Young Love [4]

8.2K 157 24
                                    

YOUNG LOVE [4]

by: tiffanism

Hana's POV:

Darating pa kaya sya? Binuklat ko yung magazine na nasa harap ko. Naman eh! 20 minutes na ata akong naghihintay rito. Hindi kaya- nakalimutan nya? Wag naman sana! Excited pa naman ako sa meeting naming DALAWA. May pen at paper pa nga akong dala eh! >_>

"Kanina ka pa ba?" napalingon ako kaagad sa likod ko. Kampante lang syang umupo sa tabi ko. Bakit ba, parang ang hirap para sa kanya ang ngumiti? Madali lang naman yun diba? 

"Ahm, medyo." ewan ko pero nung naisip ko na 20 minutes akong naghintay sa kanya dito sa library 'di ko mapigilang mag-pout.

I heard him sigh. "Sorry kung natagalan ako. Kinausap ko pa kasi yung mga kamembers ko sa SIP." 

"Aww. Okay!" wag na kayong magtaka sa akin. Mabilis lang talaga magbago ang mood ko. :)

Kinuha naman nya yung dala kong pen at paper. Sinulat nya yung date ngayon. Nakangiti ko syang pinagmasdan. Kyaa! Hindi lang sya gwapo, responsible pa, matalino pa..

and PERFECTIONIST. >_<

I don't know pero yan yung ayaw na ayaw kong ugali nya. PARA SA AKIN LANG HA. Eeh kasi, ano eh.. makaiba. Ako kasi, err. Paano ko ba 'to sasabihin? Haist. FINE! Ako kasi yung tipo na sa lahat ng bagay hindi naman kailangan pang pagandahin ito o gawing perpekto. Kung ano lang yung kaya mong gawin, yun na yun. 

"May naisip ka na bang kanta?" 

"Meron na."

"Ano yun?"

"Sana Bukas. Maganda kasi yung meaning nya tsaka konti lang yung parts na iibahin natin." oha! Pinag-isipan ko talaga yan.

Natuwa naman ako nung nag-nod sya. Sinulat nya yung SANA BUKAS sa paper. Humarap sya sa akin pagkatapos.

"Hatiin na lang nating yung pagrevised ng song okay? Ako sa 1st and 2nd stanzas. Ikaw yung sa chorus." ano ba yan. Sige lang ako nod. Para kasi syang nagmamadali. Hindi pa ako nasanay eh lagi yang busy.. lalo na pag may mga ganitong activities sa school. 

"O sige. Akin na lang itong papel okay? Una na ako." grabe, iniwan na nga ako 'di pa nagawang ngumiti. HAR! 

--

H.E. namin ngayon. Nice! Magbe-bake kasi kami this 2nd Grading Period. Actually, igu-group na lang kami ni Maam kasi naexplain na nya yung mga baking materials, kung pano sila gamitin, kung pano mag-measure, etc.

Syempre, nag-wish kaagad ako na sana- maging kagrupo ko si CHANHO! Hihi! <3

Chanho's POV:

Tiningnan ko yung mga kagrupo ko. Shit naman o. Bakit kagrupo ko sya? Si Hana! Buti sana kung makakatulong yan pagdating sa baking namin. Baka kasi magbaby-baby lang yan eh! NAMAN!

Palihim ko syang tiningnan. Aishh! Lagi na lang nakangiti. Lagi na lang masaya! Hindi ba sya napapagod? =_____=

Wala na kaming kailangang i-discuss pa kasi ang school na ang magpo-provide ng mga ingredients for baking.. pero syempre kailangan naming magbayad.

Hayy. Ang boring. Buti na lang at may H.E. kami sa Monday. Kasi sa Tuesday ng hapon, pull-out na kami sa klase. Yeah. Magdedesign na kasi kami ng aming display board sa gym. S.I.P. you know. Nakaka-stress na nga eh. Pero ayos lang, ito yung gusto ko eh. Gusto kong maraming activities na sinasalihan.

Masarap kasi sa feeling pagnananalo ka. Lalo na kung nagpakahirap ka talaga. 

"Chanho.." napatingin naman ako kay Youngmin, magkatabi sila ni Hana ngayon.

"Bakit?" 

"Nagpaparegards nga pala yung mga babae sa kabilang section." tapos ngumiti sya na parang nang-aasar.

"Paki ko." walang gana kong sagot. Kainis naman! BABAE sila okay? Tapos ganyan pa kung umasta. Psh.

Ewan ko pero napatingin ako kay Hana. Pinaglalaruan nya lang yung ribbon. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

NAMAN! Kainis! Iniiwasan ko na ngang makasama sya ng matagal eh! BAKIT BA KASI NAPAKACUTE NYA?

Lagi na lang. Everytime na makita ko sya.. ah basta-- ANG CUTE NYA TALAGA!! 

"Chanho, bakit namumula ka?" huh? Namumula ako? SHIT!

AT EWAN KO TALAGA kung bakit napatingin na naman ako kay Hana. Ngumiti sya sa akin. Napapikit naman ako. 

THE HECK. Gusto kong isigaw sa kanya na: "DAMN! STOP BEING SO CUTE!!"

Napahawak ako sa chest ko. Weird kasi.. ang lakas tumibok ng puso ko, ang bilis. At lagi ko yang nararamdaman everytime na nakikita ko sya, si Hana. Damnn! I'm contradicting myself again.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon