Kabanata 2

9.4K 104 3
                                    




Magkasama kami ni ate sa mall, natuloy nga kami nung araw na yun, sinamahan niya kong magshopping...




"Te ang ganda ohh, diba favorite mo yung purple?"
sabi ko ng makita ko yung magandang dress..




"Alam mo babes, sayo bagay yan, kaw naman parang dimo din favorite ang purple, dba parehas nga tayo..?"--- ate




Yeah, lahat ng favorite ni ate, favorite ko din para nga kaming kambal.. ewan ko ba, basta gusto ko kung ano ang gusto ni ate..




Habang naglalakad kami..



Biglang may kumanta na sobrang pamilyar na boses, halatang live yun...



"Parang pamilyar yung boses nung kumakanta" sabi ko




Eto ang kanta niya..


"Your my monalisa , your my rainbow skies... And my only prayer is that you realize,
You'll always be beautiful in my eyes
"

Medyo wala pa sa tono, kaya pinagtatawanan namin ni ate..



"My goshh, sana tinago nalang niya talent niya, hahaha"--ate



"Sana nagsayaw nalang siya, hahaha" dagdag ko pa




Pero nagulat kami sa susunod na narinig namin...



"Siya ang pinakamaganda sa paningin ko at kailanman hindi magbabago yun, babaeng nagpatibok ng tulog kong puso... Andrea, alam kong nakikinig ka.. mahal na mahal kita, sana nagustuhan mo tong surpresa ko sayo, mga kababayan, siya yung babaeng nakapula, nakatayo sa tapat ng bench boutique, napakaganda niya diba?"




Napatulala kami ni ate sa narinig namin, at nahiya kasi pinagtitinginan na kami,



Parang kilala na namin kung sino yun..


Si Jake!!! lalaking patay na patay kay ate,



"Ohhh my! this is embarassing, tara na babes bilisan mo.." -- sabay hatak sakin ni ate...




Matagal na kasing nangungulit kay ate yung lalaking yun, pero busted naman na kay ate,


Sweet sana yung ginawa niya kung gusto din siya ng girl, kaso hindi...




Nagmamadali kaming lumakad.. maya maya ayan na si Jake, humahabol samin..



"Andrea! Andrea! wait!!! wait lang!!" sabi ng mokong





Pero si ate, ang bilis bilis ng paglakad, jusme halos kaladkarin nako ehh..




"Andrea!! please naman! wag mokong layuan, hindi ko makakaya!!" habang sinusundan kami



Ang baduy ano? hahaha, alam kong hindi siya yung tipong lalaki ni ate, masyado kasi siyang oa, ptweetums, tapos ewan, parang aso kasi siya sumunod kay ate, kaya lalo siyang inayawan ni ate, gwapo naman sana,





Huminto bigla si ate..


At humarap kay Jake...



"Alam mo Jake, gwapo ka naman ehh, kaso hindi lang talaga kita gusto, hindi kita type ok? humanap ka nalang ng ibang kababaliwan mo, kasi sawang sawa nako sa mga pinag-gagawa mo, ehh useless din naman.. kaya pleasee lang tigilan mo nako" seryoso si ate habang nagsasalita,...



Kung ako mapagsabihan non?
Ouuuuuchhhhh!!! hehe sobrang sakit nun ha...




"Pero Andrea naman, bigyan mo naman ako ng chance, please.." ---halos lumuhod na si Jake




"Ano ba kasing chance?! e ayaw ko nga sayo ok? maghanap ka na lang ng iba, please, wag mo nakong guluhin kasi hindi nako natutuwa.." ---ate




Bigla nang tumalikod si ate at nag-walk out... kaya naiwan ako, medyo naawa naman ako kay Jake..




"Kuya Jake, kung ako sayo humanap ka na lang ng iba, madami pa naman dyan eh" advice ko skanya..




Tumingin lang siya sakin, seryoso.. nakita ko sa mga mata niya yung pagiging broken-hearted, kawawa naman..




"Ahhmm, sige kuya Jake bye na, sundan ko na si Ate.."




Umalis nako, pero siya nakatulala padin, hayss.. ganon ba talaga ang mbroke? nagiging tulala?..





Nakita ko si Ate, nakaupo sa isang tabi..



"Te, kanina pa kita hinahanap ahhh?.. anong ginagawa mo dito?"




"Wala naman, nag-iisip isip lang"--- ate





"Ano naman yun? wag mo sabihin gusto mo si Jake?"




"Crazy! hindi no, medyo naguilty lang ako sa mga nasabi ko sakanya kanina"--





"Oo nga, nakakaawa kaya siya kanina"




"Ehh siya kasi napakakulit, hayss! ewan nakakairita kasi"--ate





"Sus, sabihin mo ang hirap maging maganda, hehehe"


Napangiti naman si Ate sa sinabi ko...




"Naku ikaw talaga" saka hinawakan pa ang ulo ko..




-----


Habang pauwi kami ni ate..




"Malapit ka na pala mag-18, ano plano mo?" tanong ni ate





"Naku te, sa bakasyon ko na muna iintindihin yun, kasi may finals pako, kaya tulungan mo ko magreview.." sabi ko






Oo malapit nakong magdebut, medyo excited na nga ako, kaso finals ko pa. 2nd year college nako business admin ang kinukuha ko, tulad ng tinapos ni ate, well si Ate, she's working now, sa isang big company as Marketing Manager.. pagkagraduate na pagkagraduate niya, natanggap agad siya, galing ate no?





-------------





Kinabukasan sa school..



"Hey girl, napansin mo ba kanina pa sayo tingin ng tingin yung isang cutie dun" sabi ng bestfriend kong si Lisa



Nilingon ko naman, oo nga cute..




"Hay naku Lisa, wala akong time sa ganyan, kailangan ko pa ngang magreview" bali ko sakanya..




"Hay ewan ko ba sayo, ang ganda ganda mo naman, sayang lang, dami sayong nagkakagusto dito pero dimo pinapansin" angal ni Lisa





"Well, i dont have time para sakanila, i want to graduate at makahanap ng magandang trabaho katulad ni ate"--sabi ko





"Sus, ate naman, lagi nalang bukambibig mo ang ate mo, garbe ka ha..."----lisa




"Ehh ano naman, ate ko naman yun, at saka, nung nag-aaral si ate, hindi kaya siya nagkaboyfriend, at gusto ko ganon din ako"






"Alam mo Alex kung may fans club lang yang ate mo, im sure ikaw ang presidente, hahaha"----pang'aasar sakin






"Hahaha! funny.."--- nakasimangot nako,




Well i cant blame Lisa sa pang-aasar niya sakin, totoo naman, para kasi akong fan ni ate, hehehe well ok lang bahala sila, basta ako idol ko si ate.





-----<~~~~~~~>------------



End of Chapter 2:)))

Revenge To My Sister's Ex (COMPLETED)Where stories live. Discover now