Young Love [18]

6.5K 142 20
                                    

YOUNG LOVE [18]

by: tiffanism

Hana's POV:

Nagkatinginan si Sir at si Chanho. Wala kaming nagawa kundi tingnan ang mga nanalo na sabitan ng medalya. UNEXPECTED talaga. Wala man lang fourht year na nanalo. Nabalik ang tingin ko kay Chanho. Pinagsisipa-sipa nya lang yung wall. Naibahan ako kasi he's saying some bad words like.. f.ck, sh.t, g*go.

"Tama na yan Chanho." sabi ni Sir. Tumahimik naman si Chanho. Umupo sya ulit sa tabi ko. Nakakatakot yung aura nya. Yung mga dancers namin, nagsimula na ring magsiiyakan. Naiiyak na tuloy ako. Gusto namin magreklamo sa mga judges pero mahigpit na pinagbabawal yun ng school. Isa kasi yun sa policy. Na  ang desisyon ng mga judges ay FINAL at hindi na mababago pa.

Ibang-iba na ang atmosphere ng section namin. Lahat kami tahimik at hindi makapaniwala na hindi man lang kami nanalo, kahit 3rd runner up man lang. Nalulungkot din kami para sa mga dancers namin na nagpakahirap talaga.

Pagkatapos magbigay ng closing remarks si Maam, dinismiss na kami. Sinabi sa amin nung emcee na bumalik ulit sa gym ng 1pm para sa futuristic attire.

"Chanho and Hana.. tara na." sabi sa amin ni Sir. "Memake-up'an pa kayo." sumunod kami kay Sir.

"Sir, sandali." tumigil naman kami at napaharap kay Chanho. "Kakausapin ko lang sandali yung mga judges. Gusto kong malaman kung bakit hindi man lang nanalo ang section natin."

"Chanho, wag na." pero hindi na sya napigilan ni Sir dahil tumakbo na sya palapit sa mga judges. Agad kaming sumunod ni Sir. 

"..para kasing HIPHOP yung dance nyo." narinig kong sabi nung 2nd judge.

"Sir, excuse lang po ha. Pero hindi po HIPHOP yun. Robotic dance po yun.." paliwanag ni Chanho, pero halatang mainit ang ulo nya.

"Chanho tama na!" nagulat ako kay Sir, unang beses ko kasi syang narinig na nagtaas ng boses. "Pasensya na po." sabi ni Sir sa mga judges at hinila na palayo si Chanho sa mga judges.

"Chanho, ano bang ginagawa mo? Umayos ka. Ganyan talaga sa mga competitions. You need to accept the reality.." tinapik ni Sir si Chanho. "Don't worry, para sa akin. Kayo ang champion." 

Hindi pa rin ngumingiti si Chanho. "Tara na sa room. Naghihintay na sa inyo yung magma-make up sa inyo." 

Pagdating namin sa room, nag-usap muna si Sir at yung babae na magmamake up sa amin. Si Chanho naman pumunta sa pinakagilid ng room at dumungaw sa bintana. Gusto ko syang icomfort pero natatakot akong lapitan sya.

Sa huli, nilapitan ko na lang sya.

"C-chanho." humarap naman sya sa akin. "Alam kong masakit sa part mo na hindi kayo nanalo. Pero sana matanggap mo yun, mas madali kasing makalimutan ang sakit kapag tinanggap mo na ang totoo. Atleast, alam naman natin na mas magaling kayo kesa sa kanila." tinapik ko sya sa balikat. "Tsaka, hindi lang naman yun ang competitions eh. Marami pa. Mas maganda nga at na-experience mo ang matalo. Kasi sa bawat talo mo, marami kang marerealize at matututunan."

Ngumiti ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, para sa akin. KAYO ang pinakamagaling.. lalo ka na."

Bigla syang napangiti at niyakap ako. "Salamat Hana. Salamat.."

Natuwa naman ako. Kahit papaano eh nabawasan yung sakit na nararamdaman ni Chanho ngayon. Gaaah! I'm so proud of myself. 

Bigla nyang hinawakan ang kamay ko. "Tara, lapit tayo kina Sir."

Sumunod naman ako. Hindi ko na inalis yung pagkakahawak nya sa kamay ko. HIhih. <3

"Teka, Hana.. anong nagyari sa kamay mo?" kunot-noong tanong nya sa akin.

"Huh? Bakit ano palang meron?"

"May pasa o." pinakita naman nya sa akin. 

GOSH! Hindi ko inaasahan na magkakapasa pala yung kamay ko sa pagkakatama dun sa bag na may metal.

"W-wala yan." 

"Anong wala?" halatang nag-aalala sya. Ayoko naman sabihin na sya ang dahilan, 'di naman nya sinasadya eh.

"Basta, ewan ko kung bakit.." 

"Punta muna tayo sa clinic. Next time, mag-ingat ka okay?" wala akong nagawa kundi ang mapa-nod. Nagpaalam sya sandali kay Sir, pumayag naman sya. 

Ang bait-bait talaga ni Chanho sa akin. Kinikilig tuloy ako. >_<

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon