Kabanata 7

7K 90 6
                                    




That day.. my birthday, umalis si papa.. at si ate hindi ko na nakita..


Its been two months, and yes pasukan na naman..





Miss na miss ko na si ate..
Kung nasaan man siya ngayon, sana okay siya..





********


In school



"Bessie, kamusta na? dipa ba bumabalik yung ate mo?" tanong sakin ni Lisa



Oo bukod sa pamilya namin, si Lisa lang ang nakakaalam na naglayas si ate..bestfriend ko naman siya kaya sinabi ko lahat ng nangyari samin..





"Sus alam ko yang mukha na yan, hayaan mo na.. for sure okay na okay yung ate mo.. kaya wag ka na mag-alala.. Sayang nga lang hindi ka nakapagcelebrate ng debut mo.."---lisa



"Alam mo lisa kung sino may kasalanan ng lahat kung bakit ako nagdusa? si ED GUEVARRA... bwisit na lalaki yun!! pag nakita ko siya sasampalin ko siya talaga" sabi ko.. sa totoo lang gusto ko talagang gawin yun sa lalaking yun...



"Easy lang girl... eh dba hindi mo pa nakikita yun? kahit picture nga dimo pa nkikita eh, paano mo siya sasampalin? hahaha" biro ni Lisa


"Ikaw talaga Lisa!!!" inirapan ko siya




"Joke lang naman bessie, gusto ko lang naman na tumawa ka, antagal na kaya kasi ng huli kitang makitang masaya, kaya naman baka matawa ka lang sa mga corny kong joke.."--lisa




Natouch naman ako sa bestfriend ko...



"Alam mo Lisa buti nalang andyan ka para damayan ako., buti nalang ikaw ang bestfriend ko.." sabi ko naman






"Te' ang drama lang? tama na nga yan..! Pakita nga ng sched mo? pareho ba tayo?"





"Hindi nga e, may conflict sa sched ko kaya pupunta ako ng office mamaya para pabago"







"Ok then,.. uiii" bigla niya akong kinapitan sa braso at kinikilig ang tono.. hays ang flirt talaga nitong kaibigan ko..





"Alam mo ba na madaming nagtransfer na mga gwapo ngayon sa school natin.." sabi ba naman nito habang kilig todo max





"Naku ikaw talaga... (kinurot ko sa tagiliran) imbes na pag-aaral ang intindihin mo, puro boys na naman.."





"Ouch naman girl.. pero promise talaga, excited ako ngayong schoolyear, feeling ko magkakalove life nako!!! yieehhh.." Hayss grabe talaga tong bestfriend ko..





"Ohhh siya mamboys ka muna sa campus at ako.. pupunta sa office para ipaayos yung conflict sa sched ko.. ok.. bye na muna, tawagan nalang kita mamaya..." sabay tayo ko




"Ok bessie!! bye muahh muah!! hehe"---lisa





Napangiti nalang ako sa kalog na bestfriend ko..




******



Naglalakad ako ng hallway.. papuntang office..




Medyo madami nga akong mga nakakasalubong na mga bagong mukha..





Ohhh my... i hate to say this pero etong isang makakasalubong ko really caught my attention.. he's cute, tumingin din siya sakin kaya iniiwas ko ang tingin ko sakanya...





Malapit nako sa office ng lumabas si Mam Aurella, office
Admin namin...

Nagmamadali itong lumabas ng pinto ng office..




"Mam can i chan--" napahinto ako ng sumigaw ito...




"Mr. Ed Guevarra!!!" sigaw nito na ikinagulat ko ng todo..




Napahinto ako sa paglalakad, hearing that name.. lumingon agad ako..




"You forgot your schedule" Mam Aurella says




I cant believe it, that guy na nakasalubong ko ay si ED GUEVARRA?!!!




Nakangiti pa itong lumapit kung nasaan kami ni Mam Aurella..




He smiled, seeing his dimples.. reminded me how my ate adored him so much..




"Oopps, im sorry Mam, medyo naexcite lang ako hehe" sabi pa nito





Ako nakatitig lang sakanya... this guy.. this guy that ruined my Ate's life is in front of me.. shit




"No worries iho, just enjoy your first day here ok?"--Mam




Napalingon na sakin si Mam..



"And you want??" tanong nito




"Uhmm.. hmmm, no Mam, nothing" sabi ko



Mamaya ko nalang aasikasuhin yung sched ko, iintindihin ko muna tong lalaking to,



Nakita kong tumalikod na siya...





Sinundan ko siya..



"Wait!!" sigaw ko




Lumingon siya..



"Yes?"




Nilapitan ko siya...



"Ano nga ang name mo?" gusto kong iconfirm kung siya nga ba talaga yun





"Ed Guevarra...dont you heard her calling my name?" sagot nito..



Aba ang suplado..




"I mean your full name..."





Tumingin ito sakin ng diretso, na parang confused..



"Im Edward Guevarra.."




Shit! siya na nga!!...



Siya na nga yung lalaking nanloko kay ate!! ang kapal ng mukha!!!




Sa galit ko sinampal ko siya,




"Ouchh!! bakit moko sinampal?" sabi nito habang hawak yung pisngi




Medyo nabigla din ako..




"Ummm, ummm...kasi may lamok!!" Hays buti nakaisip ako ng dahilan





"Talaga? napatay mo ba?" tanong naman niya






"Nakakaasar nga ehh, ang bilis lumipad kaya nakatakas.." sabi ko nalang, hays ang awkward





"Ganon ba?" habang hinihimas ang pisngi.. napalakas kasi ang sampal ko, pero hindi ako nagsisisi..




"Napalakas ba sampal ko?" tanong ko pa





"Oo eh, mukhang ang laki ng galit mo sa lamok, hehe by the way i have to go now, kasi hahanapin ko yung room ko, kasi im new here"
Sabi pa nito habang nakangiti, kaasar lang parang painosente pa siya..






"Gusto mo, ituro ko nalang sayo yung room mo, ano bang no. ?"--sabi ko





"212c ang nakalagay ehhh"




"Ay yan ba, alam mo yung building sa south? yun, yung building na yun, dun yan room na yan.. umakyat ka sa 2nd floor, then sa pinakadulo sa right side na room, yun na yun.." ngumiti ako sakanya





"Wow! thanks ha.." saka siya umalis..





Pinagmasdan ko siya habang papalayo...



"Your the one who cause all our suffering" sabi ko sa sarili ko





-------


Nagmamadali kong pinuntahan si Lisa..



May kinakausap siya nang hilain ko siya..



"Bessie ano ba?! Bakit moko hinila bigla?"





"May sasabihin ako sayong importante" sabi ko naman





"Ang wrong timing mo naman e.." Reklamo niya




"Bakit?"





"Kinukuha ko palang yung number nung freshman kanina , ibibigay na sana kaso hinila moko bigla!" sabi nito habang nakasimangot






"Mamaya ako kukuha ng number niya, dont worry, i just need to tell you something.." Sabi ko habang iniupo ko na siya sa isang gilid





"Okay, okay.. fine, what's that?"---lisa





"I cant believe it!! Guess what, sino ang nakita ko kanina dito sa campus!?"





"Si John Lloyd?!! ohhh my!! ang swerte mo!!" ---lisa





Binatukan ko siya..



"Adik ka talaga! hindi no!! si Ed Guevarra!!" Sabi ko naman





"Really? the guy that hurt your ate?"




"Yeah!! alam mo ba? nasampal ko kaya siya!!" Sabi ko





"Talaga? ano sabi niya?" tanong niya





"Wala sabi ko may lamok.."




"Hahaha!! ang loka mo girl, pero wait totoo ba talagang siya yun?"----lisa





"Oo siya yun, itinanong ko kay Mam Aurella, galing daw siya sa Cambridge Universiry, and fourthyear na siya ngayon, nag-iba siya ng major niya.. architectural ang kinukuha niya.. naikwento ni ate na taga Cambridge nga daw yung Ed.. kaya sure ako siya yun.."---ako




"Grabe ha, ang dami mo agad na info ang nakuha sa lalaking yun ha"





"Hindi pa nga ako makapaniwala sa school pa natin siya lumipat.. mukhang nagkamali ata siya ng pinuntahan.." Pataray kong sinabi yun..




Oo mali talaga siya ng pinuntahan..




"Ano balak mo?" tanong niya sakin..





"Well, balak kong maghiganti skanya.. nung sinampal ko nga siya, masarap sa pakiramdam.. umpisa palang yung pangliligaw ko skanya kanina.." sabi ko




"What? anong panliligaw?"--lisa





"Ehh hinahanap niya kasi yung room 212c, pinapunta ko siya sa building ng mga medical courses, bahala siya mapahiya dun, hahaha" sabi ko





"Adik ka girl, talaga bang maghihiganti ka sakanya?" tanong ni Lisa sakin





"Oo, siya ang dahilan bakit magkahiwalay kami ni ate ngayon at kung bakit labis na nasaktan si ate.."




Oo gusto ko talagang maghiganti sa lalaking yun at ang tadhana na yung nagbigay sakin ng chance para maipaghiganti si ate...





Magmula ng araw na yun, dun nako nagfocus, kung paano ko siya paghihigantihan.. humanda siya sakin talagang sisiguraduhin kong mararamdman niya yung naramdaman ni ate nung niloko niya to..





----<<<<<******>>>------




End of Chapter 7 :))



Simula na ng revenge...

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now