Chapter Twenty-Three

54.4K 1.3K 65
                                    

Chapter Twenty-Three

Ayaw sana niyang sagutin ang tawag ni Oz dahil pagod na pagod na siya, kadarating lang niya mula sa hospital at gusto sana niyang magpahinga muna. Bitbit pa rin niya ang black folder na ibinigay sa kanya ni Hexel sa kanya.

Nagkaayos na sila ng mga kaibigan niya at totoo ang sinabi ni Hexel hindi galit sa kanya ang mga kaibigan niya. They were surprised by her sudden outburst dahil hindi naman daw siya ganoon but they weren't mad at her, she could see understanding behind their weary eyes.

Hanggang ngayon ay wala pang malay si Monique at hindi rin niya sinabi kay Hexel ang tungkol sa sinabi ni Cael sa kanya. She wanted Hexel to know about it, about Clive, about Cael's revelation kasi nakaka-overwhelm kasi ang araw na iyon.

"Mabuti naman at sinagot mo ang tawag ko Monica." Nag-aalalang wika ni Oz sa sa telepono. "Okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sa iyo ngayong araw?"

"Okay lang ako." Gusto nga niyang sabihin na maganda ang nangyari sa araw na iyon. "Bakit? May masama bang nangyari?"

"I was shot."

"What!?" napabalikwas siya ng bangon sa sinabi nito. "Sino ang dahilan?"

"Si Hiro, ako ang napagdudahan niyang anak ni tita Hikaru dahil sobrang lapit ko kay tanda."

"Harap-harapan?" nangilabot siya sa sinabi nito.

"May inutusan siya pero alam kong hindi pa niya ako papatayin dahil kapag nangyari iyon dahil baka ano ang mangyari kay tanda at atakehin sa puso. Hindi pa naaayos ang last will and testament ni lolo."

"Okay lang ba si Oji-san?"

"Kaunti nalang Monica at pareho nating alam kung ano ang mangyayari sa kanya. Please save him, your presence will save us and the people under our grandfather's care. Dahil kapag ako hindi na nakapagtimpi ako mismo ang gagawa ng paraan maalis lang sa mundo ang taong iyan."

"Ama mo pa rin siya."

"Kahit na ama ko siya, twenty-four hours Monica. Iyon lang ang hinihingi kong palugit para sa desisyon mo. After twenty-four hours I'll be a criminal." Galit nag alit si Oz. Hindi naman niya pwedeng hayaan na maging criminal ang pinsan niya. Mabait si Forrester at napakawalang justice naman kung ang taong gustong pumatay sa kanila ang magsisilbeng biktima pa sa bandang huli. Natatakot din siya sa pwedeng mangyari, baka maunahan ito ng ama nito at ito ang mapahamak.

"Ano ba ang gagawin ko?"

Tiningnan niya ang cellphone niya and look for Xancho's number, alam niyang siya ang nanghingi ng space pero gusto din niyang malaman ang opinion nito since kaibigan naman nito si Oz.

"Xancho sagutin mo." Lihim na dasal niya kahit na alam niyang impossiibleng mangyari iyon dahil baka walang signal sa dagat.

"Xancho kung naririnig mo ang message ko call me immediately." She leave a voice message sana lang ay marinig agad nito iyon. Nahiga siya sa kama niya at saka pinatay ang ilaw, bukas paggising niya magiging okay lang ang lahat. Makakapagdesisyon na rin siya ng maayos.

Bago niya ipinikit ang kanyang mga mata ay sinulyapan niya ang itim na folder na nasa kanyang tabi. Bukas babasahin niya agad iyon, marami siyang nakaplano bukas. Bibisitahin niya ang mga kapatid niya, maghahanap siya ng magaling na lawyer at sasabihin niya kay Hexel ang sinabi ni Cael, baka may maitulong iyon sa plano ng pinsan niya.




NASA harap siya ng gate ng bahay ng tunay na pamilya ni Aycie, kanina pa niya gustong kumatok at tumawag ng pansin kaya lang tila may nagpipigil sa kanya na gawin iyon. Siguro hindi niya alam kung paano haharapin ang kapatid niya, she lost the battle. And maybe Aycie was wishing she would too, hindi naman siguro ito aalis sa poder niya kung hindi nito gusto.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu