Young Love [6]

7.4K 157 19
                                    

YOUNG LOVE [6]

by: tiffanism

Chanho's POV:

"HANAAA!!" sigaw ni Youngmin kay Hana kaso nakalabas na sya eh. Bigla nya akong hinarap at tinulak. "Ano ba problema mo ha?" tinulak nya ako ulit. "May masama ba sa ginagawa namin?"

"Tama na!" inawat kami nila Yoseob. "Tama na okay? Kung ayaw nyong mapunta sa Prefect.."

Tiningnan ako ng masama ni Youngmin. "Bakit mo sinigawan si Hana?"

Bakit ko nga ba sya sinigawan? Sa totoo lang, 'di ko rin alam. Naiinis kasi ako kanina nung nakita kong nage-enjoy silang dalawa ni Youngmin. Hindi ko nga alam kung bakit eh. FIRST TIME kong maramdaman yun. Damn! Guilty na ako masyado. Saka lang ako natauhan nung nakita kong lumabas si Hana sa H.E. Lab.

"O bakit hindi ka makasagot?" galit na talaga sa akin si Youngmin. 

"S-sorry." yun lang yung nasabi ko bago tumakbo palabas ng H.E. Lab. Buti na lang at recess ang next sa H.E. Lab. Tinanggal ko yung apron ko habang tumatakbo tapos nilapag ko lang dun sa isang mesa na nadaanan ko. 5 minutes before the time pa.

Hingal na hingal ako pagdating ko sa room. Sana andito sya. "Hana?"

May narinig akong umiiyak, mukhans si Hana yun. Nakita ko sya sa pinakagilid ng room. Nakayakap yung kamay nya sa legs nya tapos nakapatong yung ulo nya sa tuhod nya kaya hindi ko makita yung face nya pero rinig ko yung pag-iyak nya. Tae. Kasalanan ko 'to!

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nung nasa harap nya ako, umupo ako. Langya! 'Di ako magaling sa ganito. >_<;;;

"H-Hana..?" tapos hinawakan ko sya sa balikat. Pwede na ba un? 

"Che! *sniff*" hindi pa rin nya ako tinitingnan.

"Hana, sorry." mahina lang yung pagkasabi ko. 

"A-ano?" mukhang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Sorry. Sorry kung n-nasigawan kita kanina. Sorry kung.. nasaktan kita. Ano kasi- uhm. H-hindi ko rin alam ung bakit ko nagawa un. Sorry.. sana ma-" hindi ko natapos yung sinasabi ko kasi tumingin na sya sa akin. Grabe, medyo nagulo yung bangs nya tapos yung ilong nya, sobrang pula same as her eyes. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko nung nakita ko yung hitsura nya.

Hindi ko alam kung bakit ko hinawi yung bangs nya tapos without using hanky, pinunasan ko yung mga luha sa mata nya. 

"C-chanho.." 

"Sorry." tapos i look into her eyes. "Peace na tayo?"

Ngumiti sya. Putek, ang cute!! "Oo bah! Basta.. wag mo na ulit gagawin yung kanina ha??"

"Promise." ewan ko ba at natuwa ako nung sinabi nyang "oo bah!"

Biglang nag-chime. Recess na. May naisip naman ako bigla. Tuamyo ako tapos nialahd ko yung kamay ko. "Tara.. ililibre kita ngayon. Peace offering ko." then, ngumiti ako sa kanya.

Tinanggap nya yung kamay ko at tumayo na rin sya. "You smiled on me!" huh? Tapos nag-blush sya. "Bagay pala sayo ang nakangiti." 

Err. Hindi pa ba nya ako nakitang ngumiti? >__<

"Uhm. So tara na?" 

"Sandali lang. Magsusuklay muna ako." tapos nag-pout sya. Sarap kurutin yung cheeks nya. Kagigil.

After nyang magsuklay, naghilamos sya sa labas ng guidance office then yun pumunta na kami ng canteen. As expected dahil recess, andaming estudyante. Siksikan. 

"Anong gusto mong bilhin ko para sayo?" tanong ko kay Hana.

"Uhm, chuckie and sandwich." 

"Ahh.. o-okay." tapos tumalikod muna ako sa kanya para ngumiti. Pati ba naman choice of food nya.. pambata!!? Nung okay na ako, humarap ako ulit sa kanya. Grabe, ang inosente nya tingnan. "Humanap ka na lang muna ng mauupuan natin."

"Sure." tapos naghanap na sya. Ako naman pumila na. Binili ko syempre yung order nya tapos ang sa akin, coke at bihon lang. Nahanap ko naman agad kung san sya nakaupo. Paglapit ko sa kanya, nakangiti na naman sya.

Pumwesto ako sa harap nya. 

"Thanks.."

"Welcome."

Nagsimula na kaming kumain. Then, bigla akong may narinig na mga estudyante..

"Teka, si Chanho at si Hana o. Kyaaa!! Bagay sila."

"Ang cute ni Hana tapos ang gwapo ni Chanho, perfect!!"

"Aww, sila na ba? Aish!"

"Wala na tayong pag-asa kay Chanho my love, halata naman o. May gusto sya kay Hana."

"Hindi ko makuhang magalit kay Hana, aww. Ang cute nya kasi."

Napatingin ako kay Hana. Inosente lang syang umiinom ng chuckie. Mukhang hindi nya narinig yung mga bulung-bulungan. Napansin nya ata na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin sya sa akin.

"Bakit?"

"Uhm, wala." tapos uminom ako ng coke. Talaga bang..

BAGAY kami? Hindi ko alam pero.. napangiti ako.

Young LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon