Young Love [22]

6K 108 6
                                    

 YOUNG LOVE [22]

by: tiffanism

Hana's POV:

Two days ng wala si Chanho. Medyo nasanay na rin ako na wala sya. MEDYO lang naman. English period namin ngayon. Reporting lang naman ng 1st group about Figures of Speech. Actually 20 minutes na lang at lunch na. Kaya expected na sa mga estudyante na maingay at magulo. Excited na sa lunch eh. ;))

"Pst!!" napalingon naman ako sa likod ko. Hinanap ko kung sino yung nag-pst. Nakita ko naman si Abbie na palihim na kumakaway sa akin. "Sasabay raw sa atin si Jane mamaya."

"Talaga?" mahinang tanong ko.

Nag-nod sya. Humarap na ako sa blackboard. Sasabay na sa amin si Jane mamaya? Weird~ Hindi na kasi sya sumasabay sa amin, at malakas yung kutob ko na may kinalaman dun si Hyunseung. 

Nung nag-bell na, kanya-kanya ng ayos ng gamit. Lumapit ako kay Jane. "Jane!!"

"Hannaaa!!" tapos kinurot nya yung pisngi ko. Na-miss ko rin sya. Ngayon ko lang din sya nakausap. Sila lagi magksasama ni Hyunseung eh. "I miss you, baby Hana!!" then hinug nya ako. Nakita ko sa labas ng room si Hyunseung. Nakatingin sya sa amin. Ngumiti sya sa akin, nginitian ko na lang din sya.

Tatanungin ko sana si Jane kung ano meron sa kanila ni Hyunseung kaya lang lumapit na sa amin si Abbie. "Tara na sa canteen!" excited sya kasi makakasama na naman nya si Gongchan. Haha!

Paglabas namin, naghihintay na nga sa amin si Gongchan. So ang nangyari, naunang naglalakad sina Gongchan at Abbie. Kami ni Jane, nasa likod. 

"Ahm, Hana samahan mo naman ako sa cr?" sabi sa akin ni Jane.

"Sure." kinalabit ko naman si Gongchan. "Insan, mauna na kayo sa canteen. Punta muna kami cr."

Nagthumbs-up lang sya sa akin. Yun nga, pumunta na kami ng cr. Nag-salamin lang ako habang hinhintay kong lumabas si Jane sa cubicle. Nung natapos na sya, lumabas na kami syempre. Pero kinagulat ko talaga nung paglabas namin, naghihintay sa labas si Hyunseung. o_O

Napatingin ako kay Jane, napalunok lang sya. Hinawakan nya yung kamay ko. "Tara na, Hana."tapos nauna na syang naglakad.

"Jane, wait!" hinabol kami ni Hyunseung. "Pakinggan mo muna kasi ako! F.ck!"

Napunta kami sa garden area. Wala masyadong estudyante na tumatambay ngayon dito kasi lunch. Halos lahat nasa canteen. Nasa gitna ako nila Jane at Hyunseung. Ang awkward nga eh. SUPER. >.<

"Ah eh, m-mauna na ako." paalam ko kay Jane.

"Hindi, dito ka muna Hana." sabi sa akin ni Jane. Tumingin na naman sya kay Hyunseung."EXPLAIN! Makikinig na ako. Kung ano man yang mga kasinungalingan mo." nagulat naman ako. Maiiyak na kasi si Jane eh.

Napabuntong-hininga si Hyunseung. "Oo nga pumayaga ako sa pustahan namin nila Yoseob. Pero trust me, kahit pumayag ako, sincere ako sayo!! Maniwala ka naman, please? Jane, hindi kita kayang lokohin. Matagal na akong may gusto sayo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na loob na ligawan ka, na lapitan ka! Timing lang talaga na pinagpustahan tayo nila Yoseob."

Nalilito na talaga ako. Napatingin ako kay Jane, grabe na yung iyak nya. "Ewan ko kung maniniwala ako sayo o hindi."

Napatingin sa baba si Hyunseung. "Maniwala ka sana. Sige, alis na ako." tapos umalis na sya.

Bigla akong niyakap ni Jane. "Hana, h-hindi ko talaga alam. Totoo ba yung mga sinabi nya? Ewan ko." hinagod ko yung likod nya. "Kung ano sa tingin mo yung pinaniniwalaan ng puso't-isipan mo, yun ang sundin mo." pero seriously, feel na feel ko na Hyunseung's telling the truth. 

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ko sa kanya. Naguguluhan ako sa kanila eh. >_>

"Ganito kasi yun." Inexplain naman nya sa akin lahat. Nalaman ko na, matagal na silang mag-katext ni Hyunseung. Nung sasagutin na sana nya si Hyunseung, kasi nafall in love na sya eh biglang umepal si Yoseob. Congrats daw kasi nanalo si Hyunseung sa pustahan. Blah, blah. Yun, simula nun, hindi na nya kinakausap si Hyunseung. Hindi na rin nya pinapakinggan si Hyunseung.

"Wag sana ganun Jane. Kausapin mo sya mamaya. Ang lungkot-lungkot nya nung umalis sya. Sige ka, baka mapagod kaka-sorry sayo si Hyunseung nyan hindi ka na lalapitan pa." nakita kong naging worried yung expression nya. 

"As of now, kumain muna tayo. Okay?" yaya ko sa kanya.

"O-okay." pumunta na kami sa canteen. Sana talaga magkausap sila mamaya. Sayang sila kung hindi sila magkakabati.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon