2: You're Mine

321 7 0
                                    

[Vincent’s POV]

Yari ako .. Akala ko nasa kwarto na ko kaya napasara ako ng pinto. *facepalm* Madalas kasi pag kakausapin niya ko tapos tatalak siya nasa kwarto ako kaya pinagsasarhan ko ng pinto. Nako naman! Bat’ ngayon pa umiral katangahan ko.

Bad timing nga naman talaga oh! Pwede naman kasing si tita nalang makakita sakin bat’ si Olivia pa! Maramdamin pa naman yung babaeng yun.

*Opens Door*

“Kung ayaw mong sagutin yung tanong ko, wag mo kong pagsaraduhan ng pinto na akala mo nasa kwarto ka! Ayos lang sana yung dati na pinagsasarhan mo ko sa kwarto eh kaso kasi iba naman ‘to! Hatinggabi na nasa labas ka parin. Actually madaling araw na nga eh. Lagi ka nalang ganyan. Concern lang naman ako sayo .. Maramdaman mo naman sana ‘yon.” saad niya at tumakbo na papaakyat ng kwarto niya at mukhang umiyak na. Maramdamin talaga siya bata palang kami at sobrang concern nun sakin. Kung alam niya lang .. Ayoko lang naman silang madawit sa ginagawa ko at mapahamak.

Pumasok na ko sa loob ng bahay namin at sinundan ko siya at kumatok na sa pintuan niya. “Hey. I’m sorry. Nagulat lang naman ako kaya nasara ko. I’ll make it up to you. Can I explain to you?” sabi ko sa kanya at maya-maya pa, bumukas na rin yung pintuan ng kwarto niya. “Sorry *sniff* Naging sensitive nanaman ako. Pagpasensyahan mo nalang kuya. Hindi mo na kailangang magexplain.” Sagot niya habang may mga luha pa sa kanyang mga mata.

“It’s okay. It’s partly my fault too .. Pinagsarhan kita ng pinto na hindi naman dapat. Sorry Via. And .. Thanks nga pala sa concern.” Sabi ko sa kanya and give her a smile. “Nga pala .. Bat’ gising ka pa nung alas tres?” Tanong ko naman sa kanya.

“Bigla kasi akong nagising nung alas tres eh .. ‘Di ko rin alam kung bakit kuya. Kaya ayun .. Pinuntahan nalang kita para sabihin na magpapasama ako sayo mamaya kasi magkikita kami ng mga kaibigan ko.” Tugon naman niya sakin ng nakayuko at sinisipon pa dahil sa pag-iyak.

“Anong oras ba ‘yun Via?” tanong ko naman. “Mamayang tanghali kuya .. bandang mga 1pm.” Sagot niya naman.

“Okay sige .. Pero matulog ka ngayong umaga ha? Hindi ka na natulog simula nung nagising ka. Matulog ka mamaya. Kakain na tayo eh. Alas singko na. ‘Lika na baba na tayo.” Sabi ko sa kanya at ngumiti.

Pagbaba namin ni Via, kumain na rin kami kasabay si tita. Umalis din agad si tita nun after kumain dahil may kailangan pa siyang gawin sa trabaho. Si Via naman, sinabi kong matulog na siya after niyang magpahinga sandali. Ako naman balak kong Puntahan muna sila Stein para tulungan sila. Mukhang hindi ako makakaalis mamayang gabi kaya sisimulan ko nalang ngayong umaga. May nahanap na kaya silang makakatulong samin?

Pagpunta ko sa tapat ng bahay nila kumatok na agad ako. Baka kasi nandito sila kaya dito muna ko dumiretso. Maya-maya pa nainip na ko kaya binuksan ko nalang yung pinto gamit yung spare key ko. Hinanap ko sila sa pero hindi ko makita. Umakyat ako tapos inisa isa yung kwarto doon hanggang sa makarating ako sa isang door na nakalock. Mukhang nandito na pala sila.  Binuksan ko rin ito gamit yung spare key ko sa kwartong ‘yon. At naglibot pero mukhang wala naman sila dito. Actually, mas madali ko silang mahahanap kung gagamitin ko yung telepathy ko pero nakakainvade kasi ng privacy yun. Babasahin yung iniisip mo hindi ba invading of privacy talaga yun? Kaya ko naman siguro sila hanapin eh.

Actually hindi ko kabisado yung lugar dito kaya hindi ko alam yung mga kwarto dito. Lalabas na sana ko pero naalala ko hindi ko pa nga pala binubuksan yung pinto sa kabilang side ng kwarto. Dahil hinahanap ko sila .. Nagpasya akong buksan ito. Lumapit ako sa pintuan at aakmang bubuksan na pero nagulat nalang ako ng may nagbukas sa kabilang side. Yun naman ang ikinagulat ko dahil si Rosaria pala ang nandun .. Nakatakip lang siya ng towel at hindi ako agad nakapagreact habang si Rosaria naman ay halatang nagulat din siya at parang nahihiya. Sinara niya agad yung pinto ng walang sinasabi. Actually kahit ako hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Normally sisigaw yung babae at sasampalin yung lalake pag ganun pero hindi niya ginawa. Mukhang nangibabaw yung pagkahiya niya.

Secret IdentityWhere stories live. Discover now