Young Love [14]

6.6K 161 13
                                    

<--- Don't forget to vote and to post your comments below! ;)

SARANGHAE. ILOVEYOU. MAHALKITA. <333

YOUNG LOVE [14]

by: tiffanism

Hana's POV:

Andito ngayon sa bahay si Gongchan kasama ang kanyang mother. Kinamusta lang ako ni Tita then nag-usap na sila ni Mama sa living room. Actually, more like chismisan yung ginawa nila. You know, GIRLS~!

Si Gongchan naman, mas nauna pang pumunta sa kwarto ko. Namann! Feel at home? Sa bagay, lagi naman sya dito sa bahay eh! Para nga kaming magkapatid sa sobrang close namin eh! Pagpasok ko sa kwarto ko, nakaupo sya sa kama ko at hawak na yung gitara ko. "Gusto mo kantahan kita?" then ngumiti sya sa akin.

"Wag na! Ayokong umulan eh." nag-behlat pa ako. :P

"Har! Pasalamat ka pa nga at kakantahan kita." aba, nalungkot.

"Hayy naku, 'di bagay." umupo ako at pinaglaruan ang keyboard ko sa pamamagitan ng pagpindot. "Di ka bagay maging artista."

"Gongchan ha!" tama bang tapunan ako ng unan. Tinapon ko ulit sa kanya. Saktong-sakto, sa mukha nya natapon.

Mga ilang minuto nagplay lang sya ng guitar. Tiningnan ko na lang. "Musta ang lovelife insan?" tanong ko sa kanya.

Tumigil sya sa paggigitara at tumingin sa akin. "Bakit mo naman natanong?" tapos ngumiti sya sa akin.

"Wala lang, curious lang."

"Ahh." nilapag nya sa kama yung guitar. "Actually, may crush ako sa room nyo."

Nanlaki yung mata ko, "Sino??"

"Hmm, si Abbie." 

"Whoa! Kelan mo pa sya nagustuhan??"

"3rd year pa lang tayo."

Nilapitan ko sya "Grabe ka, tapos 'di mo man lang sinabi sa akin!" :3

"Eh sa hindi ka naman nagtatanong." nainis pa ata. >_<

"Sorry ha!" 

"Okay!" mag-sigawan pala!? "Tsaka pwede ba, painumin mo naman ako, kahit juice lang. BISITA ako ngayon, okay!!"

"MAGHINTAY KA!" tinakpan naman nya yung tainga nya. 

"Hindi ako bingi." kalmado na sya. "Sige na, ikuha mo na ako ng juice." tapos kinuha nya ulit yung guitar. "Ano ba? Tutunganga ka lang jan?" 

Inirapan ko nga. May crush pala sya kay Abbie. Mouahhaha! Don't worry insan, ilalakad kita sa kanya. ;DD

Kahit ang BADDD mo sa akin minsan.

--

Maaga akong pumasok sa school. Wala lang. And again, may lollipop na naman akong kinakain. Bigla ko naman naisip tumakbo. Mouahaha! Gusto kong pagpawisan. Phew!!

Kaya naman, tinakbo ko talaga papuntang room. Hinihingal tuloy ako pagpasok ko sa room. Napatingin ako sa wall clock. 6:15, kaya pala wala pang tao. Nilagay ko yung bag ko sa upuan ko. Inikot ko naman yung room. Ang kalat, siguro nagparaktis na naman yung mga dancers namin sa room.

Lumabas naman ako at pumunta sa band room. Mamaya na kasi ang final para sa Jingle Rapping, gusto ko sanang magpraktis muna. Whole day ang program ngayon. Kinakabahan nga ako. Yung Investigatory Project pa kasi namin.

Malapit na ako sa band room, napakunot kaagad ang noo ko. Bukas kasi ang band room, so it means.. may estudyante sa loob. May narinig akong naggigitara. Gusto kong malaman kung sino kaya pumasok naman ako sa loob.

Nagulat ako, pati rin sya. Ang aga nya ngayon. Ngingitian ko sana kaso, 'di ba nga.. ayaw nya ata sa akin so dinedma ko na lang. Hindi na lang siguro ako magpapraktis ngayon. Bahala na mamayang final.

"Sorry." yun lang at tinalikuran ko na sya.

"Sandali.." tumigil naman ako.

"B-bakit?" hindi pa ako makatingin sa kanya. Nag-sigh sya. 

"Sorry. Sorry kahapon. Sorry talaga." nakatingin sya sa akin at kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata nya. Awww. Hindi ko tuloy kayang hindi tanggapin yung sorry nya. >_<

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon