Chapter Twelve

79.2K 1.5K 158
                                    

Pre a/n: Contains scenes that are not suitable for young audience, please be a responsible reader lalo na sa mga bata. Ang mga bida dito ay nasa tamang edad na at pawang may mga trabaho na kaya kung maaari huwag tularan ito ay likha ng malikot na isip ng manunulat. Salamat.

Chapter Twelve


KANINA pa niya napapansin ang isang itim na sasakyan na nakasunod sa kanya, noong una ay hindi niya ito pinapansin dahil sa isip niya baka nagkataon lang na pareho sila ng dinadaanan pero nagkamali siya dahil malakas ang kutob niyang sinusundan nga siya ng naturang sasakyan. Nag-iisa lang siya dahil kanina pa kinuha ni Norman ang mga bata at inuwi kailangan kasi niyang pumunta sa bahay ni Georgette for sorority duties. May bagong deliveries ng mga goods mula sa mga companies for donation at siya ang nakatukang magcontact sa mga instituition na bibigyan nila ng mga donations.

And aside from that kinausap din nila si Diana, mukhang hindi yata ito magkasundo sa naging asawa nito. Hindi sinabi ni Diana ang dahilan ng kanilang biglaang pagpapakasal pero alam niyang may ibang rason iyon and right now love is not the answer. Kilala nila ang kaibigan nila, they are trying to find out the main reason for that marriage. At hindi lang iyon, nakilala na rin nito si Dalzel Ross, as Hexel's cousin but not as her brother. Malalaman din naman iyon ni Diana hindi pa siguro ngayon but Ross is looking at her sister's condition right now, sa malayo nga lang. Ang nakakatawa pa nagkataon na boss ni Ross na si Warren ang naging asawa ng kapatid nito. Ang liit talaga ng mundo.

Muli siyang napalingon at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng mapansin na palapit na ng palapit sa kanila ang sasakyan. She is silently praying when a car stops in front of her.

"Monica." Si Xancho iyon. "Bakit takot na takot ka?" nag-aalalang tanong nito sa kanya ng bumaba ito. Hinawakan pa nga nito ang magkabilang pisngi niya at napansin marahil nito ang panlalamig ng kanyang balat. "May masama bang nangyari?"

"Don't touch me." Tabig niya sa kamay nito hanggang ngayon ay iniiwasan at hindi pa rin niya ito kinakausap.

"Look, I gave you space and time para mapatawad ako ngayong nakita kitang takot na takot-."

"I am not scared." Tanggi niya pero sinundan naman niya ng tingin ang papalayong itim na sasakyan much to her relief. "I am fine." She is safe now but knowing she is with him mas lalong hindi siya safe doon.

"You are scared."

"How would you know?" paano nga naman nito malalaman kung walang mababasang ekspresyon sa mukha niya.

"Kahit wala kang pinapayagan na makakita sa emosyon mo, kahit na kasing lamig ka pa ng yelo, nararamdaman ko ang nararamdaman mo."

Mariin niya itong tinitigan ngayon. "Kung nararamdaman mo ang nararamdaman mo ang nararamdaman ko, ano ang nararamdaman ko ngayon."

"You are scared."

"At alam mo kung sino ang kinatatakutan ko?" lumamlam ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya pero hindi naman siya binibitiwan.

"Me." He sigh. "I am sorry princess I know I was wrong masyado siguro akong nasanay na walang may pakialam sa akin kung bigla akong nawala. Hindi ko pa na-adjust ang sarili ko pero wala ni isang araw na hindi kita naiisip habang nasa dagat ako, I wanted to call you and text you pero walang signal doon. Please forgive me." Bakas na bakas sa boses nito ang senseridad sa paghingi ng tawad. She is formulating something inside her brain.

ZBS#9: Blue grasshopper's Lesson Learned (COMPLETED)Where stories live. Discover now